His Beautiful Mess: Introduction

544 6 3
                                    

His Beautiful Mess

“While your absence is my obsolete radio, your presence is the sweetest music to me.”

Happiness is not about gaining something that makes you happy, it's about being able to learn what is right. But then, when does something that is right seem wrong? And when does something wrong seem right? Are really Once Upon A Time Stories exist in real life? 

This is a story of letting go and forgiveness.

If letting go is less painful than holding on, then you can move on.

Written by: secondhandauthor

Basta tulungan mo siya. Nakakainis ka naman e, ang dami mo pang satsat.”

“Eh? Hindi ko naman ata kaya ‘to no.  What’s this list?”

“Basahin mo!!”

 “Ang korni, kailangan may ganto pa?”

“Yan ang modern na trip. Tsaka mahalaga siya sa akin. Ayoko siyang nakikitang nasasaktan. Promise me?”

“Ha? E paano kung na di nag-work?”

“Trust me. Alam kong ikaw yung the best na solution for that.”

“Pero what If I fail?”

“Ano ka ba. Kaya mo yan no. Please?”

“O-kay. Ikaw bahala... Just for you.”

Hindi na ako kumibo non. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko ng natitirang kwek-kwek na binili ko dito sa malapit sa school. Pero parang nabilaukan ata ako sa mga sinabi ko. Agad-agad naman ata? Paano kapag di nag-work? Paano kapag naging worst pa yung problema? Pero alam ko namang magiging the best solution ‘to. Isa pa, may mission ako.. It’s the first Mission.  Basta isang magulong kwento. Kung sasabihin ko pa, baka maguluhan pa yung mga ulo niyo. Matutupad ‘to. SANAA…. Buti na lang at nakilala ko ‘tong mokong na ‘to. That night when I’m packing up my clothes ulit, tinext niya ako.

Ako pala si Lyndsay, 19 pa lang, dalaga, sariwa at virgin. Lol. Napakalandi ng description ko. Pero seriously, maganda naman ako. Lahat naman ng tao maganda e. Kanya kanyang level lang ng ganda yan. May gandang pang-masa, meron ding gandang di uso. Matalino din naman ako. Wala namang bobo e. Sadyang may mga taong tamad lang na matuto. Hindi ako mayaman. May mga taong di lang marunong magsikap. Nakakahinga naman sa araw-araw. Normal akong tao, hindi ako artista. Umuutot ako, tinutusok ko ang ilong ko para makuha yung kulangot ko, minumuta, inuubo, kulay red ang regla ko, payat, hindi ako mahilig mag-make up o magpaganda kasi alam ko namang maganda na ako. Kaya nasasabi kong normal ako. Walang arte sa katawan. Minsan nga lang, trying hard ako mag-english.  Pero over-all, maganda ako at hindi ako plastik. Pag sinabi kong maganda ako, maganda ako. Pag sinabi kong pangit ka, sorry.  Basta maganda ako. Isa lamang akong hamak na stalker ng nagiisa kong crush sa Campus. Isang model ng bench.. Siya lang naman gusto ko after I broke up with my first boyfriend.  Dati siya lang iniintindi ko sa buhay.. Pero hindi ko sukat akalain na papasukin ko ang isang bagay na pwedeng bumago sa takbo ng bestfriend ko at ng lalaking humahanap sa kanilang tunay na landas..

Joke. Hindi ako maganda. Alam ko naman yun e. Siguro nga nagayuma ko lang yung first boyfriend ko. Haha. Medyo may pagkasingkit yung mata ko. Medyo pango ang ilong ko. Medyo malaki ang bunganga ko. Medyo mabilog ang pagmumukha ko. Medyo may pagkamatulis ang baba ko. Medyo kulot ang buhok ko na mahaba na medyo may split ends. Tapos medyo may pagka-chubby ako. Pero lahat ng “medyo” ay as in totoong totoo. Haha. As in ganun na ganun ang itsura ko. Okay na? Tuwang tuwa ka na sa panglalait sa akin?  

Few  Weeks Ago.

Siksikan. Tulakan. Mabahong simoy ng hangin. Ewan ko ba kung may hangin ba, o sadyang hangin lang mula sa bunganga ng katabi ko. Air-conditioned na train pero ni dampi ng mahinang hangin mula rito ay hindi ko maramdaman. Ito na malamang ang constant na sitwasyon dito sa train na ‘to. Malas ko pa nga dahil nasa malaimpyernong pwesto ako mula sa gitnang bahagi ng train, ito yung pwesto ng mga kalalakihan. Kung may mas madali at mura lang na ruta, dun na lang ako sa alternative kaysa dito. Biglang tumunog yung cellphone ko.

His Beautiful MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon