Chapter 27: Epic Fail

16 0 0
                                    

*Yale’s POV*

1.50 ang grade ko sa Midterm sa halos lahat ng subject. Yung iba, 1.75. Pero hindi ako bumababa sa dos. Ayoko yun no. Baka pagalitan ako ni Papa kung sakali.

Tapos na ang exam week! Grabe, na-miss ko maglakwatsa.. Na-miss ko asarin si Ludwig. Hindi pa rin maalis sa isip ko yung World of Fun and expecially yung wedding booth. It was the special thing happened to me.. Kahit naman naiinis ako sa kanya, basta ang sweet lang ng sinabi niya. Pero sigurado ako sa sarili ko na, HINDI KO SIYA GUSTO.. Siguro natutuwa lang ako.  Yung demonyong katulad niya kasi, sweet din. Kahit na hindi para sa akin yung sinabi niya, mapapangiti pa rin yung makakarinig sa kanya.. Tsaka, ayoko ng magmahal. Pag minamahal mo ang isang tao, iiwan ka rin. Katulad ni Mama. Iniwan si Papa kahit na minahal niya ito. Tsaka, katulad ni Fred. Minahal ko na nga, sinaktan pa ako. Gago siya!

“Hoy!” Bigla na lang may humawak sa kamay ko at kinalakdkad ako palabas ng campus.. Sino pa ba ang gagawa nito? Grabe, demonyo na naman siya!!

“Saan mo ba ako dadalhin, ha?” Sigaw ko sa kanya.. Naiinis na ako sa kanya e. Nasasaktan na ako sa ginagawa niya..

“Marami kang kasalanan sa akin. Kaya, whether you like it or not, sasama ka sa akin!”

“Saan ba tayo pupunta, huh?!” Tinapik tapik ko yung braso niya. Bwisit siya! Saan ba niya ako dadalhin? Baka kinkidnap na naman ako. Kukunin yung lamang loob ko tapos iaaalay sa tulay. E may ginagawa pa namang expressway malapit sa Trinity. Leshe ha!

Tapos pinasakay niya ako sa isang kotse. Wow? Kotse niya ‘to?! Seryoso siya?! Bakit ang pogi? Hindi niya bagay yung ganto. Haha.

“Baka mabangga tayo ha?! Bwisit ka talaga!” Eh nakahawak pa rin sa kamay ko. Pilit pa rin akong hinihigit kahit wala naman na akong takas? Duhh. Hindi na ako kakawala. Mamatay pa ako dito!

“Tumigil ka nga! Ipapakain kita diyan e.”

Tapos huminto na lang yung kotse sa isang ewan ko kung ano ‘to.. pumasok kami sa isang unit.. Condo ata yun? Eh anong ginagawa namin dito? Wag niyang sabihing…

“OH EM GEEE!!” Napasigaw na lang ako dun tapos tinakpan niya yung bunganga kong iskandalosa.

“Ano bang problema mo?”

Sumunod na lang ako sa kanya habang higit higit pa rin ang kamay ko. Bata pa ako author. Huhu. Ayoko pa, masakit daw manganak e. tsaka wag sa lalaking ‘to! Nakakadiri. Magpapa-rape na lang ako sa mga drug lord sa kanto! Huhuhu. Joke. Haha. As if namang gagawin ko yun no.

“Suot mo ‘to!”

“Aanhin ko ‘to?!”

May binigay siya sa aking semi-formal dress. Formal ba ‘tong ganto? Pangit ba yung damit ko? Hoy, may taste naman ako sa fashion no! Tsaka hindi ako magpo-PROM! Bibigyan ba naman ako ng tube! Ano ako? Pokpok?

“Kakainin natin yan kapag hindi mo pa sinuot!”

“Okay.” I said sarcastically..

“Isuot mo na. Iiwan kita dito!”

“Bakit ba?!”

“Basta!”

Pinipilit niya akong ipasuot ang isang damit na hindi naman niya pinapaliwanag kung bakit? Saan ba kami pupunta?! Tinulak tulak niya ako sa CR.. Hanggang sa napilit nga niya ako. Nakakainis siya ha. Ang pangit pangit nung dress. Mukhang tanga lang ako. Baka mamaya, magbabasketball lang pala kami. Haha. Napapraning na ako! Badtrip na lalaki. Tube ba ‘to te! Nakakabwisit siya!

“Tara!” Hinigit na niya yung kamay ko tapos dinala sa kotse. Hindi ako magawang magpumiglas dahil sa lakas ng hatak niya!  Sige ang sweet na niya!  “..Isuot mo din to” Binigay niya sa akin yung high-heels. Kainis. Hindi ako sanay sa ganto. I do wear flat shoes lang e. Kasi alam ko naman na bagay sakin yung ganun..

His Beautiful MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon