Chapter 43: Zciety

18 0 0
                                    

*Louie’s POV*

“Tita, can you tell me about my childhood friend?”

Hindi siya tumingin sa akin. Iniiwas niya yung tingin niya. There’s something wrong in here. Pero ano bang meron?  After the date, nagulat ako sa revelation ni Yale sa akin. Parang nakita ko na kasi dati si Yale kaso hindi ko lang matandaan kung saan. Yun pala, childhood friend ko siya.

“Tita!!! Please? Are you not going to tell me anything?”

“Okay.. Listen Louie..” Bigla siyang tumabi sa akin. Nandito kasi ako sa bahay namin. Hindi na nakabalik ng condo sila Tita since umuwi na si Tita Nikki sa America. So that means, they have to manage the resort.

“Your childhood friend is your sister. Kapatid mo siya...”

“Ha? Sister ko?!!!” Kapatid ko si Yale? Pero paano? Hindi pwede. Hindi kami magkamukha. Hindi pwede!!!!

“Wala yun. Kalimutan mo na yung sinabi ko.” Bigla siya umalis. Pero pinigilan ko siya..

“Tita. Ang dami dami kong hindi alam tungkol sa pamilya ko. May karapatan naman ako Tita ha! Please naman Tita. I missed my mom! I missed someone which I never had the chance to see or feel like..”

“Louie. Listen to me.. About your real parents. Siguro panahon na para malaman mo to.”

“Ang alin? Anong kailangan kong malaman? And what about my real parents, huh?”

“Flordeliza!!” Bigla kaming napatingin kay Tito.

“Please sabihin na natin Lucio..”

“Pero tita? Diba ito yung nanay ko?” Pinakita ko sa kanya yung picture na tinatago ko..

“Hindi.. Makinig ka sa akin, Louie. Hindi siya ang tunay mong ina..”

“Bakit hindi niyo sinabi sa akin ang lahat?”

“Dahil ayaw ka naming masaktan, Louie.”

“Masaktan? Tingin niyo Tita, hindi ako nasasaktan sa mga nangyayari ngayon?” Napatayo ako pero piniglan ako ni Tita. Naumpisahan ko na, kailangan tapusin ko. Hindi ko mahahanap yung landas ko kung hindi ko malalaman yung bumabalot sa tunay kong pagkatao.

“Louie. Makinig ka!”

“Tit---“

“Yung nakilala mong ina, yang nasa picture, malaki ang naging kasalanan.”

“Kasalanan?”

“Nagmahal siya sa isang taong hindi naman dapat..”

“Ano ba yung minahal niya, Tita! HA?!! ASO HA?! BABOY? Bakit bawal? Kailan pa naging bawal ang magmahal?”

“Kapag hindi tama yung pagkakataon..”

“Anong ibig niyong sabihin?!”

She took a deep breath tapos nagsalita.

“Si Flordeliza Manansala na nakilala mong ina ay hindi mo tunay na ina. Nilabag ni Flor ang kultura na nakasanayan ng angkan nila. Pinagkasunduan nilang ipakasal siya sa isang lalaking parte rin ng kanilang lipunan. Hindi mahal ni Flor ang lalaking iyon.. Ngunit dahil ang tatay ng napangasawa ni Flor ay isang makapangyarihang tao sa lipunan, nakandaduhan si Flor sa kagustuhan lang ng angkan nila. Ngunit hiniwalayan niya ang asawa niya dahil hindi naman nga niya ito mahal. Mas mahal niya ang isang taga probinsya. Namuhay siya ng tahimik hanggang sa nalaman ng Lolo mo na may pamilya na si Flor kaya humanap siya ng paraan para hanapin sila. Pero desidido ang Lolo mo na ipapatay ang anak ni Flor.

“Ako po ba yung anak nila na gustong ipapatay ni Lolo?”

“Hindi. Babae ang anak nila.”

“Pero… paano nangyari iyon..”

His Beautiful MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon