CAPTIVATED: THIRTY

2.1K 92 3
                                    

Alexandra's POV

"Kled! Taliyah! Mommy is here!" Tawag ko sa kanila pagpasok ko palang ng gate.

"Mommyy!" as usual, tumatakbo na sila ngayon palapit sa akin habang naka-open arms na ang mga ito at handa na akong yakapin.

"Oh~ I missed my babies." Napaluhod ako para pumantay sa kanila at pareho ko silang niyakap.

"We missed you too mommy." Aww so sweet. Namiss ko sila kasi 3 days ko silang hindi nakita at galing pa akong business trip. Yeah, nagta-trabaho na ako ngayon sa company namin dito sa New york.

Anyway it's been 6 years since the day I left.

Tama ang nabasa mo. SIX YEARS.

 
I'm now 22-year old turning 23 next month at  5-year old na din ang kambal ko. Grabe ang bilis ng panahon. Ang tanda ko na choss. Well, sa loob ng 6 years ang daming nagbago sa akin pati sa mga taong dati kung nakakasama.

Si Mj, isa na siyang ganap na teacher  ngayon and guess what? Matagal tagal narin silang mag-on ni Ralph. Buti pa sila noh? Well I'm happy for them. Si Lj naman nagta-trabaho nadin siya sa company namin. And I guess in a relationship na din ata siya.

At ako? Syempre I become a mother of course, matured in the sense of making decisions, mas gumanda char, and most importantly I'm now a Certified Public Accountant or CPA. Yes, I passed the board exam at syempre para yun kay Daddy at sa company narin namin.

But still, there's one thing that I pretty sure na hindi nagbago sa akin kelan man....

I still love him.

Six years ko na siyang hindi nakikita at nakakausap pero sigurado parin ako sa nararamdaman ko. Pero alam niyo kung anong mas masakit? He's getting married.

Yeah, he's getting married...

Hindi ko alam kung kelan kasi narinig ko lang din since wala nga kaming communication. Pero ang daya diba? Bakit ganun? Sabi niya aantayin niya ako? And gosh! I waited for the right time na balang araw ay makasama namin siya. Umasa ako for almost 6 years. Pero umasa lang pala ako sa wala. Ang sakit sakit kaya umasa sa wala diba?

Well, I cannot blame him. Maybe we're not really meant to be together. Ang sakit lang isipin na ikakasal na siya sa iba at hindi sa akin.

"Mommy are you okay? Why are you crying?" Ani ni Taliyah tsaka pinunasan ang luha ko. Shocks! Bakit ba ako umiiyak sa harapan ng anak ko?

"No baby I'm not crying. I'm just happy at nakita ko na kayo." Nginitian ko nalang sila tsaka hinawakan ang magkabila kamay nila at naglakad papasok sa loob ng bahay.

My son named, Aaron Kled Mercado and my daughter named, Taliyah Alex Mercado. Sila ang kambal kong anak.  Magkamukha sila pero buti nalang at magkaiba sila ng gender kaya iwas lito lols. Well, ako ang nagluwal sa kanila pero tila wala ata silang namana sa akin at kawangis nila ang tatay nila. Lalo na si Kled, tuwing pinagmamasdan ko siya ay nakikita ko sa kanya si Aaron.

Napangiti nalang ako habang pinagmamasydan silang tuwang tuwa sa pasalubong kong laruan sa kanila.

Siguro kailangan ko na talagang tanggapin sa sarili ko na hindi kami itinadhana. And besides, may Kled at Taliyah naman ako diba? Naging masaya ako ng six years na wala siya, ibig sabihin kaya ko. Oo kaya ko ng wala siya.

Accept and move on. Tama, yun dapat.

"Lolo!" Muli akong nagbalik sa reality ng tinawag nila ang lolo nila.

Tuwang tuwa namang sinalubong nila si Daddy at humalik sila sa pisngi nito.

"Hi Dad." Bati ko naman.

"Sumunod ka sa akin Alexandra." Bungad nito sa akin.

"Manang pakitignan muna sila ha?" Marahan kung tugon sa Pinay ding katulong namin na siyang nagbabantay kay Kled at Taliyah since then kaya natutong magtagalog ang mga anak ko. Sumunod na din ako kay Daddy.

"Pack up your things Alexandra. You'll be going to the Philippines." Sabi nito na siyang ikinagulat ko naman.

"Huh? Bakit?" Agad kong tanong at tila bumilis din ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung nae-excite pa ako o kinakabahan. I don't know. Maybe because nasa Pilipinas na din si Aaron at hindi malayong magkita kami pag-uwi ko?

"Kailangan mong i-manage yung company natin doon dahil recently puro losses ang branch natin doon." Seryosong sabi nito.

"What do you mean Dad? What do you want me to do?" Tanong ko ulit.

"I'll let you handle our company there. This serves as your first big project so do it good and don't let me down." Ani nito.

Nalulugi ang company namin sa Pilipinas and now gusto niyang hawakan ko yun? Hmm...ganun kalaki ang tiwala ni Daddy si akin. Nakakapressure namin at kakapasok ko palang ng corporate world tapos isang malaking responsibility agad ang mapupunta sa akin.

"I will Chairman." Tugon ko dito. Alam kong sinusubukan ako ni Daddy at nag-iisang anak niya lang ako kaya balang araw ako din ang magmamanage ng company namin.

Lumabas na ako ng kwarto tsaka nag imapake ng mga gamit. Yung mga kailangan lang naman ang dadalhin ko at alam ko namang babalik din kami dito pagkatapos ng mission ko.

Kinakabahan ako...

Parang natatakot ako na nae-excite na makita si Aaron. Paano ako makakamove on kung sakaling magkita man kami? Tsaka paano ko sasabihin ang tungkol sa mga anak namin? He's getting married now, guguluhin ko pa ba siya? Parang nagdadalawang isip ako na ipakilala sa kanya sina Kled at Taliyah. Pero, ipagkakait ko pa ba sa kanila yung pagmamahal ng isang ama?  Hayst bahala na.

Everything is now well packed up. Paalis na kami ng biglang may dumating na bisita sa amin.

"Hey." Bati nito sakin. Nginitian ko lang siya.

"Hello Daddy Nik." Bati naman ng mga anak ko.

"Hello little cuties." Tugon din nito tsaka kinarga yung dalawa.

Siya si Nikko Smith. Katrabaho ko siya slash anak ng isa sa mga Board of Director ng Mercado Real State Corp. Dito ko na siya nakilala dahil sa iisang university lang kami pumapasok noon. Naging close kami and nakilala niya ang mga anak ko. Bakit Daddy Nik ang tawag nila? Ewan ko ba dito kay Nik. Kung anu-ano kasi tinuturo eh. Pero hinayaan ko na, nakikita ko namang mahal niya ang mga 'to. But opps! don't get me wrong. Wala kaming relationship. I mean more than friends relationship.

"Are you gonna go with us Daddy Nik?" Tanong ni Kled dito.

"Hmm...yeah of course." Tugon nito tsaka tumingin sa akin. Anong ibig sabihin niya?

Moving on...

We're now bound to touch down Manila. And yeah, Nikko is with us. Siya ang magiging katuwang ko sa mission. Hindi narin masama diba? Kahit na alam ko namang inutusan siya ni Dad para bantayan ang mga kilos ko and to make sure na hindi na kami magkikita pang muli ni Aaron.

Habang tumatakbo ang oras, kasabay nun ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Parang lahat ng nangyari 6 years ago ay nanumbalik sa isipan ko.

Ano kayang mangyayari kapag kaharap ko na siya? Napabuntong hininga nalang ako dahil sa daming katanungan ang pumasok sa akin.


A/N: Ano nga kayang mangyayari pagnagkaharap silang muli?

This chapter is dedicated to dearest dlarince *wink*

CAPTIVATED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon