Pumasok na ako sa condo ko. Gusto kong iumpog ang ulo ko ng paulit-ulit.
Hinanap ko ang keys ko kasi nawawala. Where the heck-
Pinihit ko ang siradura at bigla-bigla nalang bumukas. Oh shit. Don't tell me, may nakapasok na mga kawatan at ninakawan ako. Ano na gagawin ko ngayon?! Wala akong punyal na dala dito.
Chineck ko ang bag ko. Hay buti nalang andito ang all-in-one set na may nail cutter, mini scissor, mini screwdriver and mini knife. Pwede ko nang gamitin ito.
Magiging kriminal na ako for real. Hala na! Kailangan kong maghanda ng abogado. Self-defense lang ang sasabihin ko. At ninakawan pa ako. Great! May chansa akong manalo. Okay lang yan, Shaz.
Nagbuntong-hininga ako.
Hinanda ko na ang sarili ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng condo unit ko. Oh my! Madilim sa loob. Wala atang tao.Binuksan ko ang ilaw. Brace yourself, Shaz. Get ready to stab someone.
Poof! Ang walanghiyang megaphone kong kaibigan! Siya ang may kagagawan nito.
Awtomatiko siyang napatayo pagkabukas ko talaga ng ilaw.
Feel at home ang impakta. Bakit ba ako nagkaroon ng kaibigang buang?
Pero ang nakakapagtaka talaga sa lahat.... What the heck?! Pano siya nakapasok sa condo ko?
Wala akong natatandaan na binigyan ko siya ng susi sa condo ko. Aba humanda ka sa sandamakmak kong tanong Miss Ariane Grevanzi.
"Surprise bessie!" ngisi-ngisi niyang tanong.
Nag poker face lang ako.
"Ah nagtataka ka kung bakit at paano ako nakapasok dito sa madungis mong condo?" nagpipigil ng tawa niyang sabi.
"Oo. Galing mong manghuhula. Oh paano nga?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"May duplicate ako ng susi mo." nakangisi niyang tanong. "Nakita ko kasing nakahandusay tong kawawa mong spare key sa labas ng madungis mong condo. Mismo sa 'welcome' na rug nahulog. Kaya maaawain kase ako. Kaya pinulot ko agad at pinaduplicate ko. Ice ba?" nakangisi niyang sambit.
BINABASA MO ANG
The Evasive Past (Revising)
Teen FictionHave you ever had a very wistful problem and wanted to forget about it all of a sudden? Shaz experienced that. It was hurting her every single day. But who can be the remedy for all of this? Was it a best friend who became a traitor? A charming...