CAPTIVATED: TWENTY-ONE

3K 112 1
                                    

Alexandra's POV

Sa wakas nakalabas na kami ng hospital ni Aaron, I mean...ng boyfriend ko.

Shit! Ang sarap pakinggan choss.
B O Y F R I E N D K O.   Well, syempre kinikilig kilig nanaman ako ene be!

Anyway, si Royal University ang sumagot sa lahat ng gastusin ko and reimbursed all of my expenses for my meds. Galing diba? So safe ang allowance ko bes lols. Ang tagal naming nakalabas kasi ang dami pang test na ginawa nila just to make sure na makakauwi kami ng safe and healthy.

Oh my Gosh!  1 week na pala ang nakalipas mula ng maging kami but still I can't believe everything. Pakiramdam ko naglalakbay ako sa pantasya ko.

Tinanggal na nga rin pala yung benda sa ulo ko and luckily wala namang fracture yung ulo kaya pwede na akong pumasok bukas and ganun din si Aaron. Thank God and he's already okay as well.

Pagpasok na pagpasok ko ng kwarto ko agad akong humilata sa kama ko. Namiss ko tuloy yung kama ko.

Ay oo nga pala sa bahay na nila Ralph uuwi ngayon si Aaron. Ano na kaya nangyari? Okay kaya siya doon?

Hanggang ngayon curious parin ako kung anong meron sa family nila at tila ba hindi sila okay sa isa't isa. Nahiya pa kasi magtanong pero malalaman ko din yun choss.

Binuksan ko na agad ang messenger ko and tadaah~ there's a message from him.

"Hey, nasa bahay na ako. Pahinga na muna ako. I love you *kiss emoji*"

Kyaaahhhh! Just a short message coming from him and kahit siya ganun ka sweet but for me Argh! Ang laki ng impact bes.

Dahil sa kilig nagpagulong gulong ako sa kama ko hanggang--

Blaaaag!

Bwisit! Nalaglag lang naman ako sa kama. Buti nalang hindi tumama yung ulo ko. Jusme kalalabas ko palang ng hospital noh!

"Sige. I love you too." halos mapunit naman ang pagmumukha ko sa laki ng ngiti ko habang tinatype ko yung reply ko.

Ganito pala yung feeling kapag may boyfriend ka. Nakakaexcite and argh! Sana ganito parin kami kahit sa panahong matagal na kami.

Well, thanks to Lorraine Jade nalang at kung hindi dahil sa kanya hindi ako ma-aadmit ng hospital at baka wala din kaming forever choss. Baka lang naman. Opps! Wag na kayong humirit pa baka kontrahin niyo lang ako at  ipangalandakan sa mukha ko na wala talagang forever. Say no to bitterness muna tayo bes. Wala pang twintitri.

Moving on...

Habang nakatitig ako sa picture namin ni Aaron nung mga panahong epic yung first kiss namin ay bigla nalang ako nakaramdam ng antok hanggang sa unti unti ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

*kringggg*

Napabalikwas ako ng kama dahil sa tunog ng alarm. Argh! Geez. I hurriedly grab my bath robe tsaka lumabas ng kwarto.

"Good morning." Masiglang bati ko sa kanila.

"Good morning." They both replied habang humihikab pa at tila ba inaantok pa sila. Well, I guess we're all okay here.

Excited ang lola niyo bes syempre magkikita kami ni Aaron mamaya nyar. I miss him tho. OA na ata ako choss.

After kong maligo kumain na din ako. Sino nagluluto sa amin dito? Syempre si Mj. And speaking of Mj, mukhang may magic na nagyari sa kanya at maaliwalas ang mukha niya ngayon. Inlababo din pala si beshi ko. I giggled.

CAPTIVATED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon