Chapter 10: The List

32 0 0
                                    

*Yale’s Point of View*

“best! :( bakit ganun? Ang gulo. Bakit si Louie?! Diba mortal ko siyang kaaway?! Anong nakain non?!”

Message sent.

Hindi siya nag-reply. Baka busy. Hindi na din ako makapagconcentrate sa practice namin for a play na gagawin namin sa Advertising na subject namin mamaya. Diba yung gagawin namin is yung sa nangyari sa akin, na gawa ni Louie. Grrr. Imbes na kikiligin ako, sige lang, nag-aalburoto ako. Yung mortal ko pang kaaway. Siya lang yung umaway sa akin ng ganun sa buong buhay ko. Tapos lalaki pa siya. Si Fred naman, sinaktan ako. Haay, ayoko na nga maalala. Tapos pagkauwi ko sa boarding house, nag-milk lang ako then I tried to sleep. Pero anak ng tokwa, hindi ako makatulog. After 2 hours na pagtitig sa kisame, at last…

Kinabukasan dumiretso na ako ng room. Nakakapagod yung practice namin kahapon about sa play…

“O kunwari naglalakad ka. Tapos damhin mo yung nangyayari, let it enter your mind and soul…” Paalala sakin ni Jamaica. Gumawa sila sa room ng parang pathway, kagaya nung last time na gawa ni Mr. K. Oo nga pala? Bakit pala Mr. K?  nevermind, concentrate. Mamaya ka pumasok sa isip ko.. please? Don’t get me wrong, hindi ako inlove. Never.

“YALE!!!!! MAMAYA NA TO, ANO BANG NANGYAYARI SAYO?!” aw. First time magalit ni Jamaica sakin. Sige lang. I-torture niyo ako. Nahihirapan na nga ako. Tsaka, paano ako hindi makaka-focus e, naiirita ako sa style nila. Yung scene na ginaya. Nakakainis.

“Sorry.” Pagkasabi ko nun, ginawa ko na yung inuutos nila lahat. Kaya pala yun yung pinili nilang scene is para catchy.

Then the play begins..

Since in Marketing, you have to persuade your audience in order for you to earn people’s interest. Alam ko naman yung Marketing na yan. And na-realize ko na kaya nila ginamit yung ganung scene gaya nung sa ginawa ni Mr. K is yun nga, maka-attract since ang product we displayed inside the room is all about teenagers. And we are being captivated by such since it talks about love-thing. Okay na yun at least…

“best actress!” sigaw sakin nung mga kagroupmates ko.

“Ano ka ba. Lahat tayo nag-effort. Pinakamataas na grade tayo, yes!”

“That’s because of you Yale.” Singit ni Jamaica. “Libre mo ako ha. May ikwekwento pa ako.”

“Oh, tara.” Pumunta na kami ni Jamaica sa may stall ng kwek-kwek malapit sa school. Dati ginagawa rin namin ni Lyndsay ‘to, kapag may chance. Pero this time, maswerte na lang yung isang beses kung magkita kami.

“Sorry pala kanina kung nasigawan kita..”

“It’s okay Jamaica. Wala lang talaga ako sa tamang pagiisip kanina. Haha. Don’t worry. I’m okay.” I said honestly.

Onga pala..” Sumubo siya ng isang kwek-kwek. “May development na ba?

“Saan?” Sabi ko sabay sipsip sa mountain jew.

“Si TSG.”

“TSG?!!!!!” Ano daw, nakalunok ata ‘to ng marijuana.

“Si Louie.”

“Louie?!!” Gulat na sabi ko, ang gulo.

“Louie Ludwig Arrelano. Ang gwapong model na bestfriend ni Mr. 3M.”

“Oh? Magkaibigan sila? Hindi nga? Joke yun? Tsaka bakit TSG?!” I asked her with great confusion.

“Takot Sa Gagamba… tsg!!” she admitted.

“Ha? Takot sa gagamba? Si Louie? Ang gwapong… este, ang payatot na model ng Advertising, ay takot sa gagamba. Hahahahahahhahaa.” Tawa lang ako ng tawa. Nakakatawa talaga. Shit. Hanggang sa, hindi na ako makahinga… nabilaukan ako… LORD. ANG BILIS NG KARMA.

His Beautiful MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon