Shaz's PoV
HINDI ko naman hinangad na magkaroon ng isang napakalaking problema sa mundong ibabaw.
Ang gusto ko lang naman noon ay ang mamuhay ng tahimik at payapa kasama ang mga magulang at mga kapatid ko.....o kahit na mag-isa lang ako.
Pero bakit nangyari ito lahat sa akin?
'Yung pakiramdam na paulit-ulit kang nasasaktan, paulit-ulit kang umiiyak, paulit-ulit kang pinapatay sa sakit na idinulot ng kahapon.
Pilit mo itong kinakalimutan ngunit sadyang matigas lang talaga ang bungo mo kaya hindi mo makalimutan.
Hindi naman kasi 'yun bagay na pwede mo lang kalimutan ng basta-basta. Napakaimportante nun sa akin.
Pilit ko ring itinatatak sa puso't isipan ko na tigilan na ang pagsisi sa sarili. Nangyari na ang dapat mangyari. Nangyari na ang pinakapinagsisisihan kong mangyari. Ang isang trahedyang biglang sumira at bumago sa napakatahimik at perpekto kong buhay.
Paano ko ba ito malalampasan?
Shaz's PoV
Nilingon ko ang boses na tumawag sa akin. Napakapamilyar ng boses na 'yun kaya nagkaroon ng curiosity sa buong pagkatao ko.
Ngunit, pinagsisihan kong lumingon pa ako. Dahil may nakita akong isang babaeng malungkot. Isang babaeng tila nawalan ng saysay ang buhay. Isang babaeng halo halo ang emosyon sa mukha. At ang babaeng 'yun ay walang iba kundi si Gwen.
Galit, lungkot at pangungulila ang mababasa mo sa mata niya pero nakangiti siya. Isang ngiti na hindi ko matukoy kung ano nga ba ang ibig sabihin.
Nanigas ako nang magsimula siyang lumapit sa gawi ko. Tila napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw. Gusto kong tumakbo at lumayo sa kanya ngunit parang may nagsasabing 'wag akong umalis. Parang may nag-uudyok sa akin na huwag siyang iwasan.
Lumunok na lang ako ng laway saka nagdasal na sana'y hindi ako mamatay ngayong araw. Hindi ko alam kung anong kayang gawin ni Gwen sa akin. Pero isa lang ang alam ko. Na hindi ko pala siya kayang saktan. Na lahat ng pinagsasabi kong masakit na salita sa kanya, hindi ko pala kayang sabihin. Akala ko kapag nagkita kami uli, world war III na. Ngunit hindi----
"It's nice to see you again, ex bestfriend." Ngumisi siya. Malapit na siya sa akin. Isang ruler na lang ang layo naming dalawa.
Hindi ako makahinga ng maluwag. Ano ba 'to? Parang may nakabara sa lungs ko. Wala naman akong natatandaan na may sakit ako. Asthma lang ang mayroon ako, wala nang iba.
"Kamusta?" Todo ngisi siya habang nagsasalita. Hindi ba niya ako sasaktan? Bat parang masaya pa siya na nagkita kami? Buang na ba siya? Nasisiraan na ba siya ng ulo? Ah baka naman totoo ang pinagsasabi nilang naloka na si Gwen. Huwag naman sana.
"Okay naman ako. Ikaw?" Biglang nawala 'yung ngisi niya nang magsalita ako. Ano bang nasabi ko? May nasabi ba ako na siyang ikinagalit niya?
Tinignan niya ako sa mata saka muling nagsalita, "Wala ka bang balak papasukin man lang ako sa pamamahay mo?" diretsahan niyang tanong habang titig na titig sa mukha ko. Oh man. Paano ba 'to? I cannot. Bat ba napakakalma lang niya? Hindi ba siya galit sa akin? Oh come on. Alam na alam ko iyang inaasal ni Gwen. Nakikipagplastikan lang siya. Oh well. Magaling naman ako dun, e. No need to worry.
"Oh shit. Vaness?!" Lumingon ako sa tumawag sa akin. Si Renz pala. Puno ng pag-aalala 'yung mukha niya habang tumatakbo sa gawi namin ni Gwen.
Nang makalapit na si Renz sa akin, agad niya akong itinago sa likod niya. "I can't let you hurt her. You're a demon." paninimula niya. Tumawa si Gwen. 'Yung pilit na tawa. "Good guess. Who told you that?" Ngumisi siya kay Renz saka bumaling sa akin. Agad napalitan ng furious aura 'yung kaninang nakangisi niyang mukha.
BINABASA MO ANG
The Evasive Past (Revising)
Teen FictionHave you ever had a very wistful problem and wanted to forget about it all of a sudden? Shaz experienced that. It was hurting her every single day. But who can be the remedy for all of this? Was it a best friend who became a traitor? A charming...