Chapter 30: Effort.

18 0 0
                                    

*Louie’s POV*

“Buog school days kang magso-sorry sa kanya?”

“Yun ang sabi ko sa kanya?”

“Eh, paano kapag di pa rin niya tinanggap yung sorry mo?”

“Hindi ko alam..”

“Tingin ko, magpatulong ka sa bestfriend niya e..”

“Hindi pwede pare.. Galit din sa akin yun..”

“Sus, Louie! Loko loko ka kasi.”

Tapos sabay sabay nila akong pinektusan. Nandito ulit kami sa may bar para uminom ng alak. Natuto akong uminom ng alak dahil sa kanila. Leshe. Pero okay lang, nakaka-enjoy din naman e. At least kasama ko yung mga mokong. Naging busy kasi kami last midterm weeks. Malapit na din yung Finals.

After naming uminom, tumawag si Tita kay Marky na hindi pa daw nila ako masasamahan sa Condo kasi nga may hindi daw na-handle ng maayos ni Tita Nikki yung resort kasi she needs to go abroad for an exclusive business meeting. Actually, ilang week na rin silang wala sa Condo. Nawala nga yung cellphone ko kaya hindi ako na-contact.

Ayun kaya mag-isa ko sa Trinity. Naalala ko tuloy si Yale. Siya yung una kong dinala sa condo and una ko ding pinasakay sa car. Pero yung kalokohan ko nung araw na iyon, nagmulat sa akin na maging mature. Nagkaroon pa ng gulo dahil sa kagaguhan ko. Pero please Yale, give me one week para patunayan na sincere ako. Pero anong gimik ang gagawin ko?

*Yale’s POV*

Haaaay. 1 week na naman yung nakaraan. Okay, Monday na naman. Aral aral na naman. May kailangan pa pala akong tapusing paper works sa isa kong subject.. Kaya, sinuot ko na yung uniform ko.. Tapos sandaling pinagmasdan yung pagmumukha ko. Ang ganda ganda ko talaga. Salamat sa baklang gumupit sa akin. At least ngayon, nakapagbawas na ako ng  hindi magandang aura sa katawan ko. Ganun pala ang feeling no?  Umikli na yung buhok ko. Nagiba na din yung kulay ng buhok ko. Overall, mas lalo akong gumanda.

Pagkasuklay ko nung maganda kong buhok, kinuha ko na yung handbag ko tapos naglakad na papunta sa Trinity habang kinukuha yung cellphone ko sa bag ko para patugtugin ang Life is Wonderful ng paborito kong singer songwriter Jason Mraz.. Pero after a moment of realization, naisip kong wala nga pala akong cellphone. Leshe! Kaya kinanta ko na lang..

Nasa kalagitnaan na ako ng pathway ng may nag-abot sa akin ng isang broken heart-shaped na papel.. Teka, parang nangyari na ‘to ha? Eee! Then inopen ko yun, and I saw letter “I”. May itsura yung nagabot sa akin nung letter “I”.

After a moment, meron na namang nagabot ng letter “A”. As usual, pogi siya. Maganda yung smile niya..

“Uyy, saan galing ‘to?” sigaw ko dun sa gwapo habang napako yung mga paa ko sa pathway.

“M” yung sumunod na letter. Nasa pathway pa lang ako.. Paulit ulit kung tinatanong sa mga nagaabot sa akin ng letter kung bakit.

Hanggang sa mabuo ko yung salitang S-O-R-R-Y. At to tell you the truth, lahat ng nag-abot sa akin gwapo. Yung iba dun, kilala sa Trinity. Yung iba, ngayon ko lang nakita. But this isn’t my concern. Ano bang meron sa akin? Hindi pa naman ako sikat sa campus na ‘to ha? I don’t even gain popularity after I won First Runner up in Baguio. Oh baka naman dahil bago yung itsura ko..

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. And when I reached the end of the pathway, bigla ‘kong di nabalanse yung pagtapak ko sa maliit na hagdan. Dahilan para madapa ako. Shit, ang tanga tanga ko ngayon. Hindi naman ako puyat. Nako, sayang yung hair ko. Kaasar. Pero nagulat na lamang ako nung may humawak sa kamay ko.. Tapos inabutan ako ng flowers. Napatingin ako sa kanya..

His Beautiful MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon