CAPTIVATED: TWELVE

3K 107 0
                                    

Alexandra's POV

I saw them entering into restaurant kung saan ako dinala ni Aaron last week. What? Bakit sila sabay kakain? Are they dating? Oh no!

"Shhh!" harap ko kay Ralph. "Kailangan natin sundan yung dalawang yun and wag ka magpahalata okay? So shut your mouth." warning ko sa kanya habang nakaturo ako kay Aaron at Lj na nasa loob na ng restaurant.

"Okay." He nodded.

So yun pumasok na din kami sa loob ng restaurant and making sure na hindi nila nahalatang andito kami and nasa likod lang nila ang table namin.

Parang may pinaguusapan sila at panay tawanan sila. Hindi ko marinig kung ano yun pero nakakainis at nakakataas ng blood pressure. Hmp! Kailangan ko na ata tumawag ng medic dito!

"Uy! Alexa. Bakit mo nilukot yun menu nila?" Kalabit ni Ralph sa akin.

Shocks! Sa sobrang sama ng loob ko pati menu pa tuloy nila nadamay.

"Eh kase eh!" I crossed my arms habang umuusok na ang ilong ko sa galit. Syempre keme lang yung umuusok. Pero malapit na din.

Hinawakan naman ni Ralph yung kamay ko. "Kalma ka lang." Sabi niya habang kinikindatan pa ako. "Ano gusto mo kainin?" Dugtong pa niya.

"Kahit ano. Order mo ako ng maraming foods naistress ako!" I demanded.

Alam ni Ralph lahat ng favorite food ko kaya siya na bahala.

Habang kumakain sila at ganun din kami may pinag uusapan silang hindi ko marinig rinig kaya naman inusog ko pa yung upuan ko closer to them. Kumbaga ngayon kaharap ko si Ralph and nasa likod ko si Aaron and kaharap din niya si Lj.

"Matagal tagal na din pala tayong hindi lumalabas." sabi ni Ralph sa akin while nasa plate yung tingin niya.

Nabaling naman ang attention ko sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Uhm yeah. The last time was we're still in Junior high school right?" Patanong ko namang sabi ko sa kanya. Well, I miss those days. Parang narefresh tuloy yung Junior high school memories ko way back nung mga panahong kasama ko tong mokong na to na minsan ko na ring...minahal? Whatever! Wala pa kasi si beshi sa Manila nun e. Sa cavite siya nag-aral ng highschool kaya hindi niya nawitness yun.

Anyway tapos na yun. And wala an akong issue doon.

"Yeah...and gusto ko sanang ibalik yun." Biglang seryoso niyang sabi. Huh? What does it mean?

Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain. "What do you mean?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"I wanted to court you again..." seryosong sabi niya habang nakatitig siya sa mga mata ko.

Natulala ako for a minute sinabi niya.
I don't know what to say.

He's one of my best buddy in Junior High School. Until he courted me...we dated but hindi naging kami that time dahil masyado pa akong bata and so we moved on. Nagkaroon siya ng maraming karelasyon and so on, but still our friendship remains.

Para akong bumalik sa nakaraan. Pero... may mahal na akong iba eh.

"Pero...alam mo naman kung sino ang gusto ko diba?" malungkot na sabi ko sa kanya.

"Hindi kita susukuan. Kung minahal mo ako noon magagawa mo rin akong mahalin ulit ngayon at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para ako ang piliin mo."

Hindi na ako nakasagot pa sa sinabi niya.
Napalingon ako sa likod. Whut? O.O wala na sila Aaron? San na sila napunta? Tapos naba agad silang kumain? Nagpalinga linga ako sa paligid pero hindi ko na sila namataan.

CAPTIVATED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon