Race ❤ 19

27.1K 790 4
                                    

Maganda ang sikat ng araw kinabukasan. Napakagaan ng pakiramdam ko. Ganito pala ang feeling kapag wala masiyadong iniisip. Bumangon na ako at nagsimula ng maligo. Ginawa ko lahat ng morning rituals ko bago ako bumaba para mag agahan. Napakunot ang noo ko ng wala akong nakita sa kusina kundi ang kasama namin sa bahay.

"Good morning manang, nasaan po sila ?!"

"Magandang Araw din ho Maa'm Jewel, nasa pool area po sila. Sa may Heluxus Garden po.!?"

Nagpasalamat na ako kay manang at nagsimula ng maglakad paalis. Siguro ay doon nila gustong mag agahan sa garden malapit sa pool area. Kung sabagay ay refreshing naman ang lugar na iyon.

"Good Morning Tita Jewel !?" Nakasalubong ko sina Ayesha at ang kapatid nitong si Axel na buhat buhat ng taga alaga nito. Nasaan si Ate Zack ?.

"Good Morning din, nasaan ang Mommy at Daddy mo ?!"

"Nasa may garden po, may kausap na lalaking asul ang mata.!?"

Nanlaki ang ulo ko. Lalaking may asul na mata ? Omygad ! Si Habagat iyon ? Nagmadali akong pumunta sa Garden pero maingat pa din ang bawat pag hakbang ko.

Nandito nga si Habagat ! Kasama si Mommy Amarah, Tito Pacifico at Amihan.

"We are here to formally get your daughter's hand Mr. Heluxus.!?"

Si Tito Pacifico ang nagsalita. Habang si daddy ay nakatitig lang sa kanila. Si Kuya naman ay masama ang tingin sa asawa ko. Habang katabi naman niya si Ate Zack.

"After all what your son did ! Sa tingin mo ba ay papayag ako Forteza ?."

"Daddy !!" Sigaw ko kaya napatingin naman silang lahat sa akin.

"Mahal ko po ang anak niyo Sr.!?" Si Habagat na ang nagsalita.

"Pero sinasaktan mo siya physically.!?" Sabat naman ni Ate Zack.

"See ? How can I trust you young man !!"

Mukhang nag kakainitan na sila kaya naman lumapit na ako. Dahan dahan lang akong maglakad dahil basa iyong damo. Mahirap na at baka madulas ako. Mapahamak pa ang baby sa sinapupunan ko.

"Love !?" Usal ni Habagat ng marating ko sila. Akmang lalapit ako sa kanya ng hapitin ako ng Kuya ko.

"Sissy bumalik ka na sa bahay please.!?" Ang sarap pakinggan ni Amihan parang angel iyong boses niya. Ewan ko ba. Weird talaga siguro pag buntis.

"Daddy. Ano po ito ? Alam niyo naman pong kasal na kami diba ?. Gusto ko po sanang pumayag kayo na maikasal kami ulit. This time sa simbahan na po. At nandoon po kayo. Ayoko na po kasi ng masyadong komplikadong buhay at gusto ko na pong mag kaayos tayo. Mahal ko po si Habagat daddy pero mahal ko din po kayo. Hindi po ba pwedeng happy nalang tayo ?!."

Hindi ko alam kung tama ba lahat ng sinabi ko pero napatigil silang lahat. Ilang segundo ding natahimik si Daddy at Kuya habang pinagmamasdan ako.

Hindi ko din alam kung maayos na ba ang problema nila Habagat tungkol sa pag panaw ng kapatid nito. Ang totoo niyan kaya ako umalis sa kanila kahapon dahil ayaw kong makialam sa bagay na alam kong wala naman akong karapatan. At isa pa, gusto kong lahat sila ay maliwanagan sa totoong nangyari. Para na din maging malaya si Kuya Calvin at Amihan.

"Last chance young man ! Hurt her again. I'll skin you alive !?."

Iyon lang ang sinabi ni Daddy at nagsimula ng itong umalis. Sumunod naman sa kanya sina Kuya at Ate Zack.

"I miss you love. Bakit ka ba kasi umalis sa bahay.!" Bungad agad sa akin ni Habagat at saka niyakap ako ng mahigpit.

Nagsisinungaling ako kung sasabuhin kong hindi ako kinilig.

"Son, we'll go ahead. Bring home your wife with you.!"

Nagpasalamat ako kila Tito Pacifico at nauna na din sila sa pag alis. So ngayon, kami nalang ng asawa ko ang nandito sa Heluxus Garden.

"Love, I'm sorry. I'm sorry for blaming your cousin for what happened to my sister. I'm sorry.!"

"Hindi ka dapat sa akin mag sorry love. Alam mo kung kanino.!"

"I will do it love. Just please comeback home.!"

Niyakap ko siya ng mahigpit bago kami nagdesisyon na bumalik na sa bahay. Sa mga Forteza. Pero siyempre ay nagpaalam muna ako kila daddy. Kahit na anong mangyari ay tinanggap pa rin nila ang naging desisyon ko. That's why I'm really happy.

Habang nasa byahe kami ni Habagat aay ikunuwento niya sa akin na wala ni-isa sa mga tauhan niya ang gumawa noon kay Atmospera. Hindi daw pamilyar sa kanila ang itsura ng mga taong iyon. At isa ginagawa na ng Black Eternity ang lahat para malaman ang tungkol sa kaso ng kapatid niya.

Sa totoo lang ay natatakot ako. Paano kung bumalik iyong mga taong walang habas na may gawa noon kay Atmospera. At isa pa,sa dami ng nakaaway ni Habagat at ng kanyang ama. Sino naman kaya sa kanila ang gagawa noon ?. Hindi mawala ang takot at kaba ko sa aking dibdib lalo na ngayon na nag dadalang tao ako.

"Love are you hungry ?"

Ang inaalala ko lang naman ay ang kaligtasan naming lahat. Hindi ako makakasigurong ligtas kami hanggat hindi pa na kikilala kung sino ang mga gumawa noon kay Atmospera.

"Love where do you wanna eat ?."

Paano kung bigla nalang silang magbalik. Paano kung saktan niya kami pati ang baby ko.

"Love are you okay ?."

Hindi ko kaya. Ayaw ko. Hindi pwedeng mapahamak muli ang batang dinadala ko.

"Love ?."

Bumalik ako sa katinuan ng tawagin ako ni Habagat. Napatingin ako bigla sa kanya. Nakakunot ang noo niya habang titig na titig sa akin ang asul niyang mga mata. Ngayon ko lang napansin na nakahinto pala ang LaFerrari niya dito sa gilid ng highway.

"Ha ? Nagugutom ka na ba ?!" Wala sa sariling tanong ko.

"I am the one who's asking you if are you hungry. But you keep on ignoring me. What's wrong love ?."

"A-ano, pasensya na. May iniisip lang ako.!"

"Stop worrying too much. I told you, I can handle this. So please, stop bothering yourself. It's not good for you and for our baby."

"S-sorry."

Iyon nalang ang nasabi ko at saka pinagpatuloy na niya ang pagmamaneho. Alam ko kung gaano din siya nag aalala tungkol sa bagay na ito. Minsan ng may nawala sa amin at alam kong hindi na niya hahayaang maulit muli iyon.

Bakit nga ba ako nag iisip ng kung ano-ano. Alam ko naman na kaya kaming protektahan ng asawa ko.

Haist !

Siguro ay napaparanoid na ako kakaisip. Hindi pa naman pwede sa akin ang ma-stress. Pero gayon pa man, hindi maalis sa isip ko kung sino ang may gawa noon. At bakit may nag imbento pa ng suicide letter ni Atmospera. Alam kong may kulang. Pero nasaan ?.

"Love, I said stop thinking about the issue of my sister."

Agad kong binigyan ng tingin ang asawa ko. Nakatutok lang siya sa daanan habang nagmamaneho.

"H-hindi ko naman iniisip ah !" Pag tanggi ko.

"Your not good in lying love."

Bakit na kasi ang daldal na ni Habagat. Bumalik ka na nga lang sa pagiging tahimik at cold treatment mo. Tss. Naiinis na ako.

"Where do you wanna eat ?."

"Where do you wanna eat your face ! Kumain ka mag isa mo ! Inaantok ako !?"

Natawa lang siya sa sinabi ko na lalong ikinainis ko.

"I guess, pregnant woman is really weird.!"

"Ano ? Baka ikaw !"

******

My Soulmate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon