Chapter 18: Surprise

31 0 0
                                    

*Yale’s POV*

“Wala ata si Mam? So free tayo gumala ngayon?!”

“Saan niyo ba gusto?!”

“Yellow Belt na lang tayo.”

Nakikinig lang ako kina Jamaica. Wala lang ako sa mood ngayong araw.. Tapos sa yellow belt pa? Eh hindi ko pa kaya nakakalimutan yung nangyari sa akin doon.

“Wait lang ha? Jamaica usap muna tayo!” Hinawakan ko yung kamay ni Jamaica tapos umupo kami sa labas ng room.

“Okay, kalma ka lang te, what is it you want to talk about?!”

“HOY IKAW HA!!! May hindi ka pa nasasabi sa akin!”

“Diba na-congratulate na kita?!”

“Hindi yun!”

“Ha?!”

Alam ko na yung nangyari sa tatay niya, kinwento niya sa akin nung isang araw. Medyo okay naman na daw yung pakiramdam ng Dad niya, pero sobra daw naapektuhan yung pagsasalita niya. That’s why her Dad should undergo further medical examinations. Pero yung nangyari before yun, diba inutusan ko nga si Marky na ihatid si Jamaica? Tapos umamin pa nga ‘tong maharot na ‘to na gusto niya si 3M. Ang dami pang arte sa katawan, aamin din pala. Pero ang problema ni 3M, lasing ‘to.

“Yung sa inyo ni Marky gaga!”

“Marky?” Umiwas siya ng tingin sa mata ko. Te, obvious ka na ha!

“Pektusan kita e, kamusta na nga kayo after the sweet moment?! Haha.”

“Ah yun? Wala akong maa-------“

Hindi na naituloy ni Jamaica yung sasabihin niya nang may dumampot na lang sa kamay ko. Teka nga, sino ba ‘tong antipatikong ‘to?! Nakakainis na ha!

“Ikaw?! Anong ginagawa mo sakin?! Manyak. Bitawan… aray!”

“Can you just shut up?!”

“Eh bitiwan mo nga ako… Nasasaktan ako!”

“You could release the pain in my heart by.. joining me going home”

“Sus, wala akong pakialam sayo… Aray!”

“Shut up!” Kinakaladkad niya lang ako. Nakakahiya. Nakatingin na sa amin yung mga tao. Mamaya makita pa kami nung tres marias, kung ano ano pang panlalait yung sabihin sa akin!! Mag sosyalerang palaka.

“Bitawan mo nga ako! Saan mo ba ako dadalhin!”

“Tumahimik ka!” Leshe! Bitawan mo ako at tatahimik ako! Humanda ka talaga sa akin! Kulang pa ata yung bangas mo e!

“Ano bang.. aray! Bitawan mo nga ko.. Bakit ba kasi.. aray!”

“Ano ka ba, dapat lang na maging sweet tayo. Tignan mo nga yung nasa harapan natin ang sweet.”

Then napatingin na lang ako sa dalawang couple sa harap ko. Teka, pamilyar sila ha? Saan ko na ba sila nakita?! Haha. Tinanggal naman ni Best yung pagkakahawak ni JM sa kamay niya. What is the meaning of this?!

“Oh kayo pala.” I said. Wala lang, nalungkot lang ako. Bakit ba ako nalulungkot? Nalulungkot ka Yale kasi kala mo gusto ka ni JM, kaso hindi. Eh baka naman friends lang sila? At sobrang sweet lang ni JM? O kaya habit niya humawak ng kamay ng babae?! Wag ka na kasi umasa Yale, walang kayo. Andiyan naman si Ludwig, pwede mo ng pagtiisan. Para akong tanga dito na naglalaban yung dalawa kong konsensya.

AWKWARRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRD! Bigla tuloy nagsalita si JM. Manloloko ka!!!

 “Hey Parey! Don’t hurt Yale ha?! You’re gonna get a punch from me. Haha.”  Wow ang sweet mo JM?! Nakakainlove. Ang sarap sa tenga ha?! Samantalang, mas masakit yung ginawa mo sa akin.

His Beautiful MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon