Ariane's POV
Nakilala ko kanina lang yung kapatid ni Shaz. Shet. Ang gwapo! Male version ni Shaz. Woooh so hot! Hahahaha pero walang mas gagwapo kay Elvin my lab so sweet <3Kagagaling ko pa lang sa loob. Lumabas ako dahil kailangan kong sunduin si JL. Baka magtampo yun.
Si JL nga pala ay isang gwapong beki. Gwapo at matalino sana, baluktot naman. Naging magkaibigan kami simula pa nung nasa high school kami. Siya ang naging kasangga ko tuwing may quizzes at exams. Kakaiba kasi ang katalinuhan ni JL. Kahit bigyan mo siya ng sandamakmak na examinations, masasagot niya iyan eh. Ibang klase diba? Balik tayo sa time kung bakit ko siya nakilala. Nakilala ko siya nung isang araw na nilipat ako ng upuan ni ma'am sa tabi niya.
Transferee ako nun at wala pa akong kaibigan. Buti na lang at madaldal tong si JL dahil kinausap niya ako. Nerdy type siya nun kase nga GENIUS eh. Ako naman ay isang mahiyain na babae nun. Pero nung maging kaibigan ko si JL, naging maangas, palamura, palaaway at maingay ako. Hindi ko sinasabing BI si JL. Ganun naman talaga ako. Kunwaring pa-demure lang ako sa una pero kung makilala mo ng lubusan, hindi mo aakalaing sobrang talas pala ng dila at bunganga ko kakaingay. Hindi kasi ako nauubusan ng kwento eh. Ineenjoy ko lang ang pansamantalang freedom ko kapag nasa paaralan ako. Kasi sa bahay, hindi ako makabasag-pinggan dahil nga sa sobrang katahimikan. Mismo buntong-hininga maririnig mo pa.
Kasalukuyan akong nandito sa bus station. Hinihintay ang beki kong friend. Sabi niya, may kasama raw siya. I'm looking forward on meeting that someone. Sino kaya yung kasama niya noh? Sana gwapo. Wahahaha
Tse! May Elvin na ako. Hmp
Napatayo ako sa kinauupuan ko nang makita ko si JL na kakababa pa lang sa bus. Taray ng bayot na to! Maliit pa rin siya. Kaloka, hindi man lang nagbaon ng Cherifer. Saka mas pumuti siya kesa nung huli ko siyang nakita. Pero gayon na nga, nanatili pa ring matigas ang ulo nitong height niya. Hindi man lang binigyan ng chance na tumangkad kahit konti. Kahit one inch lang diba?
Nakita niya ako at nginitian.
Pero wait.... may kasama siya.
Bumaba mula sa bus ang isang matangkad, maputi, gwapo at chinitong lalaki. Omo! Ito na ba iyon? Nakasuot siya ng shirt, tennis shoes at board shorts. Sinuot niya ang kanyang ball cap, shades at face mask na akala mo'y isang sikat na nilalang na ayaw makilala ng mga tao. O baka nama'y kriminal to at ayaw makasuhan kaya tinago ang mukha. O baka nama'y isa siya sa mga EXO members. Si Oh Sehun ata to. Nako ha. Nacacaloca. Ano ba 'tong pinag-iisip ko?
Nakatitig pa rin ako sa kanya. Nagsimula na siyang maglakad at kinuha ang kanyang maleta. Wtf?! Bat ba ang hot ni koya?
"Hoy mare. Laway mo oh." Nagulat ako nang tapunan ako ng tissue ni JL sa bibig ko. Hala ka. Sana hindi ako nahalata ni koya waaaaah
Nag loading ako. Maya-maya.....
"Kyaaaaaaa! Mare!!! Namiss kita." Nagyakapan kami ni JL habang tumatalon-talon at sumisigaw.
Lumipas ng isang oras ang pagyayakapan namin ni JL. JOKE! Isang minuto lang, mga fre.
Kumalas siya sa pagyakap sa akin at bumaling sa kasama niya. Oh jeez, ipapakilala na niya si koya fogi sa akin. Waaaah! Nice to meet you, Sehun. Ayy hindi pala siya si Sehun. Mas gwapo pa ata si Sehun kesa sa kanya. Kamukha lang sila kapag nakaface mask, shades at ball cap siya. Uwaaaa! Here it goes.
BINABASA MO ANG
The Evasive Past (Revising)
JugendliteraturHave you ever had a very wistful problem and wanted to forget about it all of a sudden? Shaz experienced that. It was hurting her every single day. But who can be the remedy for all of this? Was it a best friend who became a traitor? A charming...