Epilogue

53 4 0
                                    


Our loved ones may pass but they never really leave us. --Reader's Digest

You can't start the next chapter of your life if you keep re-reading the last one. --Anonymous

~*~ 2 years later ~*~

Ang dami nang nangyari pagkatapos nung gabing huli kaming nagkausap ni Gwen.

Sinabi niya kasi lahat sa akin. Paulit-ulit siyang humihingi ng tawad, nagsisisi na raw siya, sana raw tanggapin ko pa siya sa buhay ko.

Alam ko lahat ng pinagdaanan ni Gwen. Dahil nasaksihan ko lahat ng panunuyo niya sa akin. Nakakatawa ngang isipin 'yung moment na hinabol niya ako sa airport kasi papaalis na sina mommy, daddy at kuya Viro. Akala niya, aalis na raw ako na hindi pa siya napapatawad.

Official na kami ni Renz nun. Sinagot ko siya kamakailan lang bago bumalik sila Mommy sa NY. Masayang-masaya nga 'yung mokong, e. Binuhat pa ako na pang-bride style, kabanas!

Okay so, moving on.... May lovelife na rin pala si kuya Viro. Naalala niyo pa ba 'yung magandang babae na parang model na may 6" na height? Siya nga! Si Macha Prei. Matagal na pala silang magkakilala ni kuya Viro, hindi niya lang nasabi sa'kin kasi nga busy kami sa pagluluksa kay kuya Van. Tch namimiss ko na tuloy si kuya Van :(

Sa mga kaibigan ko naman na sina Arya, JL at Anthony. Ayun! Mabuti naman sila. As usual, para pa ring aso't pusa sina Arya at Anthony. Ewan ko ba sa dalawang 'yun. Nakakabobo! Si JL naman, kasapi sa dean's list at running for summa cum laude ang bruha. Ang bongga, 'no?

"Bes, okay na ba? Natapos mo na?" ani Gwen. Woah, wait people. Nga pala, back to bestfriends na kami ni Gwen. Bakit? Natanggap ko na rin naman na hindi niya sinasadya ang lahat. Nadala lang siya ng galit niya kaya ayun...mabait naman ako kaya napatawad ko rin siya. Nangyari 'yun nung nasa airport kami nina mommy, daddy at kuya Viro. Lumuhod pa siya sa harapan ko upang mapatawad ko lang siya. Hindi naman sa naaawa ako sa kanya, pero....oras na rin talaga na magkaayos kami. Hindi na ako nagmatigas nun. May kasalanan din kasi ako sa kanya kaya quits lang kami.

Nung gabing huli kaming nagkausap ni Gwen ay pakana pala lahat nina Josh at Renz. Gusto daw nilang magkaayos na kami bago mahuli ang lahat. Bago lumala 'yung kalagayan ni Gwen. May sakit kasi siya sa utak. JOKE! Depression lang, mga kuys. Nadepress daw siya kakaisip sa nangyari sa ate niya na kasalanan ko.... Mas lumala daw ito nang dahil sa nangyari kay kuya Van. Hindi ko naman kasalanan 'yun, 'di ba? Pero.....may kasalanan din ako kaya humingi na rin ako ng tawad sa kanya.

"Ah oo. Malapit na 'to." Kasalukuyan kong tinatapos ang kwentong ginawa ko para sa proyekto namin kasi bukas na ang deadline. Kaloka! Kasalanan 'to ni Renz, e. Kinaladkad niya ako kung saan-saan kasi may sorpresa daw siya. Pero keri na, nag-enjoy naman ako kahit papaano. Pumunta kasi kami sa lodging house ayy este sa house nila. Hindi 'meet the parents' ang naganap ha? Kasi matagal na naman akong kilala nina tito David at tita Catleya. Nakakahiya nga 'yun, e. Pawang mga bigatin 'yung parents ni Renz. Syempre hindi ako nanliit sa sarili ko. Kala niyo ha? Maganda kaya ako. *flips hair* Gayon na nga, dinala niya ako dun upang ipakita 'yung gift sa kanya ng mga magulang niya. Napanganga ako kasi akala ko bagong sasakyan lang. Sheet of paper, mga chong. HOUSE AND LOT 'yung binigay. Sabi nila, para sa amin daw 'yun? Awi awi! So kami na talaga for life? Haha hindi ko sinabing forever kasi wala naman talagang FOREVER. Lifetime siguro, baka mayroon pa.

"Sige. Ah siyanga pala, pupunta kaming cafeteria ni Arya. Ano gusto mong kainin?" tanong ni Gwen. Siyanga pala, kaibigan na rin siya ni Arya. 'Di ba, ayaw ni Arya kay Gwen? Pero bakit ganun? Parang masaya pa nga silang magkasama, e. Siguro.....nakilala na niya 'yung tunay na ugali ni Gwen. Masaya na rin ako dahil natanggap na niya si Gwen nang lubusan.

The Evasive Past (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon