Chapter 17: Babes

39 0 0
                                    

*Yale’s POV*

Ako pala si Yale. Ang tagal tagal ko ng bida sa kwentong ito pero ni isang chapter, hindi ko naipakilala yung pagkatao ko ng buong buo. But I promised you, sasabihin ko diba? Isa akong magandang dilag sa isang probinsya malayo sa kabihasnan. Hindi joke lang. Taga Nueve Ecija ako. Umuuwi ako sa Nueva Ecija tuwing bakasyon. Tinutulungan ko yung Daddy ko since may business nga siya for vehicle and other transportation supplies. I work there as cashier since kaunti lang yung tauhan ni Daddy. Minsan ng naloko si Daddy ng isang business partner. Pero kahit ganon, he always makes way para lumago yung business niya.. Ako si Yale. Yale Salvacion. Wala akong middle initial. Sinundan na lang yung apelyido ng papa ko. Kasi ayaw na niya ng maraming echos sa birth certificate ko.  Isa akong Business Administration major in Marketing Management, iskolar, at estudyante ng Trinity Academy. Ako si Yale. Ang isang babaeng minsan ng nagmahal.. ngunit nasaktan ng hindi inaasahan. Pero wala yun sa sakit na naramdaman ko sa Mom ko. Mayroon na ba sa lahat ng chapters na to na ever kong nabanggit yung Mom ko? I never had the chance to see her, touch her, hear her voice, feel her, play with her, and be on her side. Walang chance. Sabi ni dad kalimutan ko na lang siya dahil wala daw siyang kwentang ina. Hindi daw niya pinaglaban yung pagmamahalan nila ni Dad, at tuluyan kaming iniwan. Sobrang nasaktan ako nung mga pagkakataong iyong kinikwento yun ni Dad.  Actually, may picture ko siya. Pero hanggang picture lang, hindi mahalaga sa akin kung makita ko siya o hindi kasi alam niyo, tinanim ko na sa sarili ko yun na wala na akong ina, wala akong kinilalang nagpadede sa akin, nagpunas ng pwet ko, nagluto sa akin tuwing may sakit ako, kundi ang Dad ko lang ngayon.. Pero wala naman actually akong balak maging madrama sa kwentong ‘to, kung tutuusin, masyado ng tortured yung role ko, kaya nga pinapasaya ko na lang yung sarili ko.

Naalimpungatan na lang ako sa malalim kong pagiisip ng may narinig akong tunog ng gitara at isang himig.. Nakita ko na lamang na sinusundan ng aking mga paa ang source ng himig na iyon, hanggang sa…

“Kaytagal naghihintay… Makita lamang ang iyong ngiti.”

Oh? Para kanino naman siya naghihintay? Maganda yung boses niya, walang babaeng hindi mapapangiti. Pero nasaan ba siya? Kanina ko ba hinahanap.

“Kaytagal nananalangin. Nagdadarasal na mahawakan muli ang iyong mga pisngi.”

Grabe. Napapapikit ako sa sobrang lamig ng kanyang boses na animo’y ako ang hinaharana..

“Ngayong nandito ka na, wala ng makakapigil sating dalawa….”

Naglakad lakad lang ako sa lugar na iyon hanggang sa…

“Wag ka ng lalayo. Dito ka lang sa aking tabi. Wag ka ng lilingon dito ka lang sa aking tabi.”

“Marky?”

Napatigil siya sa pag-gitara at pagkanta at nagulat sa akin. Kaya naman ay tumayo siya at tumayo sa table. Paper works ata. Isang responsableng  Council President ng Trinity.

“Sorry ha? Nakaistobro ako.”

“Hehe. Hindi no.. Diba ikaw yung..?”

“Friend ni Jamaica..” Nagususulat lang siya. “..oo nga pala Marky! Anong ginawa mo kay Jamaica?! Nakoo bata pa yun!!!”

Nakita ko naman siyang napangiti… “Okay lang siya..” Agad agad na nagbago ang timpla ng kanyang mukha.. “Pero hindi pala siya okay..”

“What do you mean?!” Nakoo! Baka nabuntis na siya sa kotse nung hinatid nito! Manang mana talaga kay Ludwig!

“Yung dad niya kasi e, si Tito, na-stroke… Naapektuhan yung pagsasalita niya..” Nalungkot tuloy yung mukha niya.. “Tapos..”

“Tapos ano?”

His Beautiful MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon