Sa sobrang sama ng nangyare kahapon instant sikat na ako sa campus. Galing diba? Akala ko magkakaroon na ako wrinkles sa kahihiyan kahapon. Hindi ko alam kung makakakain pa ako sa canteen and worst hindi ko alam kung papansinin pa ako ni Aaron. Malamang galit na galit sya sakin ngayon. Nag walk out siya kahapon kaya hindi pa kami nagkikita hanggang ngayon.
I walked on the corridor blankly. Bawat madadaanan kung studyante ay ang sasama ng titig sakin. Kala mo kung sino mga mukha namang tuyot na ampalaya hmp! Tinaasan ko lang sila ng kilay.
"Beshi Mj." Tawag ko kay beshi.
"Oh?" She answered while taking selfies.
"Sa tingin mo ba magkakaroon kami ng comeback ni Aaron?" Humarap ako sa kanya para pakinggan yung sasabihin nya pero tuloy pa din ang paglalakad.
"Unang una beshi Alexa, walang magaganap na comeback kase never naman naging kayo. Okay? Asado slash assumera ka masyado beshi e. Magkape kape ka din para kabahan ka jan sa mga sinasabi mo." sabay pitik sa noo ko.
"Aray ko naman!" Reklamo ko sa kanyan. "Pero feeling ko naman may spark na kami this time around. Pinagtagpo ulit kami ng tadhana" Napangiti naman ako ng bahagya.
"Ewan ko sayo beshi ang tigas ng bungo mo. Hirap mo pagsabiha---- ahh...sige na beshi mauna na ako ha bye" she fake smiled then run away na para bang nakakita ng multo at nagmamadaling umalis.
Aaron's POV
"Fuck!" Nasabi ko nalang nang makita yung oras. Late na ako sa klase ko. Nalate na ako ng gising dahil sa panget na babaeng yun. Inuubos nya talaga pasensya ko.
I drove my car as fast as I can and it took 5 minutes only ay nasa school na agad ako. Good thing wala pang traffic.
Habang naglalakad na ako papunta sa klase ko nang may nasagi ang mata ko which is very catchy to me.
"That ugly little punk..." I glared then then take a steps closer to her.
I was standing at her back at nataranta namang umalis palayo yung kausap nya.
"Let's talk!" Pabagsak kong sabi na siyang ikinagulat niya naman.
Alexandra's POV
"Ay palaka!" I half yelled dahil sa gulat.
"Jusme naman kase bigla bigla ka nalang sumusulpot. Di ako aware buti nalang fresh pa itsura ko ha." Sandali akong natigilan sa sinabi ko nang mapansin ko yung aura nya na nagngingitngit sa galit. Kulang nalang lapain nya ako at lunukin ng buhay.
Mygad mgbbreak na ata kami T.T etchos."May kasalanan ka sa akin and you have to pay for it. Give me your phone." He raised his eyebrow then held his right hand nag aantay lang na iabot ko yung phone ko.
I gulped, mga bente. Di na ako nagsalita pa at inabot yung phone ko sa kanya. Tapos may tinype siya na kung ano doon.
"12:00 o'clock PM tomorrow. Be there and don't be late." Sabay bagsak ng phone sa kamay ko tsaka sya tumalikod at naglakad na palayo while me? Nakatunganga lang habang sinusundan siya ng paningin ko hanggang mawala na.
"Ang hot niya parin talaga kahit galit siya" I grinned. Pumasok na ako sa loob ng classroom at agad ko namang chineck phone ko para malaman kung ano yung tinype nya dun. And I saw an unfamiliar address.
"12:00 o'clock PM tomorrow. Be there and don't be late." Nagflashback sa isipan ko yung sinabi nya.
"Omg! Are we going to have a date?" I shouted out. Nanlaki ang mata ko at halos umabot na hanggang tenga yung ngiti ko. Yung puso ko parang tumatalon na sa tuwa. Naku kelangan paghandaan ko na ito.
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED (COMPLETED)
Teen FictionCrush is paghanga, iyon ang sabi nila. Oo, nagsisimula ang lahat sa paghanga hanggang sa lumalalim. Paano kapag malalim na? Crush pa rin ba ang tawag doon? There's a girl who have a huge crush with her schoolmate. Well, it's normal. I mean-90% of a...