Chapter 35: Forget the feeling

24 0 0
                                    

*Yale’s POV*

“Why are we here?”

Nasa Garden of Eden.. Second time kong pumunta dito. Umupo muna kami sa may bench. Then silence. Nakakakabingi. Ano na naman kaya gagawin namin dito?

“Was this your ex?”

Bigla niyang pinaharap sa kin yung picture ni Fred. Kaya pala, isa lang yung nakita ko na nahulog dati nung napamura pa ako? Dalawa kasi yun e. Teka bakit nasa kanya? Natahimik lang ako.. Tapos kinuha niya yung kamay ko tapos nilagay niya yung picture dun ni Fred..

“Where did you get it?!” Bulyaw ko sa kanya. Tapos napamewang siyang tumayo.

“It’s not important. Just learn how to trust.. Ikwento mo na sa akin..”

“Pero Ludwig..”

“Makikinig ako..”

Bakit ba niya ginagawa yung lahat ng ito? Bakit ba niya pinapakwento sa akin? Bakit ba kailangan niyang makinig sa akin? Bakit ba interesado siyang malaman? Ang daming BAKIT na pumapasok sa isip ko pero kahit ilang ulit kong tanungin kung BAKIT pumapasok yun sa isip ko, naiiwan pa ring blangko yung isip ko. BAKIT?!!!

“Why are you asking?”

“Lahat ng luma, pwedeng maanay.. Hihintayin mo pa bang maanay yung puso mo?” Tapos lumuhod siya sa harap ko.

“Ano bang alam mo sa akin, Ludwig?”

“It’s not important..”

“Pero Ludwig, I don’t get it!” Hindi ko alam pero bakit ba ako nababadtrip sa kanya ngayon?! Bakit ba kasi pinipilit niya ako sa isang bagay na kapag naaalala ko, masasaktan lang naman ako?!

“Paano mo ibabaon yung isang bagay kung hindi ka naman gumagawa ng paraan para maghukay? Paano mo pahihilumin yung galos mo kung hindi ka naman gumagawa ng paraan para pagalingin yun? Paano mo..”

“STOP!!” Sa sobrang kabadtripan ko ay tinalikuran ko siya pero agad niyang hinawakan yung braso ko at bumulong sakin. Ramdam ko ang hininga niya habang dumadausdos mula sa tenga ko hanggang sa aking leeg.

“Paano ka makakamove on kung hindi ka naman gumagawa ng way para i-let go yung feelings mo sa kanya?”

“Ludwig, please?”

“Iiyak mo lang yan.. Wag mong hintaying mapuno yung mga mata mo ng luha? Mapapagod ka lang kung masyado ka ng napuno. Hindi naman dahil umiiyak ka ay mahina ka. Pero alam mo kung anong maganda sa pagiyak? Darating yung araw na yung mga luhang iyan… Yan yung magpapalakas sa iyo..”

Paano ako magiging malakas kung iiyak ako? Pero after a moment, bigla na lang akong napayakap sa kanya. Napayakap ako sa kanya habang umiiyak. Pero mas nagulat ako nung niyakap niya ako ng mahigpit.. Tapos..

“Kapag napuno, aapaw yan.. Sige ka, kapag umapaw yan. Ikaw din yung mahihirapan..  Kaya nga dapat umiyak ka e. Kasi para di yan mapuno. Para di masyadong mabigat.. Just learn how to trust.”

Pinaupo niya ako ulit sa may bench at binigyan niya ako ng panyo.. Ilang minute din ako umiiyak nang..

“Kaya nga ikwento mo na.. Friends naman tayo diba? Sige ka, mamaya naging demonyo na naman ako..” Tapos tumawa siya. Napatawa na rin ako..

“Branded ba yung shabu mo, Ludwig?”

“Ha?”

“Kasi may gunting na nakalibing sa may ilalim ng maliit habang kumakanta sa aparador..”

“HAHAHAHA. ANG KORNI MO BABES!!!”

Tapos napatawa na rin ako. Eh siya kaya nagpauso sa kalokohang yan. HAHA, Kung ano ano ipinagkokonek. Hanggang sa..

His Beautiful MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon