Chapter 51: Sorry?

37 4 1
                                    

Gwen's PoV

"Ma'am, eto na po 'yung alak niyo. Pinapasabihan po ako ni madam na 'wag na kayong bigyan ng---"

"Wala akong pakialam! Lumayas ka na dito kundi itatapon ko 'tong bote ng alak sa pagmumukha mo!" Inis na inis kong singhal sa pakialamera kong yaya. Nangingialam pa! So what?! Magsama sila ng peke kong nanay. Tutal pare-pareho lang naman silang mga walang kwenta!

"Pero ma'am, mapapagalitan po ako ni madam kung hin---" Hindi na ako nakapagpigil kaya inihagis ko na 'yung bote ng alak patungo sa kinatatayuan niya. Nakailag naman siya saka tumakbo na ng mabilis paalis ng kwarto ko. Tch serves you right, bitch. Pakialamera kasi, e.

Huminga ako ng maluwag dahil lumayas na sa wakas 'yung damuho kong katulong. Kinukulit kasi ako palagi. Kumain na raw ako, ayusin ko raw 'yung buhay ko, tama na raw sa kakainom....nye nye nye. Pota! Nanay ko ba siya ha?! Anong karapatan niyang diktahan ang buhay ko? May alam ba siya? Hindi ba't wala naman?! Palibhasa....mga alagad ng pesteng Carmela na 'yun.

Nilagok ko ng bonggang-bongga 'yung san miguel beer saka sinindihan 'yung yosi ko. Haaaay! Ang boring ng life ano? Kahapon lang nung ikinalat ko sa buong COC campus 'yung sikreto ng Shaztanas na 'yun. Oo! Shaztanas! Satanas siya. Kapal kapal ng pagmumukha niyang maglie low lang saka magtago? Ano akala niya sa akin? Mahina?! Tsk. Marami pa akong sorpresa sa kanya at.....sisiguroduhin kong mapapaluha siya ng dugo at magmamakaawa sa akin na patawarin siya. I'm waiting for that time to happen!

Itinapon ko na 'yung yosing hinithit ko kani-kanina lang saka binuhay 'yung inaalikabok kong TV. Nilipat-lipat ko sa iba't-ibang channels hanggang sa may mahagilap akong pamilyar na mukha. Teka....si Shaztanas 'to ha saka si Renz. Wth!

"So bakit ba naissue 'yun?" --- Interviewer

"Best friend quarrel po ang dahilan. May pinag-awayan kami ng best friend ko noon at alam kong sinisiraan niya lang ako dahil sa labis na galit. Handa akong tanggapin lahat ng mga paratang niya tungkol sa akin pero sana po...kung ano man po ang pinag-awayan naming dalawa, sana......huwag na po kayong manghimasok kasi mas lalaki lang po ito." Naibato ko 'yung remote sa TV ko. Tangina! Bestfriend quarrel pala ha? San ka humuhugot ng lakas ng loob ha? May papresscon presscon ka pang nalalaman diyan, akala mo kung sinong artista. Shit! Napupuno na ako. Ughhhh!

Ginulo ko 'yung buhok ko. Natigilan ako sa tanong nung interviewer.

"Ano ba ang gusto niyong iparating sa kanya? Anong gusto niyong sabihin?" --Interviewer

Lumapit ako sa TV at tumutok doon. Hinihintay ko ang sagot nila.

Unang nagsalita si Shaz saka tumikhim muna, "Gwen, kung nanonood ka man ngayon, gusto ko sanang itigil mo na ito. Pag-usapan natin ang lahat-lahat. Hindi naman kailangan humantong lahat sa ganito, e. Gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng kasalanan ko. I'm sorry, bes." May paiyak-iyak pa siyang nalalaman. Anong akala niya sa akin? Uto-uto?! Tch. Tawad ba kamo?! Hindi ako divisoria na pwede mong hingan ng tawad para mabili mo ang gusto mo. Kapal kapal ng mukha niya! What was she expecting? Na kakagat ako sa patibong niya? In her face covered with plastic!

The Evasive Past (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon