Chapter 9: When the revelation comes out.

37 0 0
                                    

*Yale’s Point of View*

Nakakainis ha? Pinaasa lang ako ni Mr. K. Nakakaasar talaga. Kala ko makikita ko na siya, kala ko makikilala ko na, pero bakit ganun? Hindi siya dumating o nagpakita? Anong tingin niya sa akin? Tinitest ba niya ako kung possessive ako o hindi. Well so, oo! Dahil curious ako. And Opo, I like the act. It was from a true gentleman. It was the sweetest thing na nangyari sa akin after I and Fred broke up. But I’m totally upset after I made myself humiliated by my own possessiveness.

Oo nga pala, never mind na nga. Buti na lang pala, kasama ko si Best Lyndsay sa Baguio. Confirmed na daw na kasama sila since sila ang na-assign ng SSC to cover up the event. Isa kasi ‘to sa mga big event na ginagastusan ng school.

After a week, malapit na matapos ang August. September na susunod, and Hello Baguio na.

Wala na rin akong balita kay Mr. K. Mas mabuti na yun, ayoko naman ng i-entertain. Paaasahin lang ako. Diba? Minsan nga, gusto kong sapakin yung author nitong kwentong ‘to. Parang ako ang pinakamahirap yung role na ginagampanan? Kala ko ba supporting lang ako?

“Uyy, te? Okay ka lang?”

“Oo naman.”

Nandito kami ngayon sa may malapit sa Hulston ni Jamaica. Sinasariwa niya kasi yung pangarap niya, yung makapasok dito. Diba nga nakwento niya sa akin yung about sa kanila ng isang gwapong matalino na President ng Trinity Academy na isa palang possessive pagdating sa babae. Maganda nga naman kasi si Jamaica. Diba nga model siya?

“You know what?”

“Ano?” sabi ko.

“One of the sweetest sacrifice ever made by a man is…”

“is…?” So dapat pinuputol yung sasabihin? Isa pa Jamaica, yang buhok mo sa kilikili ang sasabunutan ko.

“Diba nakwento ko sayo yung kay Mark?”

Ngumiti ako to tell her that I agree.

“Lumipat siya sa Trinity because of me.. but actually, kahit na sobra yung galit ko sa lalaking yun, ang sweet pa rin ng ginawa niya. to think na mayaman siya, and he is not qualified to have a scholarship. Since diba yun ang isa sa mga qualifications sa Academy?”

“Oh talaga?!” Gulat na sabi ko. Alam ko kasi mayaman talaga si 3M e. Lahat ng qualities sa lalaki, nasa kanya na.

“Pero, bakit ka ba galit sa kanya?”

“JAMAICA?!!!!!!!!!”

Biglang may lumapit sa amin na babae. Tinignan ko mulo paa hanggang ulo. Maganda. Pero mukhang may pagka-sosyalin ang dating. No wonder, sa Hulston siya nag-aaral. Pero panira siya ng moment, may tinatanong pa ako e.

“Hey, Joanna!!!”

“How are you?”

“Well, fine. You?!”

“I’m okay. How’s Marky?”

“Tse! I’m not associated with that man. Oh ikaw, how’s with you and Tommy? Kailan ang kasal?”

Kasal? Ano daw? Tommy? Sino yun? Ang bata bata pa, kasal na ang iniisip.

“Oh, are you not going to introduce me to your friend?”

Ako ata tinutukoy nito ah?

“Ahm.. Joanna, this is Yale, my classmate at Trinity. And Yale, this is Joanna, my highschool friend.”

She kissed me on my cheek and I did likewise. Ganto pala pag sosyal ang friend mo. Ma-try nga kay Lyndsay. LOL Joke. Hahaha.

Pagkatapos naming magusap, umuwi muna ako sa bahay namin. Kailangan kasi ako ni Dad ngayon e. Tsaka, hihingi pa ako ng allowance. Hindi niya kasi nalagyan yung ATM ko so I have to manually request. I mean, pumunta sa kanya ng harap harapan para humingi ng pera.

His Beautiful MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon