CAPTIVATED: SE7EN

3.5K 122 3
                                    

Aaron's POV

I drove my car as fast as I can. Hindi ko alam kung san ako pupunta. Basta, ayoko muna sa bahay. Nagsearch ako ng malapit na bar na pwede kung puntahan tsaka ako nag u-turn at sinundan yung location nung sa bar sa navigation.

Alexandra's POV

Pagpasok na pagpasok ko palang sa bar na nahagilap ng navigation ko. Ramdam na ramdam ko na agad yung intense ng mga tugtugan na siya namang nagpaindak sakin.

"Whoo! Party! Party!" I yelled habang umiindak at nag eenjoy sa music.

Yolo to bes. Minsan lang to kaya sulitin lel.

"Whooo!" Sigaw naman ng mga tao sa paligid ko. Grabe ang saya dito kahit nakakabingi yung ingay.

"One lady's drink please." Sabay sensyas ko sa bartender baka hindi niya kasi ako narinig tsaka ako umupo.

Sshh nalang kayo na underage pa ako baka palayasin ako dito hahaha.

Habang nag aantay kinapa ko yung phone ko sa bulsa ko pero wala kaya hinanap ko ito sa bag ko and unfortunately wala din then bigla kong naalala na hinagis ko pala yun sa kama ko at nakalimutan ko kunin. Aish! Nakakainis naman.

"Hi miss." Bati ng isang lalaki sakin tsaka tumabi siya sakin sa pagkaupo.

"You want some?" Alok niya sakin ng alak na hawak niya na hindi ko maintindihan kung anong klaseng alak yun.

"No thanks." I refuse at saktong binigay ni kuyang bartender yun order ko. Nagsip lang ako unti since madali kasi akong malasing kaya hindi pwede sakin ang mga hard liquor. Wine at beer lang pwede sa katawan ko.

Habang nag eenjoy, biglang nasagip ng mata ko ang isang familiar na mukha. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Shit! Si Aaron! Ba't andito siya? Hindi niya ako pwedeng makita. Nasa isang linya lang kami. Nakaupo lang siya habang umiinom ng alak. Omg bakit siya umiinom? Pera teka! Ang daming haliparot ang lumalapit sa kanya pero deadma lang sa kanya. Hmp! Mga pangit nato uunahan pa ako sa Aaron ko. Buti nalang in born na sa kanya yung pagiging snobber. Ay oo nga pala, hindi niya ako pwedeng makita dito baka maturn off siya sakin.

Akmang aalis na sana ako ng biglang hawakan ni kuyang nag hi sakin yung kamay ko.

"Hey! Bitawan mo ako!" sinubukan kong kumawala sa kanya pero malakas siya. Instead na lumayo ay lalo pa siyang lumapit sakit at niyapos ako sa bewang. He then touches my right leg.

"Bastos ka ah!" sinampal ko tsaka tinulak pero ayaw niya parin bitawan yung kamay ko.

"Baby...saglit lang to. Masyado ka namang pahard to get." He said.

Napatingin ako sa direction kong saan nakapwesto kanina si Aaron pero wala na siya dun.

Naiiyak na ako dito. Bakit walang may pake sakin dito? Binabastos na ako oh.

"BITAWAN MO SABI AKO! ANG PANGET PANGET MO!" I shouted out habang nagpupumiglas pero hindi ako makawala at the same time hindi ako marinig ng ibang tao sa paligid dahil sa ingay.

SUPERMAN HELPPP MEEE! Napapikit nalang ako sa takot.

*PAAKK*

Tumambad nalang sa harap ko ang duguang si manyak na nakahandusay sa sahig.

"Let's go!" he said then hold my hand at kinaladkad ako palabas ng bar.

Malayo na kami sa bar pero tuloy parin ang pagkaladkad niya sakin. Yung kotse ko bes. Ipapahatid ko nalang siguro yun sa crew ng bar.

"Teka sandali! Ang sakit na ng paa ko. San ba tayo pupunta?" Awat ko sa kanya at huminto naman siya tsaka niya ako hinarap.

"WHAT THE HECK ARE YOU DOING HERE?" bulyaw niya sakin at halatang galit na galit.
"WHAT IF WALA AKO DITO? WHAT IF MAY NANGYARI SAYO? AT TIGNAN MO NGA YANG SUOT MO! ANO BA YAN HA?" Sa lakas nag boses niya hindi na ako nakasagot at natameme nalang. Napayoko at unti unting tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam bakit ako umiiyak. Para akong batang gusgusin na pinapagalitan ng tatay niya.

CAPTIVATED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon