CAPTIVATED: FORTY

2.1K 82 7
                                    

Someone's POV

"Good job! And because of that, may kasama pa itong bonus." I said tsaka inabot sa kanya yung envelope na naglalaman ng pera.

"Salamat po Ma'am." Sabi ng mukha perang doctor tsaka umalis na sa harapan ko.

I just got my mens. Mabuti nalang at doon pa ako dinugo sa bahay nila. Perfect timing nga naman oh. Isang labas ko lang pera ay hawak ko na agad siya sa leeg.

Nakalabas din agad ako ng hospital at wala naman talagang nangyaring masama sa akin.

Nasa tabi ko lang siya simula pa nung nalaman niyang buntis ako. Uhm let's say, buntis buntisan pala. Takot lang niya na ipalaglag ko yung anak niya hmp!

Buntis ako at yun ang alam ng lahat. Hay, kailangan kong panindigan yung kasinungalin ko. Kailangan kong mabuntis sa lalong madaling panahon. Kailangan may mangyari sa amin.

But bago yun, this time mag-iingat na ako sa bawat sasabihin ko at baka madulas nanaman ako.

"Babe... pupuntahan ko na muna yung kambal. Gusto ko silang makita at magpakilala sa kanila." Mahinahong sabi niya sa akin.

Hmmm...

"Sige." I replied. " Pero sasama ako. Gusto ko ding malaman nila na magkakaroon na sila ng kapatid." Dugtong ko pa. Mas mabuting andun ako para masigurado kong yung kambal nga yung pakay niya at wala na siyang balak pa balikan yung babaeng yun.

Nag-uusap kami ngayon sa sala when something interrupted us. Yung flash report sa tv ang nakakuha ng attention namin.

Nandun ang mukha ni Nik. O.O

Anong ginawa niya at wanted siya ngayon? Parang kinakabahan ako dito.

Saktong pagtapos ng flash report ay biglang tumunog yung phone ko. Halos lumawa na ang mga mata ko ng makita ko yung pangalan na lumabas sa screen.

Shit! Bakit siya tumatawag sa akin?  Anong kailangan niya?

"Uhm excuse me." I said then picked up the call. Mejo naglakad ako ng unti palayo kay Aaron para hindi niya ako marinig.

"Oh bakit? What have you done?" Halos pabulong kong sabi.

"Kasalanan mo'to eh. Kung hindi lang ako nakinig sa sinabi mo baka okay pa kami ngayon!" Sigaw niya sa akin mula sa kabilang linya.

"Ano?" Naguguluhan kong sabi. Bakit ba kasi hindi sinabi sa flash report yung nagawa ng lalaking 'to.

"Magkita tayo. Tulungan mo ako, wala na akong pera kaya sumulpot ka. I'll just text to you the address and when."

"Why would I help you huh?" Hindi ako pwedeng madamay sa pinagagawa niya. Matutuloy na ang kasal ko kaya okay na ako.

"Hindi mo ako tutulungan? Okay fine. Wag kang magulat kung pagising mo bukas. Alam na ni Aaron lahat ng baho mo. Mula sa paninira mo kay Alex, sa pekeng sulat na ginawa mo, sa pagpapalabas natin na mag asawa kami at hanggang sa pagpapanggap mo na buntis ka." Napatakip ako ng bibig sa narinig ko sa kanya. Halos mabitawan ko na yung phone ko dahil sa kanya.

"Bwisit ka talaga Nik! Sana hindi na ako nakipagsabwatan sayo. Don't you dare to do that! Okay? Sige! Magkita tayo." Pinsan ko si Nik. Isang basagulerong lalaki na pansamantalang tumino dahil kay Alex. I think napuno na din siguro siya dahil matagal na siyang nag antay, madaming na siyang ginawa pero rejections lang ang lalaging natatanggap niya.

Pahamak siya! Idadawit pa niya ako! Argh! Kasalanan 'to lahat ng malanding babaeng yun.

Ang dami ko ng ginawa para lang mapasakin si Aaron. Lahat ng bagay na gusto ay nakukuha ko. Mas mabuti pa sigurong mas madaliin ko na ang kasal namin.

CAPTIVATED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon