Alexandra's POV
*kringgg*
Argh! I'm still sleepy. Gosh! Kinapa ko mula sa bed side table ko yung alarm clock para patahimikin.
Bat nga ba ako nag aalarm eh mamaya pang hapon yung klase ko ugh!
Nagtalukbong ako ng kumot tsaka ipinapatuloy ang naudlot kong panaginip kasama si Aaron.
*ding dong*
*ding dong*
Argh! Bwiset naman yung doorbell na yan! Sino ba kasi yan ang aga aga -.-
"Oh hi Aaron." dinig kong sabi ni Lj mula sa labas ng kwarto.
O.O
Agad akong napabalikwas ng kama. Tama ba narinig ko? Si Aaron ko nandito? O.O
Agad na akong tumayo ng kama and lumabas ng kwarto ko. And boom! Totoo nga andito siya! Nakaupo lang siya sa sofa. Ako ba pinunta niya dito? Omg! Ang sweet naman.
"Hi Aaron." Kaway ko sa kanya with matching pacute pa.
Napatingin siya saglit sa akin then ibinik the sa phone yung tingin niya. He was so busy at his phone tsk! Hindi man lang siya naggood morning sa akin hmp!
Buti pa nung nasa laguna kami ang sweet sweet niya sa akin. Pero ngayon, nakilala niya lang si Lj ganyan na siya.
"Good morning..." parang bahagyang tumalon ang puso ko ng marinig ko siyang nagsalita.
At dahil makapal ang mukha ko tumabi ako ng upo sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya habang sinisilip ang ginagawa niya sa phone. Naglalaro lang naman siya ng word scape!
"May lakad lang kami ni Lj." He answered habang nasa phone padin ang tingin. Argh! AGAIN! ano bang meron sa kanila?
"Saan?" Tanong ko ulit.
"Somewhere." He replied briefly.
"Ahh..." tumango nalang ako at baka lapain pa ako ng lalaking to kung tatanungin ko pa siya dahil siguradong maiinis na siya.
"Why? Are you jealous?" Nilapag niya na ang phone niya sa table tsaka tumingin sa akin na parang nang aasar nanaman.
"Why would I?" kunwari ko naman.
"Really? Hindi ka nagseselos?" Sabi niya habang dahan dahan niyang nilalapit ang katawan niya sa akin dahilan para mapahiga ako sa sofa.
Parang nangyari na tong scene na'to ah? Biglang nagflashback sa isipan ko yung mga panahong nasa gantong position din ako at pinagtripan niya akong halikan pero hindi niya tinuloy. Yung mga panahong asado ako sa halik niya choss!
"Namiss kita..." biglang sumeryoso ang boses niya. Shocks! Did I heard it correctly? Gosh! Bigla nanaman akong nakaramdam ng init sa mukha ko. I'm blushing. "Maligo kana...ang pangit mo. May bakat kapa ng unan sa mukha mo."bulong niya naman sa akin.
Shit! Oo nga pala nuh? Hindi pa ako nakapagsuklay at toothbrush eww!
"Ehem!" Pareho kaming napalingon sa direction ni Lj tsaka umayos ng upo.
"Sa labas nalang ako mag aantay." Aaron said tsaka tumayo na at naglakad palabas.
Tinitigan ko si Lj ng masama and ganun din siya sa akin.
Tumayo na ako para magtungo sa cr ng biglang hawakan niya ako sa braso.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya. "Bitawan mo nga ako." Inalis ko yung kamay niya sa pagkahawak sa braso ko.
"Anong meron sa inyo ni Aaron?" tanong niya sa akin habang tinataasan niya ako ng kilay.
"MU kami. Bakit? Affected ka?" Mataray kong sagot ko sa kanya kahit sa totoo lang hindi ko naman talaga alam kung anong meron sa amin ni Aaron. "Eh kayo? Ano bang meron sa inyo?" Tanong ko din sa kanya.
"We're...dating." she paused. She's lying and it makes me wow~ I chuckled sarcastically.
"Are you mocking me?" bakas sa mukha niya ang pagkainis.
"Oh really? So desperate!" napailing nalang ako habang tinatalikuran siya. Until now ganun parin pala ugali niya. So disgusting! Ilang araw palang siya dito and now tadaah~! Her true color showed up.
"Wag mo nga akong tinatalikuran. Kinakausap pa kita." Hinawakan niya ulit ako sa braso kaya napaharap ako ulit sa pangit niyang pagmumukha.
"Wag mo nga akong hahawakan sabi." Inalis ko ang kamay niya sa braso ko pero nagmatigas siya kaya sa hindi sinasadyang pangyayari ay naitulak ko siya at tumama ang bewang niya sa edge ng furniture dahilan para masugatan siya. Oh my Gosh! I didn't mean it.
"So--sorry. Hindi ko sinasadya." Paghingi ko ng paumanhin sa kanya. Hindi siya umimik habang malalim parin ang titig niya sakin.
"Sumusobra ka na!!" Agad siyang tumayo tsaka hinila ang mahaba kung buhok at doon na kami nagsimulang magsabunutan.
Nagigil na talaga ako sa babaeng to! How dare!
"TUMIGIL NA KAYO!" Pareho kaming natigilan ni Lorraine (Lj) dahil sa lakas na bulyaw sa amin ni Mj. Agad niya kaming pinaghiwalay na parang mga batang nag aagawan sa isang laruan.
"Ano ba nangyayari sa inyo?" Tanong niya sa amin na halatang kalalabas lang ng banyo at hindi pa nakapagbihis.
"Yang babaeng yan kasi ate!" Turo niya sa akin. "Bigla niya nalang ako tinulak dahil nagseselos siya sa amin ni Aaron! Look! Nasugatan ba ako dahil sa kanya." Pinakita niya kay Mj yung sugat niya.
"Hindi kita tinulak okay? It was an accident! Ayaw mo kasi akong bitawan!" I crossed my arms. Nagkatinginan kami sa mata ni beshi. Parang hindi siya naniniwala sa akin.
"Sige. Tama na. Tumigil na kayo." Matamlay niyang sabi. "Halika na dito Lorraine gagamutin ko sugat mo." she said then hinila niya kapatid niya sa kwarto.
I don't know, wala akong kasalanan but I feel so bad. Bestfriend niya ako diba? Bakit parang hindi siya naniniwala sa akin? Kung sabagay, BLOOD IS THICKER THAN WATER nga daw diba? pero ang sakit lang.
Bumalik ako sa pagkaupo sa sofa habang iniisip kung anong dapat kong gawin para paniwalaan ako ni beshi. Hays.
Akmang kukunin ko na ang remote ng tv ng biglang mapansin ko yung phone ni Aaron na nakapatong sa table. Shocks! Naiwan niya.
Agad akong tumakbo palabas at hinanap si Aarron sa may baba.
Habang papalapit ako sa kanya lumalakas ang kalabog ng puso ko. Ano ba yan!
"Phone mo, naiwan." Sabay abot ko sa kanya ng phone. Bigla namang nanlaki ang mata niya tsaka agad na kinuha yung phone na tila nataranta siya na baka may makita ako sa phone niya. Hmm...nacurious naman ako.
"Sige pasok na ako." Matamlay na sabi ko sa kanya. Naaalala ko parin kasi yung nangyari.
Nakatalikod na ako sa kanya nang bigla niya akong hilahin tsaka pinaharap sa kanya. Shocks sobrang lapit namin sa isa't isa.
"Bakit malungkot ka?" Tanong niya sa akin.
Napansin niya pala.
"Uhm...wala to---"
Hindi ko na natapos ang sasabihin niya ng maramdaman ko ang init ng mga labi niya sa pisngi ko. Omg!
"Amoy laway kapa..." bulong niya sa tenga ko tsaka humagihik ng tawa.
Gosh! Bigla naman akong namula sa sinabi niya. Aside from kinilig ako dun sa ginawa niya ay hiyang hiya ako.
Pasimpleng inamoy ko ang sarili ko habang naglakad pabalik ng condo.
"Hindi naman ah! Slight lang choss." Nasabi ko nalang sa sarili ko tsaka nakangiting tagumpay na pumasok na sa loob.
"Omg! Hinalikan niya ako ulittttt" I giggled as I closed the door. But opps!
O.O
Agad akong umayos ng makita ko silang dalawa na parang ewan nakatingin sa akin. Uh-oh~
A/N: What will be the next thing happen? Masusubok ba kayang friendship nina Mj at Alexa dahil kay Lj?
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED (COMPLETED)
Teen FictionCrush is paghanga, iyon ang sabi nila. Oo, nagsisimula ang lahat sa paghanga hanggang sa lumalalim. Paano kapag malalim na? Crush pa rin ba ang tawag doon? There's a girl who have a huge crush with her schoolmate. Well, it's normal. I mean-90% of a...