Chapter 39: Dedmazoned

59 4 0
                                    

Shaz's POV



Nagulat ako nang makita ko ang pagmumukha ng kumidnap sa akin kagabi.




Oo. KUMIDNAP. Wala siyang pasabi o pahintulot naman lang na dadalhin niya ako sa penthouse niya. At talagang sa penthouse pa niya ako dinala ah?! Ang galing fre.




Si Renz Shaun Williams lang naman ang gwapong nilalang na kumidnap sa akin kagabi. 


Teka.... Bat andito siya ngayon? Pusang allows. 


Ah baka kukunin na niya yung pinahiram niya na damit sa akin kagabi. 


Oo. Baka yun nga yung sadya niya.




"Vaness? Wala ka bang balak papasukin man lang ako?" nakangising tanong ng monggol.



"A-ah. Wala. Ay hinde, meron. Teka, labas muna tayo." taranta kong sabi.



Hinila ko na siya pagkasabi ko nun.



Wow. May gana akong hilahin ang isang milyonaryo? Oo. Meron! Hindi siya pwedeng makita nina Ariane. Baka pagkaguluhan nila ako. At lalo na...... andun si Josh. Nako oo nga pala! 



Papa God, tulungan niyo po akong mapauwi 'tong mokong na 'to. Huhuhu T_T



"W-wait Vaness. Why are we here?" Napatigil ako at nagmasid-masid sa kapaligiran. Oo nga pala, hehe. Umabot kami sa pinakatagong area dito sa compound na tinutuluyan ko.



"Wala kang pakialam! Dinala kita dito kase gusto ko. Saka may sasabihin ako sayo."



Humugot ako ng hininga mula sa kailaliman ng lungs ko.



"Umuwi ka na, Renz. Ano bang pinuputok ng butchi mo bat ka pa pumunta sa condo ko? Nga pala yung mga damit mo, nakasampay pa. Nilabhan ko kanina lang." sabi ko.



"No. Stop this crap. You heard what I said earlier? Keep my clothes. Anyway, you're asking why I came here on your condo unit? I came here to visit you. Isn't it obvious?" He heaved a sigh. "Remember the date?" Tumango ako. Syempre, sinong makakalimot sa katangahan ko? Sumang-ayon ako langhiya! 



Tumingin siya sa akin ng seryoso at saka nagsalita, "I wanted us to start over, Vaness. Let me do my part." aniya.

The Evasive Past (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon