Saturday (6:30 pm)
Shaz's POV
"Ugh! Bat nanginginig 'tong kamay ko? Hindi naman ako kinakabahan at mas lalong hindi ako pasmado." irita kong sabi habang nag-aapply ng liquid eye liner sa pretty kong eyes. Pocha naman, o! Makisama ka naman, flawless kong kamay. Please!
Napabuntong-hininga na lang ako saka tinigilan na 'yung paglalagay ng punyetang liquid eyeliner. Inihagis ko na lang ito sa labas saka tumama sa salamin at bumalik sa'kin. Choss. Inilagay ko na lang ito sa isang tabi. Kumuha ako ng wet wipes saka pinunasan 'yung nagkalat na eye liner sa mata ko. Pambihira, gaganda sana ako lalo kung nakapaglagay pa ako nun, e. Walanjo!
Agad ko nang inayos 'yung damit ko dahil bahagya itong nagusot. Eh kase naman, ang arte! Maganda ka naman talaga lalo na kapag walang makeup. Napangiti naman ako sa sinabi ng konsensya ko. Magkakasundo na tayo. Che! 'Di ka ba aware na binobola lang kita? Uto-uto kasi. Inirapan pa niya ako. Aba! Gusto mong mamatay? Punyeta. KJ 'to! Pinanlakihan ko siya ng mata saka may bonus pa na irap. Tch mukha niya.
*bzzzzzt*
Sino ba 'yung naninitsit? Nako ha. Wag niyo akong niloloko. Sumilip ako sa bintana, pero wala naman. Isinarado ko kaagad ito.
*bzzzt bzzzt*
Nagulat na naman ako. Shit na malagkit! Creepy. Papalapit na nga talaga 'yung November. Hoy! Bobo! Binatukan ako ng konsensya kong KJ. Cellphone mo 'yun, tanga! Nag-vibrate lang, walang may sumisitsit. Tongina, ang vovo. Inirapan ko lang siya. Grabe, nakakahiya 'tong katangahan ko. Sheet of paper. Napaka-slow ko talaga kahit kailan.
Agad kong kinuha ang pouch ko saka dinukot 'dun ang phone ko.
2 new messages
I tapped it. Sino na naman kaya 'tong istorbo at mapanglinlang na tumetext? Tch buksan mo na nga lang, dami pang satsat, e. Kakabanas. Nasampal ko tuloy 'yung pakialamera kong konsensya saka inistapler 'yung bunganga. Pabwisit uy!
Agad ko na itong binasa.
From: Renz Shaun Williams
Hello, Vaness! Are you ready? ;)
Huminga ako ng malalalim. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Ang alam ko lang ay...naghahabulan 'tong mga kabayo ko sa tiyan. Eeeee! Rereplyan ko ba? Teka...may isang message pa. Buksan ko nga!
From: Renz Shaun Williams
I'm outside of your condo unit. Text back if you're ready and I'll knock. :)
Shit! Eto na nga ba sinasabi ko, e. Pinapareply ako nung mokong na 'yun. Kakainis! Ano sasabihin ko? Oh geez. Ano nga? Hmmmp. Wala akong maisip na matinong isasagot. Tsk bahala na nga....
BINABASA MO ANG
The Evasive Past (Revising)
Novela JuvenilHave you ever had a very wistful problem and wanted to forget about it all of a sudden? Shaz experienced that. It was hurting her every single day. But who can be the remedy for all of this? Was it a best friend who became a traitor? A charming...