Alexandra's POV
"Isa kang sinungaling Eunice! " Pinanliitan ko sila ng mata habang hawak hawak ko sina Kled at Taliyah sa magkabilang kamay ko na halatang takot na din at kanina pa walang imik.
"Oh yes, I am." She chuckles. At nagawa pa niyang tumawa ha. "At dahil narinig mo na din naman lahat, wala na akong ibang choice ngayon." Anong sinasabi niya? May masama ata siyang binabalak.
"Alex...I missed you." ani naman ni Nik at may plano pang yakapin ako pero bago pa man siya makalapit sa akin ay naitulak ko na siya.
"Magsama sama kayong dalawa. Isang sinungaling at isang rapist! Akala mo ba hahayaan kong lokohin mo lang ng ganito si Aaron?" I said in high pitched voice.
"Oh really? Well, hahayaan ko din ba kayang sirain niyo ang kasal ko? Ano sa tingin niyo?" Sabi nito tsaka tumingin kay Nik na tila ba gets nila ang iniisip ng isa't isa.
Akamang aalis na kami ng bigla silang humarang sa dadaanan namin.
"Anong binabalak niyo? Padaanin mo kami!" Pasigaw kong sabi. Glass yung pinto ng kwartong 'to kaya malamang kahit anong sigaw ko ay walang makakarinig sa akin mula sa labas.
"Mommy...are we in trouble?" Mahinang sabi ni Kled.
"Oh yes baby." Pananakot naman ni Eunice.
"Daddy Nik, please help us." Pahikbing sabi naman ni Taliyah.
Ngunit tila ba tuluyan ng nawala ang Nik na kilala namin at ang tinatawag na Daddy Nik ng mga anak ko. Ang Nik na kaharap namin ngayon ay tila nasaniban ng isang demonyo.
"I'm sorry baby but I can't. Alam mo kung bakit? Dahil sa mommy mo. Sisihin niyo siya because she made me like this." Sabi nito habang nakangiti at nanlilisik ang mga mata at pinisil pa niya ang pisngi ng anak ko dahilan para umiyak si Taliyah.
"Walang hiya ka Nik!" Isang malakas na sampal ang natanggap ni Nik mula sa akin.
"You're so sweet baby." He said while still grinning evilly.
Bigla niya akong hinawakan sa leeg hanggang sa unti unti itong humihigpit. Nagpupumiglas ako pero muli, malakas siya at hindi ko kaya. Sapilitan niyang inangkin muli ang mga labi ko habang hawak hawak niya parin ako sa leeg.
"You're so bad Daddy Nik!" Hiyaw ni Kled tsaka kinagat nito si Nik kamay dahilan para mabitawan niya ako. We're about to escape pero biglang hinatak ni Eunice ang mahaba kong buhok.
This time, takot na takot na yung mga anak ko. Todo iyak na sila habang sinasabi ang salitang 'mommy'. They're trying to beg some help pero wala namang nakakarinig sa amin dito.
"Subukan mong kalabanin ako, makikita mo kung anong mangyayari sa mga anak mo." Banta niya akin.
"Please wag sila. Wag mo silang saktan." Pakiusap ko naman. Saktan na nila ako kung gusto nila basta wag lang yung dalawa.
~*~Nakatali ang aming mga kamay habang may nakaplaster na duct tape sa bibig namin. Kasama na din namin si manang. Kumbaga apat na kaming bihag dito sa loob ng kwarto. Ano bang laban naman sa may baril? Oo may baril si Nik kaya hindi na ako lumaban pa at baka masaktan yung mga anak ko.
"So, ikaw na bahala sa kanila Nik." Narinig kong sabi ni Eunice. "At ikaw." Sabay turo sakin. "Yan ang napapala mo sa pagiging pakialamera mo. Paalam Alex at inaantay na ako ng pinakamamahal mong si Aaron." She said tsaka ako nginitian na para bang pinapamukha niya sa akin na panalo siya.
Umalis na si Eunice at si Nik na lamang ang naiwan na hawak hawak parin ang baril nito. Ang dating maamong mukha ni Nik ay ngayon ay isa ng mukhang criminal.
So hanggang kelan nila kami ikukulong para lang wag makarating kay Aaron ang katotohanan?
Tinitigan ako ni Nik. Pinanlisikan ko lang siya ng mata.
"Alam mo Alex... hindi na tayo aabot pa sana sa ganito kung noong una pa lamang ay tinanggap mo na ang alok kong kasal sa'yo." He said habang naglalakad palapit sa akin.
Hinaplos niya ang mukha pero umiwas ako.
"Ahhhh!" Napahiyaw ako dahil bigla niyang tinanggal yung duct tape sa bibig ko. Shit! Akala ko mapupunit na bibig ko dun.
Napatingin ako sa mga anak ko. Takot na takot sila at luhaan. Awang awa sa kanila.
"Please Nik, pakawalan mo na kami dito. Hindi kaba naaawa sa mga anak ko?" marahan kong sabi at baka mauto ko siya.
Ibinaling niya ang tingin niya sa dalawa.
"Bakit ako maaawa? Eh hindi ko naman sila anak. Anak sila ng mortal kong karibal. Yung tatay nila ang dahilan kong bakit hindi mo ako matanggap tanggap jan sa puso mo." He said while playing with my hair.
"You mean, hindi mo sila minahal ever since?" So itong kaharap ko ngayon, ito ang totoong Nik at hindi yung nakilala ko.
"Never. I tried but I can't. I used them instead. Pinalabas kong anak ko sila at asawa kita sa mata ni Aaron. And of course with the help of Eunice." He confessed.
"So everything was just a set-up? Ganun kayo sa ka-desperate?" Halos hindi ko makapaniwalang tanong.
"Oh well, I think so." He smiled evilly again.
He was about to kiss me again pero dinuraan ko siya sa mukha na siyang lalong gumalit sa kanya.
"Do it again at pasasabugin ko ang ulo ng mga anak mo." galit na sabi nito tsaka tinutukan ng baril si Kled.
"NO NIK! PLEASE!" Hiyaw ko naman.
Alex...you have to think. Wag ka dapat magpadalos dalos. Pigilan mo ang sarili mo para hindi masaktan ang mga anak mo.
"Okay fine...papayag na ako sa gusto mo. I'll marry you. Wag mo lang sasaktan sina Kled at Taliyah. Please Nik..." I said habang tumutulo na ang mga luha ko.
"Totoo ba yan?" He asked while putting down his gun.
"Yes, I'm serious. Kung gusto mo...lumayo na tayo dito. Whatever you want." I started to act now like I'm a pro actress. This is the best way to escape from this hella situation.
Tuluyan niya ng binitawan ang baril niya tsaka ako hinalikan. Tinugo ko ang halik niya as if ginusto ko din iyon.
"Uhm Nik, wag dito. Nakikita tayo ng kambal." Kunwaring pag iinarte ko kahit hindi naman talaga kami nakikitang nahahalikan at nasa likod ko sila and their facing the other side of the room.
"Okay..." he replied then started to untied my hands. Pasimple akong sumalyap sa baril niya. I continue kissing him para hindi niya mapansin ang paggapang ng kamay ko.
"Lumayo ka sa akin!" I shouted out ng mahawakan ko yung baril niya at tinutok mismo sa ulo niya.
He raised his hands. Pinaatras ko siya at sumunod naman siya.
I started to untied manang first para siya na ang magkalag ng tali sa kambal at baka maagawa pa ako ng baril.
"Mommy... let's go out here." Takot na takot na sabi ng dalawa. Ramdam kong nanginginig ang buong katawan nila kaya tinabayan ko talaga ang loob ko.
Dahan dahan kaming naglakad papunta sa pinto ng biglang naramdaman ko nalang ang kamay niya na nakikipag agawan sa hawak kong baril.
Kahit mas malakas siya ay hindi naman ako nagpatinag. Makikipagpatayan ako sa kanya kung kinakailangan.
"Mommyy!" Hiyaw ng mga bata.
"Manang umalis na kayo dito. Tumakbo na kayo sa labas at humingi kayo ng tulong!!" I shouted out at sinununod naman ni manang 'yon.
*BANG!*
Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong kwarto kasabay ang pagtalsik ng dugo sa kulay puti kong damit.
A/N: Geez! Sino kaya ang nabaril? 0.0
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED (COMPLETED)
Teen FictionCrush is paghanga, iyon ang sabi nila. Oo, nagsisimula ang lahat sa paghanga hanggang sa lumalalim. Paano kapag malalim na? Crush pa rin ba ang tawag doon? There's a girl who have a huge crush with her schoolmate. Well, it's normal. I mean-90% of a...