CAPTIVATED: FORTY-ONE

2.1K 81 1
                                    

Alexandra's POV

"Pa--paano si Eunice?" I asked. Ayoko ng umasa sa wala. Tanggap ko ng ikakasal na siya.

Mahal na mahal ko pa din naman siya pero may masasaktan kaming tao.

Bago pa man makapagsalita si Aaron ay isang malakas na palakpak ang narinig namin mula sa likuran habang papalapit sa amin.

"Wow... what a lovely scene. Muntik na akong umiyak dun ah." She said sarcastically. "Hi kids." Bati niya naman sa mga anak ko na siyang nagtakbuhan naman palapit sa amin at tila takot na takot. Halatang ayaw ng mga bata sa kanya.

"Eunice what are you doing here?" Sabi naman ni Aaron.

"So, I have a surprise for you guys." Ani nito tsaka hinila si Aaron at pinulupot ang kamay niya sa braso nito. "Gusto kong ipaalam sa inyo, lalo na sayo." Turo niya sa akin. "Na...invited kayo sa kasal ko. I mean kasal namin next week. Yeah, you heard it right. NEXT WEEK. Seven days from now." Mataray niyang tugon.

"Anong ginagawa mo Eunice?" Inalis ni Aaron ang kamay ni Eunice sa braso nito ngunit may lahing linta ata ang babaeng 'to kaya panay kapit padin.

"Mommy ano po ibig sabihin niya? Daddy A will be getting married?" Pabulong namang tanong sakin ni Taliyah.

"Yeah darling. Your Daddy and I will be getting married. So I'll be your stepmother." Sagot nito sa tanong ng anak ko na dapat ay ako ang sumagot.  "And one more thing, magkakaroon na kayo ng kapatid." Mariin nitong sabi habang diretso ang tingin sa akin na tila ba may pinapamukha siya sa akin.

"Buntis ka?" I uttered.

"Yes my dear Alex." She said habang suot suot ang peke niyang mga ngiti. "Are you not going to congratulate me? I mean us?" Napakagat nalang ako sa lower lip ko habang pinipigalan ang nagbabadya nanamang mga luha.

"Well, congrats to... the two of you. Congrats for the wedding and for-- the baby. Excuse us. " Mapait ko silang nginitian tsaka umalis na sa harapan nila at baka malate na sa school ang mga anak ko.

"Ako na ang maghahatid sa kanila." Pigil sa akin ni Aaron.

"Uhm, well okay. Ingatan mo sila." Sabi ko na ayoko ng umasa eh. Kaya nasasaktan nanaman ako ngayon. And worst, ang sakit pala malamang magkakaroon ng kapatid ang mga anak ko sa ibang babae. Na magkaroon ng anak si Aaron sa ibang babae. Alam mo yun? Gusto ko siyang ipagdamot sa ibang babae. Gusto ko sa akin lang siya. Sa amin lang siya ng mga anak ko. Pero hindi naman pwede yun. Wala naman akong karapatang gawin yun.

"Bye mommy I love you." As usual hinalikan nila ako makabilaang pisngi tsaka sumakay na sa kotse ng tatay nila. At kasama pa yung bruhang 'yon. Andun naman yung Daddy nila kaya kampante ako na hindi sila masasaktan nito.

Papasok na din ako sa trabaho. Tama na ang pag-iyak Alex. Nakakasawa na. Ang pangit mo na, baka hindi kana magka-lovelife. Pilit kong pinapangiti ang sarili hanggang sa makarating ako sa office.

Pagpasok na pagpasok ko sa opisina, inayos ko na agad ang sarili ko para makapagfocus ako sa trabaho.

"Alex..." isang familiar na boses ang tumawag sa pangalan ko sa likuran ko. Sa isang iglap tila bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko.

Hindi ko siya nilingon. Ayokong makita ang pagmumukha niya at ayoko ng maalala pa ang kahayupang ginawa niya.

"Alex I'm so sorry. I was drunk that night at hindi ko alam ang ginagawa ko. I didn't mean everything." Sabi niya na tila ba umiiyak ito.

Dahan dahan ko siyang nilingon. And there, I saw him begging for my forgiveness habang nakaluhod ngayon sa harapan ko.

"Ang kapal naman ng mukha mo na magpakita sa akin. Minahal ka ng mga anak ko, pero anong ginawa mo ha?!" I almost yelled inside my office. Kakaayos ko lang sa sarili ko, kakapunas ko lang ng mga luha at eto nanaman ako. Namasa nanaman ang mga mata ko. Galit na galit ako kay Nik. Gusto ko siyang hampasin, suntukin, gusto kong ibato sa kanya lahat ng sakit na naramdaman ko. Pero bakit hindi ko parin magawa?

"Kung talagang nagsisisi ka. Sumuko ka sa mga pulis at doon mo pagbayaran ang ginawa mo." I said na pilit pinapakalma ang sarili ko.

Dinampot ko yung telephone na malapit sa akin tsaka tumawag ng guard. Pero bago pa man sila makarating sa office ko ay mabilis na nakatakas nanaman si Nik.

Napabuntong hininga ako ng makaalis siya. Ang lapit ng loob ko sa kanya noon, ngayon ay kabaliktaran na.

Eunice's POV

Bilang stepmom ng mga asungot na bata, sinamahan ko na si Aaron na ihatid yung mga bata sa school. Ramdam kong ayaw nila sa akin. Pwes! Mas ayoko sa kanila. Lalo na sa nanay nila!

Kung hindi siguro ako dumating kanina aba'y malamang baka nagkabalikan na yung dalawa.

Hanggang ngayon, si Alex parin talaga ang mahal ni Aaron. Pero siguro naman pagkasal at may sarili na kaming pamilya ay matutunan din akong mahalin ni Aaron.

"Bye kids." Kaway ko sa kanila pero hindi nila ako pinansin knowing na may masama kaming nakaraan. Inirapan ko nalang sila.

Pagpasok ko sa kotse ay tumunog nanaman yung phone ko. Shit! It was him again. Hindi ko na sinagot yung tawag at baka makaramdam pa si Aaron na may tinatago ako sa kanya.

Nakatanggap ako ng message galing kay Nik. Isang familiar na address.

Pagkahatid sa akin ni Aaron ay inantay ko lang na umalis siya tsaka nagbihis at nagtungo sa address na binigay sa akin ni Nik.

Sa town house ng family nila ako napadpad.

"Ang tagal mo." He blurted.

"Gago ka pala eh! Bakit mo ba ako dinadamay?" Bungad ko sa kanya.

"Dala mo ba yung pera? Galit sa akin si Dad at naka-freeze lahat ng account ko." Sabi niya habang panay buga ng usok ng yosi sa mukha ko.

"Kung hindi lang kita kadugo Nik baka ako pa mismo ang nagpakulong sa'yo! Oh ayan!" Sabay lapag ko sa table ng perang hinihingi niya.

"Alam mo, yung bunganga mo kasi yung problema ko eh. Ang hilig mong mangsulsol sa akin pero puro palpak naman!" Paninisi niya sa akin.

"Kasalanan ko ba yun ha? Tanga ka! Sige aalis  na ako. Bahala kana jan! Wag mo na ako guluhin." Tinalikuran ko na siya tsaka nagdrive papuntang bar. Gusto ko lang uminom pero wala akong balak maglasing dahil ang alam nga nila ay buntis ako diba?









A/N: Malapit na ang pagtatapos ng storyang ito kaya kapit lang kayo guys :)

CAPTIVATED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon