Chapter 32: Friendship.

21 0 0
                                    

*Yale’s POV*

Nakita ko siya. Nakita niya ako. Bago ako iiwas yung tingin ko, naunahan na niya ako..Bakit ganun? Anong ibig sabihin nun? Nagsawa na ba siya kakasuyo sa akin. Sinundan ko siya ng tingin pero napatingin siya sa akin. Kaya iniwas ko ulit at nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang room nang..

“Saan niyo ako dadalhin?! Bitiwan niyo ako!!”

Ito yung pinakaayaw kong part, yung kaladkarin ako. Nakakabwsit lang kasi. Lagi na lang, after nitong kaladkalaran system na ‘to, may mangyayaring di maganda..

Dinala nila ako sa may Yellow Belt. Actually ayoko na talagang bumalik dito e. Ayokong alalahanin lahat ng kalokohang ginawa niya.

“Ano ba ginagawa nat---“

Bago pa ako makapag-react. Biglang nag-sara yung gate nung Yellow Belt. Nakita ko namang nagtakbuhan sila.. Tapos sobrang dilim. Wala akong makita. Ibang trip na naman ‘to oh! Alam ko kung sino ang suspek sa kalokohang ‘to! Siya lang naman e. Dinadagdagan ba niya yung kasalanan niya? Shit, alam mo kung anong tumatakbo sa isip ko ngayon?  It’s not that I have a fear of dark pero once na nakita kami nung nagbabantay dito, hello guidance office or worst, patawan ng suspension. Sobra kasing restricted ng area na ‘to. Sabi nila, dito daw nagagawa yung mga misteryo na bumabalot sa Trinity. Hindi ko alam kung ano yun..

“Ayy Pusang may libag!”

Nagulat na lamang ako nung biglang may liwanag? Ito na ba ang misteryo ng Trinity? Nako. Baka may paparating na alien! O kaya nakita ako na nandito nung nagbabantay! Patay! Ano na lang idadahilan ko sa Daddy ko kapag na-suspend.

Bigla akong nagulat nung may tumugtog na music. Nako, patay. As in bawal magpatugtog dito. Hindi nga pwedeng mag-ingay dito e. Naaalala ko lang nung first time kong pumunta dito.

Flashback.

Tahimik. Pinagloloko lang ako nitong si Mr. K e.

“Hello?! Anybody here?”

Mga ilang ulit ko ding sinisigaw yang linyang yan pero walang sumasagot. At ngayon, nilaksan ko na! nakakainis na e.

“HELLO?!!!!!!! MR. K?!!”

End of Flashback.

Until I heard guitar strums. And someone tested his voice over the mic. I just don’t know where it came from. But one thing for sure, I know the voice.

“Sorry na… kung nagalit ka… Di naman sinasadya..”

Alam ko five days na niya ako sinusuyo, alam ko sincere na siya. Sobra sobra na nga yung ginagawa niya e, pero please lang, wag na niya dagdagan yung offense niya dahil lang sa akin.

“Kung may nagawa man ako, trip ko na gago. Pipilitin kong magbago. Pangako sa iyo.”

He even changed the lyrics just to fit the situation. After all, naguguluhan pa rin ako..

“Sorry na, nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na. Sa ugali kong ito.. Na ayaw magpatalo. At parang sirang tambutso na hindi humihinto…”

Buti na lang he even realized his mistakes. He even finds a connotation of himself. Totoo naman e, nakakasawa na. Nakakainis na. Nakakabadtrip na. Lagi na lang niya akong tini-trip! At isa ang sarap niyang ingudngod sa tambutsong sira. Nakaaasar! Pero after realizing the fact that it’s been a week when he started making effort just to earn my forgiveness, nalaman kong sincere siya. Sobra pa nga sa five days. Sana nga, hindi ‘to trip.

“Sorry na talaga kung ako ay medyo tanga.. Hindi ako nagiisip. Nauuna ang trip.. Sorry na talaga sa aking nagawa. Tanggap ko na mali ako, wag sanang magtampo.. Sorry na..”

His Beautiful MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon