Chapter 19: The Decomposers

26 0 0
                                    

*Yale’s POV*

“Hey!”

Kilala ko na naman yung boses na yun, hindi ba siya nagsasawang inisin ako?

Tapos hinawakan na naman niya yung braso ko. Pero hindi pa rin ako nagpatinag. I forcely got my hand back. Then nagulat na lang ako nung bigla niya akong  tinisod. Dahilan para madapa ako..

Grabe, hindi pa ako nakaka-getover nung nagalusan ako last day lang, ngayon, meron na naman! Dahil na naman sa kanya! Leshe siya! Nagulat na lang ako sa mga sumunod na pangyayari. Bigla niya kinuha yung nahulog na cellphone. Actually, nakikinig ako ng music kanina kaso natanggal yung earphone ko at nabitawan ko yung cellphone ko. Grabe, anong unit lang yun. Porke mayaman ba siya, may karapatan na siya sa mga ganung bagay?! Bwisit siya..

“Bwisit ka. Ibalik mo sa akin yan!”

Worst part? Tumakbo ako ng tumakbo para habulin siya. Napadaan pa kami sa may Yellow Belt pero hindi pa rin ako nagpatinag kakahabol! Habang siya inaasar akong “Ms. Allergy!”. Bwisit! Kakaiba talaga trip nitong lalaking ‘to! Isip bata! Nakakabwisit!

Hanggang sa lumuob siya sa isang room tapos ako, agad agad na lumuob until..

“What are you doing here, huh?”

“Naks, jackpot! Akin yan, huh?”

Sa sobrang takot ko at hiya ko, napaalis na lang ako bigla.. Only to find out na, CR pala yun ng mga lalaki. Kaya pala may nakita akong…

May nakita lang akong nakatayo kanina habang nakatalikod.. Umiihi pala. Nagulat nga sa akin e. Wag niyo nga ako husgahan! Wala akong nakita! Mga maduduming isip! Bastos!

Hinintay ko siya hanggang sa..

“Hinihintay mo ba ako, Miss? Nako, napaka-possessive mo naman.. Haha. Sorry but I don’t entertain stalkers. Bye.”

“Akin na nga yang cellphone ko! Magnanakaw..”

“Ito ba?”

Bigla niya inihagis yung cellphone sa akin. Dahilan para masira yung housing niya.

“Gago ka ba?!”

Hindi lang niya ako pinansin tapos tumakbo. Gravity. Mahal na mahal ko pa ‘tong cellphone kong ‘to e. NAKAKABWISIT SIYA. Una, tinisod na niya ako. Ngayon naman, sisirain pa niya cellphone ko.. Ano pa bang worst na gagawin niya sa akin?!

Lyndsay’s POV

“Kriiiiiing!!!!”

Binagsak ko yung alarm clock ko sa sobrang inis ko, kay aga aga, nangiistorbo e. Sarap sarap pa ng tulog ko.

“Aray!!! Huhubaran kita diyan Linse e.” Sigaw nung bisayang ka-roommate ko. Wow roommate?! Kala mo condo nakatira e. Nabagsakan ko pala siya nung mortal enemy kong alarm clock.

“Sorry naman Saya. Tsaka Lyndsay ang pangalan ko. Hindi Linse. Leshe ka. HAHA.”

“Wala akong pakialam, tae ka Linse! Kay aga aga, humaharot ka na. Pwede ba kong kekelos ka ng maaga, wag kang mangeesturbu. Pagpaleten ko yang mokha mo at kelekele mo… Ayy oo nga pala, parehas lang pala yun! Bwahahaha.”

“Gaga! Ang hard ha?!” Ang sakit sakit. Diba pwedeng hindi lang marunong magmake up?! Tsaka ano pang Words of Wisdom#1 ko? May gandang pangmasa, may gandang di uso diba? E uuso din yung ganda ko. peksman, mamatay man ‘tong karoommate ko. Bwahaha. Joke. Peace.

Bumangon na ako. Tapos inayos ko na yung kama ko. Tumuloy na ako sa Cr. 1 week ko na din palang hindi nakikita si Yale, si JM at si Louie. Ano na kayang nangyari sa kanila? Nakooo..

His Beautiful MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon