Chapter 53: A sign

28 3 0
                                    

Shaz's PoV

"Kuya, andito na tayo...Wag ka munang bumitaw ha. Kailangan mo pang mabuhay, kuya." mahinahon kong sabi habang hinahaplos ang buhok ni kuya Van.

Madaliang inilabas si kuya Van sa ambulance. Tumulong na rin sina kuya Viro at Renz sa pagbuhat ng stretcher ni kuya. Habang ako.....nakasunod lang ako sa kanila.

"Bro, 'wag ka munang bibitiw ha? Magpakatatag ka..." Narinig kong sabi ni kuya Viro habang lumuluha. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko dahil sa nasaksihan ko. Dapat hindi 'to nangyari, e. Kasalanan ko 'to lahat.

"Ma'am, sir....Dito na lang po kayo. Bawal na pong pumasok sa loob..." Narinig kong sabi ng nurse kaya napaupo na lang ako sa silya na nasa gilid. Napahagulgol na ako dahil hindi ko makakaya kung may mangyaring masama sa kuya ko. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng ospital. Nakita ko si kuya Viro na nakayuko at nakasabunot sa buhok niya 'yung mga kamay niya.

Hindi ko ma-take ang mga nangyayari ngayon. Hindi ko kayang tignan ang reaksyon ni kuya Viro. Labis siyang nasasaktan nang dahil na naman sa'kin.

*iPhone 6 ringtone*

Tinignan ko ang phone screen ko.

Mommy calling......

Nag-excuse ako kay Renz. Hindi ko na nagawang mag-excuse kay kuya Viro dahil ayokong makitang umiiyak siya. Naguiguilty kasi ako masyado.

Pumunta ako sa isang sulok, di-kalayuan sa kinaroroonan nina Renz at kuya Viro.

"Hello anak.. We just arrived from New York. How are you? How's Van? Okay na ba siya? Asang ospital kayo?" diretsahang tanong ni mommy. Nag-aalala siya. Hindi ko mapigilang hindi maluha dahil sa mga naririnig ko. What if kung hindi kayanin ni kuya Van? What if....mamatay siya?

"Anak? Vaness? Still there? Answer me! For Pete's sake, I need to know kung saang ospital na-confine si Van." Nabalik naman ako sa wisyo nang magsimulang tumaas 'yung boses ni mommy.

"A-ahh yes mommy. I-i'm here. St. Luke's Hospital. Yes, we're okay. Si kuya Van? Uhm...hindi pa po namin nakakausap 'yung doktor." My voice broke. Kinagat ko ang labi ko upang hindi na ako maiyak. Ayokong maging mahina sa mga oras na ito. Kailangan kong magpakatatag. Agad kong pinunasan ang mga luha ko.

"Okay. We'll be there in a minute. Inform them, okay? We love you, honey. I'll hung up now."

"Okay mommy. I love you too. Take care, the both of you." At binaba na ni mommy 'yung phone.

Humugot ako ng malalim na hininga bago bumalik sa pwesto ko kanina. Dahan-dahan akong lumapit sa gawi ni kuya Viro. Parang nararamdaman kong mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko habang papalapit ako sa kanya. I feel guilty.

The Evasive Past (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon