Race ❤ 3

33.8K 895 3
                                    


Nagising ako ng wala na sa tabi ko ang lalaking mahal ko. Bigla ay nawalan ako ng kulay. Lagi namang ganito ang nangyayari, sa tuwing gagawin namin ang ganitong tagpo noon ay hindi ko na siya naaabutan sa kama ko pag gising ko. Ano pa bang bago ? Hindi ka na nasanay Jewel na pampalipas oras ka lang niya at hindi lang ikaw ang kinakama niya.

Napatingin ako sa gilid ng lamesa ng makita ko doon ang dalawang paper bag, alam ko ang laman ng mga paper bags na iyon. At hindi nga ako nagkamali damit nga ang laman ng mga ito. Noon kasi ay madalas niyang sirain ang damit ko sa tuwing ginagawa namin iyon kaya lagi siyang may nakahandang pamalit na damit para sa akin.

Kinuha ko na ang paper bag na iyon at dumiretso sa maliit na banyo para maligo, mabuti nalang at may tubig dito kahit paano. Isinuot ko ang isang simpleng cream off knee legth dress at isang pares ng puting dollshoes. Sa tingin ko ay aalis kami ngayon sa lugar na ito dahil ito ang damit na iniwan sa akin ni Habagat.

Namimiss ko na ang mag drag racing ! At kahit na may tampo ako kay Frankie dahil nag sinungaling siya sa akin tungkol sa pag alis niya sa grupo ay namimiss ko din siyang agawan ng softdrinks. Haist! Kung tutuusin ay wala naman akong malapit na kaibigan bukod kay Frankie.

*door opens*

Napatingin ako sa mga bagong pasok sa kwarto. At kung hindi ako nagkakamali ay sila ang mga bantay sa akin.

"Hinihintay kana ni Boss sa baba !?."

Hindi na ako umimik sa nagsalita dahil sa totoo lang ay hindi ko naman napansin kung sino sa kanila ang nagsalita dahil magkakamukha sila sa suot nilang shades.

Bumaba na kami hanggang sa makarating kami sa labas ay nakabuntot sila sa akin na para namang tatakas ako. Nakita ko si Habagat na prenteng nakaupo sa loob ng pulang LaFerrari niya.

"Sakay !."

Utos niya. Hindi pa man ako nakakasagot ay itinulak na ako ngbisa sa mga alipores niya papasok sa passengers seat. Hindi na sila pinansin ni Habagat at pinasibad na niya paalis ang sasakyan niya.

"Saan tayo pupunta ?!."

"Sa bahay ! Doon ka na titira .?!" Simpleng sagot niya ng hindi man lang inaalis ang tingin niya sa daan.

"Ayoko !."

Napasubsob ako sa dashboard ng sasakyan niya ng bigla siyang pumreno ng malakas.

"What the hell !?."

"Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka sa akin."

Muli niyang pinatakbo ang LaFerrari niya. Napapaluha nalang ako. Bakit ba hindi ako makalaban sa kanya. Dahil sa pagmamahal ko ? Natatakot ako kung hanggang saan ba hahantong ito.

"Ano bang kailangan mo Habagat ?!." Dala na siguro ng emosyon kaya tuluyang bumagsak ang mga luha ko.

"Ang makaganti kay Calvin Heluxus .!"

Napatingin ako bigla sa kanya at puno ng galit ang mga mata niya. Ano naman ang ginawa sa kanya ni Kuya Calvin ?. Pinsan ko si Kuya Calvin, anak siya nila Tito Calipso at Tita Manely. Magkapatid si Daddy at si Tito Calipso, sabagay puro lalaki namang magkakapatid sila daddy.

"Pinatay nila si Atmospera, ang walang hiya mong kamag anak ang pumatay kay Atmospera.!"

Sino si Atmospera ?

Tila ba narinig niya ang sinasabi ng utak ko dahil isinaaad niya kung sino si Atmospera sa buhay nila ni Amihan.

"Bunso namin si Atmospera, pero dahil nabulag siya sa pagmamahal niya sa pinsan mo ay nagawa niyang kitilin ang sarili niyang buhay. Nagawa niya iyon ng iniwan siya ng pinsan mo !?." Galit na tugon niya sa akin.

My Soulmate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon