Chapter 10
Natapos na ang panghuling subject namin at gusto ko nang umuwi.
"Shaz, pwede mo ba akong samahan sa lab? May hihiramin lang akong apparatus para sa experiment na gagawin natin bukas." si Gwen.
"Ay bukas na pala yun?"
"Ay hindi. Sige maging busy ka nalang palagi kakatitig at kakamasid kay Renz nang malaman mong bukas na."
"Tara na nga. Ang dami mong satsat."
AT THE LABORATORY
Gwen's POV
Nang papasok pa lang kami ni Shaz sa lab, may narinig akong ingay ng parang may kumukulong tubig ah este ewan basta likido.
Nauna akong pumasok sa kanya at nakita ang isang napakagwapong nilalang sa balat ng lupa.
Nang sa...
"Hey miss. Hey!"
Woah. May tinatawag siya. Sinundan ko ang tingin niya.
Nge. Na kay Shaz nakatingin. Baka magkakilala sila. Tongue ina!
Napansin naman agad yun ni Shaz.
"You are? Hmmmm jack? Jolo? Jose? Basta J yun." natawa nang mahina ang lalake.
"Silly. No. I'm Josh. It's the second time na nakita kita. First ay yung nagpaturo ka kung nasan yung Room 8." ahsge sila na close. Unbelievable!
"Aahh yeah. Hi Josh!" tipid niyang bati. "Ah siyanga pala, I would like you to meet my friend, Gwen." ay kala ko nakalimutan na ako.
"Oh hi Gwen!" Hala! Ang tamis ng kanyang ngiti. Natulala nalang ako.
"Hoy, hi raw. Hala nastar struck si Gwen." Mamaya ka lang talagang babae ka. Kailangang mambulgar?!
Nakita kong natawa siya ng bahagya.
Yumuko nalang ako at naglakad para di niya makitang namula ako. Sinimulan ko na ang paghahanap ng erlenmeyer flask para makalayas na ako dito sa lab. Lupa! Pwede mo na akong lamunin ngayon! Ughhhhh
------------
A/N:
Wag po kayong mag-alala. Masisilayan niyo pa po ang Joshwen love team. Actually, may naisip na po akong sequel ng story na ito. Oooh! Abangan po. >:) Kamsa! Xie xie
BINABASA MO ANG
The Evasive Past (Revising)
Dla nastolatkówHave you ever had a very wistful problem and wanted to forget about it all of a sudden? Shaz experienced that. It was hurting her every single day. But who can be the remedy for all of this? Was it a best friend who became a traitor? A charming...