Chapter 55: Acceptance

39 4 0
                                    


Dalawang bagay lang naman sa mundo ang hinihiling ko:

Kasiyahan at Pagmamahal

Ngunit totoo nga pala ang sinasabi ni Rosario Alfonso sa palabas na The Mistress. Sabi niya, "Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo."

Oo, naniniwala na ako doon. Proved and tested na kasi iyan sa akin eh. Naranasan ko na 'yan. Hindi naman kasi lahat ng gusto mong mangyari ay mangyayari talaga. No. Nakadepende iyan sa direktor o author ng storya mo. Nasa kamay niya ang desisyon. Siya lang ang may karapatang baguhin o ibahin ang takbo ng buhay mo.

Katulad 'yan sa nangyari kay kuya Van. Nagdasal ako ng taimtim, nagmakaawa ako na sana'y mabuhay pa si kuya, humingi ako ng tawad sa lahat ng mga kasalanan ko para mailigtas lang talaga si kuya. But what happened? Hindi niya tinupad. Dahil siguro, may mga dahilan pa kung bakit kailangan niyang kunin ang buhay ng kuya ko. Thankful ako na kahit sa maikling panahon na nakasama ko si kuya Van, hindi niya ako pinabayaan. Laking pasasalamat ko talaga na may kapatid ako na katulad ni kuya Van at kuya Viro.

Nung moment na sinabi lahat ng doktor sa akin na may malubhang sakit si kuya Van, hindi ako naniwala kaagad. Nasigawan ko pa nga ang kawawang Doc Chavez na 'yun e. Minaliit ko pa ang kakayahan niya bilang isang doktor. Nagsisi ako nun. Parang nawalan ako ng respeto sa mga nakatatanda pagsapit ng mga oras na 'yun.

Nung moment naman na ipinagtapat sa akin ni kuya Viro lahat-lahat, nasaktan ako noon. Hindi ko mapigilang hindi mapaluha at hindi masaktan dahil sa ginawa nilang paglihim nito sa akin. Napaisip ako kung bakit nila ginawa 'yun? Bakit inilihim pa nila sa akin?

Nasagot na lahat ng mga tanong na bumabagabag sa akin. Nasagot na ito lahat ni kuya Viro. Ipinaintindi at ipinaliwanag niya sa akin ng maigi ang ginawang paglihim nila sa akin.

Ngayon, malugod ko ng tinatanggap ang pagsubok na ibinigay sa akin.

NGAYON ang araw ng libing ni kuya Van. Lahat ng dumalo ay nakasuot ng itim na damit. Lahat ay may kanya-kanyang mensahe para kay kuya. Todo iyak sila mommy, daddy at kuya Viro. Habang ako? Nakatitig lang sa kabaong na pinaglagyan ng katawan ni kuya Van. Sa loob ng mga oras na ito, nagpakatatag ako. Hindi na ako umiyak. Tanggap ko nang lubusan na ganun nga talaga ang kapalaran ni kuya. Ngunit kahit wala na siya sa mundong ito, hindi ko pa rin makakalimutan na naging parte siya ng buhay at kwento ko.

Napukaw ang atensyon ko kay kuya Viro na nasa harapan naming lahat at siyang magbibigay ng mensahe para kay kuya Van. *clears throat* "I'm giving a message for my brother who had been my ally and companion for the past years of my life. Bro, kung nasan ka man ngayon, sana'y nasa mabuting kalagayan ka. *sobs* Nakakapanghinayang nga kasi parang....ang dali lang ng panahong nakasama ka namin. Parang kahapon lang na kasama ka pa namin at nagtatawanan pa tayo. Now, you're laying peacefully on your coffin. All I can say is thank you. Thank you for everything. The laughter we shared, the pain we endured and all of the challenges we faced back when we're in New York." Napayuko siya habang pinupunasan ang mukha niyang puno ng luha. "I love you so much, bro. You're such a great brother." Sumulyap siya sa nakangiting litrato ni kuya Van at naglakad pabalik sa upuan niya kanina.

Sunod na nagbigay ng speech ay sina Mommy't daddy. So far, hindi pa naman ako naiiyak sa mga speeches nila. Matikas ako, e. Malakas 'to.

Hanggang sa moment na inilibing na si kuya Van, nakatitig lang ako sa kawalan. Hindi ko magawang maiyak. Alam kong ito na ang huli at hindi ko na uli masisilayan si kuya Van. Tanging litrato na lang niya ang natira sa amin.

NAGSIUWIAN na kaming lahat. Dito sila sa condo ko tumuloy. Tahimik at matamlay ang awra na bumabalot dito. Nakakapanibago.

"Are you okay, Vaness?" ani Renz. Napalingon naman ako sa kanya habang inilalagay sa isang karton ang mga gamit na naiwan ni kuya Van. "Oo naman. Bat mo natanong?" pilit kong pagngiti. Kumunot bigla ang noo niya. "Okay fine. Hindi ako okay. Sino ba nama--" naputol ang pagsasalita ko dahil sa itinapat niya ang kanyang index finger sa labi ko. "Sssh. Ang daldal mo. Let's go out?" nakangisi niyang tanong. Nako Renz. Wala ako sa mood magpalit anyo. Magiging dentista na ako, onti na lang. Tinabig ko naman kaagad 'yung daliri niya. "'Wag ka nga, Renz. Nandiyan sila Mommy't daddy. Gising pa sila. Nag-iisip ka ba?" Inirapan ko nga siya habang patuloy na inilalagay ang mga naiwang damit ni kuya Van.

The Evasive Past (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon