Race ❤ 7

28.7K 818 10
                                    

DALAWANG LINGGO na ang nakalipas. Akala ko ay unti unti ng nagbabago si Habagat pero mali pala ako. Nung nakaraang gabi ay nag uwi siya ng babae dito sa bahay, iyon yung gabi na hindibsiya natulog sa kwarto namin. Wala akong ginawa noong gabing iyon kundi ang umiyak. Umasa kasi ako na magbabago siya. Na maaalis niya ang pagiging ruthless niya pero nagkamali pala ako na magiging madali na ang lahat, dahil mas lalo pang lumala ngayon.

Halos araw araw niyang pinaparamdam sa akin na balewala lang ako at isa lamang ako sa mga laruan niya.

"Bakit ka nandito ?."

Napalingon ako sa tinig ng babaeng kakapasok lang ng kusina. At nagulat ako ng makita si Amihan na naka wheel chair pa at may neck brace pa siya. Nakalabas na pala siya sa hospital.

"Ikaw yung nakalaban ko diba ?" Tanong niya "At ikaw din ang nagdala sa akin sa hospital.!" Patuloy niya. Tumango lang ako at saka inasikaso ulit ang kapeng itinitimpla ko para kay Habagat.

"Para kay Habagat ba iyan ? Ikaw iyong asawa niya na sinasabi ni mommy.?"

"Gusto mo din ba ng kape ?." Balik tanong ko sa kanya. Pero umiling lang siya.

"Si Habagat ba may gawa niyang mga pasa mo ?."

Napansin niya pala ang mga bago kong pasa. Nitong mga nakaraang araw kasi ay laging mainit ang ulo niya at ako ang pinagbubuntungan niya ng galit.

"Ang gago talaga ni Habagat, pag gumaling na ako kokotongan ko talaga iyon!."

"Hindi ka galit sa akin ?." Tanong ko, akala ko kasi ay sisisihin niya din ako sa nangyari sa kanyang aksidente gaya ng Kuya niya.

"Hindi ba't naman ako magagalit sayo ?. Kay Habagat nga ako galit dahil sinasaktan ka niya.!"

"Pinsan ko si Calvin Heluxus."

Panimula ko. Inaantay kong magwala siya sa galit pero wala naman akong nakitang ganoon sa kanya, sa halip ay namula pa ang pisngi nito.

"Kaya pala galit sayo si Kuya, sinisisi niya kasi si Calvin sa pagkamatay ni Atmospera." Titig na titig siya sa akin kaya naman parang kaharap ko na din si Habagat dahil parehas na parehas sila ng mata - kulay asul. Parang babaeng version ni Habagat si Amihan. Walang duda na kambal nga ang dalawa.

"Alam mo Jewel, turuan mo akong magpatakbo ng mabilis kapag magaling na ako ha.!" Nakangiting sabi niya.

She's obviously taking about cars. Napangiti din ako sa kanya dahil paano ay nakaramdam ako ng kakampi. Lalo na't mahilig din pala siya sa pangangarera.

Nag paalam na ako kay Amihan at saka inakyat ko na sa opisina ni Habagat ang kapeng itinimpla ko para sa kanya. Kumatok muna ako ng dalawang beses bago pumasok ng opisina niya. Nakita kong may kausap siya sa telepono at saka padabog na ibinaba ito. Nilapag ko naman ang kape sa mesa niya. Mukhang mainit ang ulo niya. Tumayo siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ng mahigpit ang mga braso ko.

"Nasasaktan ako Hab !."

Pero imbis na pakinggan niya ako ay mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa mga braso ko.

"Ang magaling mong pinsan !, pinapakialaman ang mga transaction ko !."

Galit na sabi niya. Hindi man niya sabihin kung sino iyon, alam ko namang si Kuya Calvin ang tinutukoy niya. Kay Kuya Calvin lang naman mainit ang dugo niya bukod sa akin na pinag iinitan niya.

Nakaramdam ako ng matinding pagkahilo ng itulak niya ako ng malakas, hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.

.

.

.

.

.

My Soulmate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon