Chapter 48: New Ally

61 2 15
                                    

Shaz's PoV

Nasa isang madilim na bahay ako. Wait. Bahay?! Ang lamig ng hangin, nagsisitayuan lahat ng buhok ko sa katawan. Kasama na si pubic. Eww! Magtigil ka nga, Shaz. Pervert! Che! 'Wag mo nga akong pangaralan! Teka...conscience, asan tayo? I mean......asan ako?

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng lugar. Maraming pictures ng sasakyan. Yung totoo? Adik ba sa sasakyan 'tong may-ari ng bahay na ito? Creepy ha. Nagmasid-masid pa ako sa kapaligiran. May nakita akong dalawang batang babae na naglalaro sa salas.

"Gwen....kahit magkahiwalay tayo, 'wag na 'wag kang makikipag-usap sa mga Newton ha?" nagsalita ang isang bata. Wait! Gwen? Tama ba ang narinig ko? So.....ate niya yata itong nagsasalita. Gosh! Teka. At ano 'tong sinasabi niyang 'wag makipag-usap si Gwen sa amin? Peste siya ha. Napatigil ako nang magsalita ang batang pigura ni Gwen.

Ngumiti siya, "Oo naman, ate. Tutuparin natin ang pangako natin sa isa't-isa. Magkasama natin silang kakalabanin. Walang iwanan, ate ha?" Tumango naman 'yung babaeng ate ata ni Gwen saka lumingon sa akin at ngumisi.

Bigla akong kinilabutan dahil doon. Naaalala ko 'yung mukha niya. Oh my gosh! Tubig, please. I cannot.

"Oh Gina, anak. Halina't kakain na. Gwen, sumunod ka na rin ha." Napalingon ako sa kanan at nakita ko si Tita Carmela. Wait.....siya 'yung friend ni mommy noon. Oo, natatandaan ko siya. Asan na kaya siya ngayon?

Lumingon naman 'yung Gina kay tita Carmela saka nagsalita, "Opo mommy, teka lang ho." Bumaling siya kay Gwen. Kitang-kita ko ang pagkalungkot sa mukha ni Gwen. Para siyang naagawan ng kendi o laruan dahil sa inasal niya.

Lumabas na 'yung mommy kuno nila saka nagsalita si Gwen, "Ate, sige na. Hayaan mo na ako dito. Alam ko namang ikaw talaga ang paborito nina mommy, e. Ni hindi nga ako tinawag na anak ni mommy. Ampon lang ba ako, ate?" malungkot niyang sabi. Nabigla naman 'yung Gina saka nagsalita, "Hindi. Kapatid kita. Kahit ano man ang sabihin ng iba sa'yo, kay ate ka lang maniniwala ah? Hindi kita pababayaan." pagkasabi niya nun, agad naman siyang lumingon sa akin. May nakita akong luha sa gilid ng kanyang pisngi.

Nakaramdam ako ng pagkaawa dahil doon. Nanginginig rin 'yung mga tuhod ko. Hindi ko naiintindihan kung bakit parang nararamdaman kong naiiyak ako. Hanggang sa unti-unti nang naglalaho ang imahe ng dalawang bata.

~*~

Napamulat ako ng mata. Nasa kwarto na ako. Biglang sumakit ang ulo ko nang maalala kong nanaginip ako tungkol sa dalawang bata. Ano ba 'yun? Nakakakilabot. Umiling-iling na lang ako.

Ibinaling ko ang tingin ko sa aking alarm clock na nasa bedside table. Geez. Umaga na pala. Malamang may araw na, e. Tumitilaok na ang mga manok. Samu't-saring ingay na ang maririnig kaya bumalikwas na ako ng upo. Hindi ko alam kung bakit parang nararamdaman kong may isang pares ng mata ang nakamasid sa akin. Geez. Guni-guni lang 'to. Pero bakit ganun? Pangalawang beses ko nang napanaginipan 'yung babaeng iyon. Tsk! Ano ba 'tong iniisip ko? Hays. Magpapatingin ako sa albularyo mamaya.

Binagtas ko ang daan papunta sa kusina. Gutom na ako, e. San ba sila kuya? Tsk. Umagang-umaga nabwibwisit na ako kaagad. Nagmumog muna ako bago nagtungo sa kwarto ng mga tamad pero gwapo kong mga kuya. Tsss eto talaga problema kapag mga lalaki ang kapatid mo kasi ang kakalat. Choss. Pero mahal ko naman sila, e. Sila na kasi 'yung tumayong body guard sa akin. Palagi nila akong pinoprotektahan. Palagi nilang sinisigurong hindi ako masasaktan. Iba rin talaga kapag bunso saka unica hija pa. Napangisi na lang ako.

*knock knock* *knock knock*

Nakadalawang katok na ako ngunit hindi pa rin nila ako pinagbubuksan. Ano kaya ginagawa ng mga 'to? Idinikit ko ang tainga ko sa pintuan nang malaman ko kung ano ang ginagawa nila kuya Viro at kuya Van. Hindi naman siguro sila gagawa ng ikagagalit ko, hindi ba? Pero kinukulit ako ng konsensya ko, e. Weh? Kinukulit ba kita ha? No. Hindi ikaw. 'Yung totoong konsensya ko. Che! So peke pala ako? Aba nga nama't- Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ng fake kong konsensya dahil narinig kong may ingay sa loob. Pinalamon ko sa kanya 'yung rug na may nakalagay na 'welcome'. Ang daldal, e.

The Evasive Past (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon