Chapter 7: Heaven in a minute

34 0 0
                                    

*Louie’s Point of View*

Hindi na ako nagpunta sa practice kasi una, bakla yung instructor namin, pangalawa topless kami.. Tsaka third, most importantly, ngayon ko gagawin ang second step para makilala nang husto si Yale Salvacion.

Gumawa ako ng three heart-shaped letters. May letters lahat yun. Nakalettering sa front cover ng letter yung letter ng pangalan ni Yale. Tapos inside the letter is a poem. I want to make it special kahit alam kong korni. Ewan ko ba, tinamaan na ata talaga ako.

“Tingin mo magiging okay ‘tong gagawin ko?”

“Oo nga. Ako bahala, ako pa! haha. Basta yung P500 ulit ha? HAHAHA.”

Mukha talagang pera ‘tong si Tommy. Pero sige lang, basta maging okay lang ‘tong gagawin ko.

“Pinapaalala ko lang yung kapalit nito ha?”

Shit, oo nga pala. Yung kay Joanna. Pero sige, pumayag ako for the sake of my own purpose. Gagawin ko yun kapag naging successful yung plano ko for Yale. Lahat ng kakornihang ginawa ko, istilo yun ni Tommy.. He even wrote the poem.. Wala akong hilig sa mga ganun e.

“Oh, ibigay mo na ‘tong letter M kay Gerald. Tapos yung A naman kay Lester, yung Y kay ano.. kay Sirri.”

Mga officers kasi sila ng council dito sa Trinity, so probably meron silang mga lists ng bawat estudyante na nagaaral dito. I hide my identity as Mr. K. “K” as in Kissable. Diba nga, tinawag niya akong Kissable nung second encounter namin sa mall? Sa may MCDO?

After hours of waiting.. at last, pupunta na akong Yellow Belt. Dito kasi sobrang tahimik, kaunti lang yung tao rito. Restricted area. Pero kakilala naman ni Tommy yung guard so sa kanya ako nagpatulong para makapasok without any much effort.

Mukha atang successful yung plano ko. Tinext kasi ako ni Tommy na may paparating raw na babae. Maganda. Mukhang makikilala na talaga ako ni Yale Salvacion nito. Yes!

“No blinding light or tunnels to gates of white.. Just our hands clasped so tight.. waiting for the hint of spark….If heaven and hell decide.. that they both decide.. Illuminate the NOs on their vacancy signs”

“If there’s no one beside you.. when your soul embarks.. then I’ll follow you into the dark… Love of mine… some day you will die.. But I’ll be close behind.. I’ll follow you into the dark.”

“HELLO?!!!!!!! MR. K?!!!”

Napatigil ako sa pagkanta at tinanggal yung earphone sa tenga ko ng may marinig akong malakas na tinig. Mr. K daw? Ha? Ako ata yun? So si Yale na yun?

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at ipinatong ko muna sa bag ko yung cellphone ko at…

ANO?!!! ANONG GINAGAWA NG BABAENG ‘TO DITO? Hindi naman siya si Yale e. ano yun? Assuming lang?

Siya yung babaeng  nakabanggaan ko sa may campus who insisted of saying that she was Yale Salvacion and the girl.. I mean, isang malditang babae na nakasagutan ko sa may bench. Teka? Anong ginagawa niya dito? Diba dapat si Yale ang nandito? Yung totoong Yale! Hindi yung multo!

“Pre, mali naman yung babaeng pinagbigayan niyo nung letter! Badtrip!!!!”

After a couple of seconds, nagreply si Tommy.

“Ha?”

Ge, ang tipid mo magtext pare! Artista ka ha.

“Badtrip naman. Hindi si Yale Salvacion yung babae na pumunta dito sa Yellow Belt.”

Biglang nag-ring yung phone ko.

“Hello?!” Medyo irita yung boses ko e.

“Oh ano sinasabi mo diyan?”

His Beautiful MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon