Chapter 6: Y-A-L-E

42 0 0
                                    

*Louie’s Point of View*

“Perfect dude! O akin na yung bayad. Haha.”

“Sige na nga, oh ito, as I promised.” Tapos inabot ko na yung P500 kay Tommy dahil sa pagtulong niya sa akin sa pagkabit kabit at pagbili ng rosas para kay Yale Salvacion kanina sa pathway.

“Oh, hindi lang ‘to. May kasunduan tayo pare.”

Onga pala. Pagkarating na pagkarating niya galing Hongkong kahapon, e tinext ko siya para sa aking super bright idea. Siya lang kasi pwede tumulong sa akin ngayon. Si Holly, nasa Palawan pa ata. E hindi ko naman pwedeng hingan ng tulong si Marky no. SSC president siya ng campus, bawal sa campus namin yung ganung eksena. E, buti na lang at nandito si Tommy, siya tumulong sa amin. At when the time Marky finds out who was or were behind those acts, e sabi ni Tommy, siya na lang bahala. Close naman sila. Sila kasi pinaka-close sa amin e. Anyway, part of napagusapan namin ni Tommy, tutulungan ko siya sa long-time problem niya with Joanna. Ang future wife niya.  Haha.

“Oo! Basta. May second move pa ako.”

“Pursigido ka ng ligawan yan no? Eh paano na si Steph?”

Natahimik naman ako sa sinabi niya. Oo nga no? Paano na si Steph? Yung mga pangako namin sa isa’t isa? Tumingin lang ako in a particular space tapos tumingin sa alapaap. Nagsalita ako sa ganung posisyon.

“Eh kahit na baligtarin ko ang mundo ngayon, tingin mo darating pa si Steph? Hindi na Tom. And wala na yung feelings ko sa kanya e. I still care but I don’t love her anymore..”

“Sige na. Susuportahan na kita Mr. K. Hahaha.”

Tapos pumunta muna kami sa Starbucks. Nagpalamig lang at nag-wifi. Tapos..

“Mr. K goes viral at Trinity Academy. Posted 8 hours ago. 19,345 likes. 12,900 shares. 45, 000 comments…”

“Ano ba yang pinagsasabi mo Tom?” Sabi ko with the ‘what-the-hell-is-going-on-here’ look. Anong daw? Viral? Sa Trinity? Ha?

“Yung ginawa natin kahapon. Dude, sikat ka na sa campus! Hoo! Libre na ‘yan.”

“Saan yan? Patingin nga?”

Pinakita niya sa akin yung phone niya tapos nakita namin sa page ng Trinity Academy sa facebok yung picture ng pathway na may rosas at pangalan ni Yale Salvacion. Shit! Ano ba ‘tong pinasok ko? Haha.

“Tingin mo nagtagumpay tayo kahapon? I mean, nakita kaya ni Yale?”

“Siguro. Syempre. One move at a time.”

“Eh dapat kasi pare….nung nagmeet kayo nun, dapat tinanong mo na kung ano yung course at number tapos nilgawan mo na.”

Oo nga no? May paganto ganto ba akong nalalaman. E kung kinuha ko na lang yung number at tanungin kung pwede ko siyang ligawan, edi tapos na. Less gastos. Pero one the second thought…. Okay lang pala ‘to. Para mas sweet. Para isipin niya na seryoso ako.

“Basta, Trust me.”

Bumili lang ako ng damit sa bench tapos gumayak na papunta kila Tita.

Ang bilis ng araw. Pero the good thing is makukuha ko na yug cellphone ko… at last. Si Tita talaga, para tuloy akong tunay nilang anak dahil sa ginagawa nila.

“Oh iho. Dito ka na pala. Ano oras ka ba umalis sa boarding house mo?”

“Kanina pa Tita. Traffic lang diyan kanina, kaya medyo late.”

“Oh I see. Ahmm.. Louie…”

Binaba ko lang saglit yung bag ko sa sala tapos umupo na sa bench para manood ng Oggy and the Cockroaches.

His Beautiful MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon