Amihan's POV,
Kinakabahan ako sa mangyayari, parang mayroon sa loob ko na huwag payagan si Jewel sa labang ito. Hindi ko kasi gusto ang itsura ng kalaban niya. Mukhang eeewww ! Creepy mga girls, Omygad ! Pero wala naman akong nagawa kasi mukhang gustong lumaban ni Jewel.
Nakatutok lang ang mga mata ko sa screen ng iphone ko, nakakonekta kasi ito sa mga CCTV na kinabit namin sa kabuoang highway.
Ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng banggain ng kalaban ang sasakyan ni Jewel.
"Shit !." Usal ni Frankie na katabi ko ngayon at tutok na tutok din sa screen ng cellphone niya.
Binalik ko ang tingin sa screen ng cellphone ko. The heck ! Kakalbuhin ko talaga iyabg kalaban niya. Masyadong maduga. Tss ! Pero ang sumunod na nangyari ang pinanlambot ng buong katawan ko. Parang ganito din ang nangyari sa akin noong bumangga ako pero ang pinagkaiba lang ay ginusto kong mabangga kaysa naman masagasaan ang kawawang aso. Yung kay Jewel ay sinadya.
"Omygad ! Frankie tawagan mo si Hab !. Dalian nating pumunta kay Jewel !" Nag hehesterical na ako sa sobrang takot na nararamdaman ko.
Sumakay agad si Frankue sa drivers seat ako naman ay sa tabi niya. Minamadali ko siya kahit na kausap niya si Kuya sa cellphone niya.
"Boss ?...... Si Jewel po naaksidente ..... pasensya na bo-"
Kung ano man ang pinag usapan nila ni Habagat alam kong napagalitan ito. Pero mamaya ko na iyon iisipin. Kailangan naming mapuntahan si Jewel ngayon din.
"Fuck !"
"Omygad !"
Hindi ko mapigilan ang maiyak dahil kalunos lunos ang sinapit ng Jewel at ng MacLaren niya. Nakaramdam ako ng takot ng makitang puno ng dugo ang mukha ni Jewel at walang malay.
Nakita ko naman ang mabilis na pagkilos ni Frankie at isinakay si Jewel sa BMW niya, samantalang ako ay parang tuod na sumakay na din. Nanginginig pa ang tuhod ko sa nangyayari. Baka mamatay si Jewel !. Ayokong mangyari iyon. Kapatid na ang turing ko sa kanya. Ayoko ! I swear mapapatay ko yung may gawa nito sa kanya. Gagamitin ko Eternity para makaganti doon. Alam ko ang organisasyon ni Kuya sa Underground society, si Daddy ang dating namumuno doon hanggang sa naipasa na ito kay Habagat. Alam kong masama ang mga ginagawa nila doon pero hindi nila ganoon ka kilala ang kakambal ko, alam kong may puso din ito kahit paano, ayaw niya lang ipakita lalo na kay Jewel.
Dinala namin si Jewel sa Ramirez Hospital para mapagamit na siya agad. Dinala agad siya sa Emergency Room para operahan. Ilang sandali kaming nag antay ni Frankie sa labas ng emergency room. Tuliro pa ako sa mga nangyayari.
"Sinong kasama ng pasyente ?." Tanong ng isang doctor na kalalabas lang ng ER. Agad naman akong tumayo at lumapit.
"Ako po !."
"Okay na ang kasama niyo maa'm. But unfortunately the baby didn't survive.!"
The baby didn't survive.
The baby didn't survive.
The baby didn't survive.
Hindi pa ako nakakahuma sa sinabi ng Doctor ng may marinig pa akong isang nagsalita.
"The - what ???." Sigaw ng kararating lang na kakambal ko.
"Are you the husband ?!" Tanong ng doctor pero kinuwelyuhan lang siya ni Hab.
"Just fvcking tell me what happened !." Gigil na tanong ni Hab kaya pinigilan ko na siya.
"I'm sorry mister but like what I have said awhile ago, the patient is two weeks pregnant and the baby didn't survive. Excuse me."
BINABASA MO ANG
My Soulmate (COMPLETED)
DiversosWhat is Love ? Hindi daw ito uso kay Habagat Forteza. Pero nabago ang lahat ng iyon ng dumating sa buhay niya si Dane Jewel Heluxus.