Chapter 42: Necklace.

30 0 0
                                    

*Yale’s POV*

It was my first kiss.”

I and Fed didn’t kiss. I don’t know why all of the sudden, I gave to Louie my first kiss.

“Just learn where to stop..”

“Best naman e, I know what I’m doing..”

“Ikaw. Baka masaktan ka ulit best. Ang inaaalala ko lang naman ay ikaw best. Pero I’m still behind you.”

Napatigil ako pagkasabi niya yun, wala akong alam na irereact. She’s been awkward these past few days. Pero niyakap ko na rin siya. Siguro ayaw nga lang niya akong masaktan.

Hindi na kami nagkita ni Ludwig after that night. Busy daw kasi siya kaya sinabi ko na ipagpatuloy niya lang yun. Hindi naman niya obligasyon na sunduin ako araw araw. Besides, hindi naman kami. We enjoy each other’s presence. And I’m so happy that I’m starting a new beginning. Sabi nga niya, I can’t create foosteps if I don’t create one. I should walk.

“Best, I need to teach na JM ha? Balitaan mo na lang ako..”

“Kayo na best, naks ha! Ganda ng bestfriend ko!”

“No, best. Hindi naman siya ang mahal ko..”

“Eh sino?” Mahal siya ni JM. Hindi ba niya napapansin yun? -______-

“Wala yun best. Tingin ko naman, hindi kami para sa isa’t-isa.”

“Best. Kung mahal mo ipaglaban mo..”

“Pero best, hindi lahat ng gusto nating ipaglaban, ay ipagpipilitan natin. May masasaktan. At ayokong makita siyang masaktan kasi alam ko naman na masaya na siya.”

“Napakatapang at napakatibay mo best.”

“Oo nga best, napakatapang ko. Sana nga matapang na lang ako lagi. Kaso best hindi na ako matibay, lahat naman ng matibay, humihina. At ngayon, nagiging anino ko na ang pagkukunwari.”

Pagkasabi niya nun ay tumalikod na siya. Kilala ko yung bestfriend ko. Alam ko kung may tinatago. Pero bakit niya nasabing pagkukunwari lang yun? Yung dati sa amin ni Fred. Alam ko na nasaktan siya ng sobra pero napakatapang niya para ilet go agad agad. Pero sabi niya, hindi na siya matibay. Naging mahina na siya. HAAAY.. Gustong gusto kong yakapin yung bestfriend ko.

“Yale!”

Napalingon ako sa tumawag saakin. Tapos lumapit siya agad sa akin while holding.. ah.. Ano ba yun? Hindi ko maaninag.

Pero bigla niya akong inabutan ng isang high heel.

“Ba’t iisa?”

Pero instead na sagutin niya ako, tinalikuran niya ako. Wow ha? Ang sweet niya lang. Eh sino nga ba siya? Hindi ko namukaan.

Pero after a moment, bigla ulit may tumawag sa pangalan ko. Tapos gaya nung kanina, may inabot din siya sa akin. Isang letter. Letter D.

“Look for the letters.”

Pero kahit na tanungin ko kung ano ang pakay niya, hindi pa rin niya ako sinasagot hanggang sa nainis na lang ako. Tumalikod na rin siya after niya sabihin yun. Look for another letters? What’s that for? Then pumunta na lang ako sa room ko. Haay, bahala na.

Nagulat nalang ako nung may nagpalipad ng papel na eroplano at tumama sa mata ko. Bwisit talaga mga classmates ko kahit kailan. Kaya umupo na lang ako dun sa upuan ko tapos nagsulat ng kung ano ano. Naaalala ko yung moment dito sa upuan na to during my Math Class.

“This is a math class. And not a humanities or a drawing class either. GET OUT NOW!”

Hahaha. Na-drawing ko kasi si Ludwig. Hindi ko alam kung bakit siya. Siguro dahil naiinis pa ako sa kanya nun because of the Batangas issue. Haha. Bigla kong naaalala yung drawing ko kagabi. Matagal na akong hindi nagpe-painting. Yung last painting ko ay yung binigay k okay Lyndsay dati. Pero kagabi lang, siguro dahil inspired akong mag-paint.

His Beautiful MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon