Chapter 28: Are you Mad?

25 0 0
                                    

*Lyndsay’s POV*

Napatanga na lang ako sa window ng kotse ni Louie dahil sa sobrang pagaalala kay Yale. Hndi ko alam kung paano ko mapapatawad yung sarili ko kapag may nangyari dun.

“Ito panyo oh..”

I’m sick of listening that line! Oh English yan! Natutunan ko kay JM. Pero yung line na yan talaga e, hindi na ba mawawala yan?! Hindi na ako tinatantanan.

“Are you okay? Sorry ha, napaiyak pa kita dahil sa kagaguhan ko.. I know how important is Yale to you.. SO SORRY..”

Hindi ako kumibo. Saan na ba kami? Hindi ko na alam kung nasaan na kami kakahanap kay Yale. 3 hours na ata akong nasa kotse niya.  I even sacrificed my classes. Pero wala yun sa akin, ang mahalaga makita ko si Yale..

“Saan na tayo?”

“May nakakita daw sa kanya dito e.. I asked someone here while you were sleeping..”

He said without looking at me directly. Kitang kita mo talaga kung paano nagaalala si Louie kay Yale. Pero kahit ganun yung itsura niya, ang gwapo gwapo pa rin niya talaga. Hay, hanggang ngayon yung kalandian ko pa rin yung nasa isip ko. Samantalang si Yale, nasaan na kaya siya?

“How are you and JM?”

Nagulat naman ako sa tanong niya kaya napatitig ako ulit sa kanya.. Kamusta na daw kami ni JM? Nakikita niya kaya yung ginagawa namin ni JM?

“You’re sweet..” Dagdag niya habang patuloy pa rin sa pagda-drive. He doesn’t even look at me.  Nagseselos ba siya tuwing nakikita niya kami? Napa-praning na ako! HINDI KO NA SIYA MAINTINDIHAN. Hindi ko pa rin siya kinibuan. Nakatitig lang ako sa window.  Saan na ba talaga kami? Tapos kung ano ano pa ini-entry niya..

“I’m just thinking about the promise..” Then this time, lumingon na siya sa akin. But time to time, tumitingin siya sa daanan. Baka mamaya, mabangga kami. Hindi pa namin mahanap si Yale. :(

 “Lyndsay, I promise you.. I will do my best to do the list so I can help Yale to move on, even if in the first place, I don’t want to.. But since I like you and I want you to be happy, even if gaining that happiness is by seeing your bestfriend happy in return, I would do that. But promise me one thing…Let me court you afterwards..”

Bigla bigla na lang nag-flashback sa isipan ko yung promise niya. Kung saan nag-agree naman ang bobita. Yun lang yung tanging paraan para ituloy niya yung pinapagawa ko sa kanya..

“Pwede ba si Yale muna isipin natin?” I saw his worried face. Hindi ko alam kung bakit o para kanino.

“Oo nga pala. Sorry.. But I just want to tell you that..”

“What?” Napatingin tuloy ako sa kanya.. Anong sasabihin niya? na he’s quitting? Hindi pwede. Nag-promise siya sa akin na tatapusin niya ‘to! Tsaka hindi pa totally moved on si Yale. Hindi pwede Louie!

“I will do whatever makes you happy..”

Ano bang nakakapagpasaya sa akin ngayon? Yung gagawin niya yung list para maka-move si Yale? Honestly, magiging masaya ako para kay Yale. Mas mahalaga naman kasi yung makita ko siyang masaya.. Kahit na alam kong may part sa puso ko na masakit. Masakit na ipinagtutulakan mo yung isang taong mahal mo para lang sumaya yung bestfriend mo.  But what does he really mean? Na gagawin niya yung bagay na makakapagpasaya sa akin? Hindi pa rin klaro sa isipan ko yung isang bagay na yun. Basta ang mahalaga ngayon ay makita si…

“Si Yale!!!”

Napatigil siya sa kotse niya at muntik na naming mabangga ang isang babae. Alam ko si Yale yun!!

His Beautiful MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon