Chapter 49: The Truth

42 4 1
                                    

Shaz's PoV

"What's the meaning of this?" Napanganga ako nang makita ko ang pagmumukha namin ni Renz sa TV. SHIT! Nasa TV na kami, mga chong. Masaya sana dahil sikat na ako ngunit sa maling paraan naman. Kainis, e. Sino ba 'yung hinayupak na nag-upload ng videong 'yun? Bhoszx_Maldita pala 'ah? Kailangan ko malaman kung sino 'yang haliparot na 'yan. Pero bago ang lahat.....sagutin mo muna 'yung tanong ni big brother, Shaz. Lagot! Huminga ako ng malalim saka nag-isip ng isasagot. Sasabihin ko ba ang totoo o magsisinungaling na lang ako?

Tinignan ko ang nakalagay sa TV.

Exclusive! Viral video of the profuse and popular billionaire Mr. Renz Shaun Williams and a non-showbiz girl friend he's dating got 1M views in just one night. Unbelievable!

"Sis. What is this?" ani bro Viro.

"A-ah. Kuya, sorry. Hindi ko alam kung sino kumuha niyan pero 'yan 'yung gabi ng date namin ni Renz. Sinabi niya lahat sa akin." diretsahan kong sabi. Para akong nabunutan ng tinik dahil nasabi ko rin sa kanila ang lahat, sa wakas!

Nanlaki lang ang mata ni kuya Viro saka kuya Van. Hindi ata makapaniwala na sikat na ang kanilang prinsesa. Choss! Nagulat ata, ano? Pero ano kaya ang magiging reaction nila mommy 'pag nakita na nila 'yung confession ni Renz sa akin? Tch Napabuntong-hininga na naman ako.

"Oh no. I think I already know who's the master mind of this." kinakabahang sabi ni kuya saka bumaling kay kuya Viro. What? Ansabe? Master mind ba? Naknampatatas! Sino kuya? Sino?! Magsalita ka, kuya! 'Wag kang pasuspense tulad ni Renz.

"I think we need to tell her, bro." ani kuya Viro. Juice ko po! Sabihin niyo na hangga't hindi pa ako nawawalan ng bait. Choss. As if naman magpapadala ako sa bugso ng damdamin. De joke, sabihin niyo na. Pretty please? Pretty me. Yuck! Feelingera. Nasusuka ako. Che!! 'Wag ka nga. Napupuno na talaga ako sa'yo, buanga ka. Napairap na lang ako sa hangin.

Tumayo si kuya Van saka nilapitan ako. Shit! Eto na ba ang katapusan ng aking precious life? Oh geez. Nacacaloca. Nararamdaman kong malakas ang tibok ng aking puso. Nakakabingi na. Promise! Hinila ako ni kuya papunta sa couch saka umupo na rin siya.

Hinawakan niya 'yung balikat ko saka nagsalita, "You need to know the truth, little sis." Nakatitig lang ako kay kuya Van. Nagpatuloy siya sa pagsasalita, "I know the person behind that video. It's....." pagputol niya sa kanyang sasabihin saka bumaling kay kuya Viro. "It's Georgina's sister." Umiwas siya ng tingin saka tinanggal 'yung pagkakahawak sa balikat ko.

Lumapit naman ako saka kwinelyuhan si kuya Van. "Sino siya, kuya? Sabihin mo!! Mapapatay ko talaga siya! Potang ina!" sigaw ko kay kuya Van. First time kong nasigawan 'yung pinakamamahal kong kuya. Nirerespeto ko kasi siya ng todo kasi siya na ang tumayong bodyguard at kuya sa akin. Napabitaw ako sa kanya dahil narealize kong mali pala ang inasal ko. Oh no! Sorry, brother.

"Si Gwen. 'Yung best friend mo." ani kuya Viro. Si kuya Van naman, nakayuko lang. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang sinabi ni kuya Viro. "A-anong s-sabi mo?!" Galit na galit kong tanong. Ayokong naririnig 'yung pangalan ng demonyong sumira sa pagkatao ko. Isang malaking kahihiyan ang idinulot niya sa akin. Pota siya!

"Si Gwen nga 'yung nag-upload ng video niyo. But please, little sis..... don't do such things which will make you regret in the end." ani kuya Viro.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Diretso akong naglakad papunta sa kwarto ko. Pero bago pa ako makahakbang, pinigilan ako ni kuya Van. Pota! Panira ka ng 'walk out' scene, kuya. Fish tea.

The Evasive Past (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon