Chapter 43: Finals

55 3 0
                                    

Shaz's POV

Kasalukuyan kaming nandito sa library nina JL, Arya at Anthony. Nagrerereview kami kase mamaya na yung start ng finals namin.

Tahimik lang kaming nagbabasa ng mga libro at notes namin nang marinig kong may nag-uusap.

"Talaga? Hindi na siya pumapasok dito? What happened pala?" narinig kong tanong ni flirt girl 1 kay flirt girl 2.

"Idk. Bigla ko na lang nabalitaan kay Cielo. They even said that Gwen is naloloka na daw. Wala siya sa sarili niya, palagi daw siyang nagkukulong sa room niya. Kinda weird, right?" sabi naman ni flirt girl 2 kay flirt girl 1.

What? Hindi na pumapasok dito si Gwen? Kelan pa? Tssssk saka ano bang problema niya ha? Ang sakit niya sa bangs. Dejk wala pala akong bangs. Ah basta, masakit sa bangs.

"Uy mga mare, may naisip akong paraan mamaya para hindi natin makalimutan yung mga sagot." Naputol ang trail thinking ko nang magsalita si JL.

"Ano naman?" walang ganang tanong ni Arya.

"Here. Hawakan niyo 'to." Binigyan niya kami ng tig-iisang piraso ng papel.

Napanganga kaming lahat dahil sa nakasulat doon.

"Heh! Magtigil ka! Kodigo 'to, right? So mandadaya kami, ganun ha?" Binatukan pa ni Arya si JL.

"JL, alam ko namang matalino ka. Pero bakit kelangan pa ng kodigo? Alam kong makakasagot ka mamaya." diretsahan kong sabi.

"Ikr. Pero kakatamad na magstudy e. NSTP lang naman iyan, diba? 'Yung iba nga, pinapagwalis na lang sa labasan at yun na ang finals nila. Bakit kailangan pa natin ng written exam ha? Nasaan ang hustisya?" ani JL.

Napabuntong-hininga na lang si Anthony.

"Sige. Carry na 'yan. Kaumay na mag-aral e. Sunod-sunod kase yung exam natin. Mas pinagtutuunan ko nga ng pansin yung mga major subjects e kesa sa mga minor subjects na paimportante." ani Anthony.

Korek siya. Bakit paspecial yung mga minor subjects? Sarap hambalusin nitong libro sa world history yang pagmumukha ni ma'am Greggy e. Siya din yung pinapatamaan ni Anthony.

Nga pala mga TEPsters, si Ma'am Greggy ang bwisit at bobo naming titser sa Statistics. Walang kwenta yung mga itinuturo niya. Pang high school level lang e. Ano akala niya sa'min, mga BOBO? Iba kase kapag mga obtuse teachers humahandle sa iyo dahil mapapamura ka na lang.

Si Ma'am Greggy kasi yung tipo ng tao na napakatanga e. Yung tipong nakakaantok at nakakabored pag siya na yung nagtuturo. Supposedly, kapag college student ka na, dapat active ka sa klase. Pero iba si Ma'am Greggy eh. Siya yung living proof ng sleeping pills. Promise.

"Ha? Totoo? Sila na ni Josh? Bat mo nasabi ha?" Narinig ko na naman yung OA na reaction ni flirt girl 1.

Napanganga ako sa sinabi niya. Ayaw kong maniwala. Sana hindi totoo. Sheet of paper.

The Evasive Past (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon