Shaz's PoV:
Inihatid na ako ni Renz sa condo ko. Kahit papaano, naibsan naman 'yung galit ko kanina. Ayoko na talagang maalala 'yung kahibangang ginawa ni Gwen sa akin dahil baka magbasag lang ako ng mga figurines dito, e. Sus! Wala namang figurines dito sa condo mo, e. Alikabok siguro, meron pa. Hachu! Oh ayan. Napa-sneeze na ako. Patunay ngang maalikabok dito. Eww ka, Shaz. Che!! 'Buti nga sa'yo, kingina mo. Singhutin mo na lang lahat upang mawala na, 'di ba? Kesa magreklamo ka 'jan. Nasampal ko tuloy 'yung konsensya kong pakialamera.
Bigla ko tuloy naalala 'yung mga sinabi ni Renz sa akin.
"I know I'm a real jerk. I'm the living proof of a stupid and a mindless moron. But.... I love you, Vaness. I love you so much."National 'I love you' day ba ngayon, mga chong? Bat ganito pinagsasabi ni Renz sa'kin? Bwisit siya. Kikiligin na sana ako, e kaso....bigla naman niyang sinira ang mood ko. Sana inamin na lang niya na mahal niya ako nang sa ganoo'y nasiyahan pa ako. Ngunit hindi.....mas pinalala pa niya 'yung nararamdaman kong pagkamuhi kay Gwen. Mas tumindi 'yung galit ko simula nang makita ko silang magkasama ni Josh kaninang umaga. Sinira na nga nila 'yung masigla kong umaga, pati ba naman ngayong gabi, sisirain pa nila? Actually, sinira na nga nila. Pota ka po, Gwen. Ikaw may pakana nitong lahat.
Napailing na lang ako sa naisip ko. Ayaw ko nang isipin pa ang bitch na 'yun. Kapal niya! Ba't ko pa kase pinag-aaksayahan ng oras ang isang pinaka sa lahat ng epokritang tulad ni Gwen? Tsk masyado na talagang makapal 'yang pagmumukha niya kesa sa world history book ko, e. Sarap niyang kurutin gamit ang nail cutter, peste siya!
*bzzzt bzzzt* *bzzzt bzzzt*
Napatigil ako sa kakaisip nang tumunog ang phone ko. Agad ko itong kinuha.
2 new messages
Kanino kaya 'to galing? I tapped the message. It's from Ariane and.... Renz. Ano na naman bang kailangan nitong si Arya? Napabuntong-hininga na lang ako. Si Renz naman? Tsssk magsosorry na naman ba? Onti na lang talaga, maiisip ko nang isa si Renz sa mga Super Junior members. Sorry nang sorry, e. Kakainis na. Charot.
Binuksan ko na agad 'yung text message ni Renz.
From: Renz Shaun :)
Goodnight Vaness ;) Thanks for the night and I'm sorry :c
Ughhhh ang sweet. Nireplyan ko ito kaagad.
To: Renz Shaun :)
Hue. Kapal ng mukha mo. Matulog ka na nga tsssk
Sent 10:30 pm
*bzzzt bzzzt* Psh. Sandali, 'di ko pa nga nababasa 'yung message ni Arya, meron na namang message si Renz. Unli ata siya, ano?
BINABASA MO ANG
The Evasive Past (Revising)
Teen FictionHave you ever had a very wistful problem and wanted to forget about it all of a sudden? Shaz experienced that. It was hurting her every single day. But who can be the remedy for all of this? Was it a best friend who became a traitor? A charming...