Aaron's POV
Pilit kong ikikubli yung mga ngiting gustong kumawala sa mga labi ko while I'm driving.
Napatingin ako sa katabi ko. Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala siya hindi umiimik at nakasimangot na.
"What's that face?" Tanong ko dito.
"Why won't you ask yourself? May pa Daddy Daddy A kapa kasing nalalaman jan!" Mataray nitong sabi.
Uh-oh~ I think she's jealous.
"It was just a coincidence babe. Kaya tama na okay?" Sabi ko habang napapakunot noo nalang.
"Oh really? Coincidence huh? Kaya nga mukha kayong happy family kanina eh. At alam mo naman sigurong ayoko sa babaeng yun diba? And even those bastard kids are look like you." Bigla kong naapakan yung break dahil sa narinig ko.
"Anong sinabi mo? Did you just call them 'bastard'?" This time napikon na ako sa sinabi nito.
"Yeah, I really hate those kids dahil mga anak mo sila." She muttered.
"Anong sinabi mo?" Tama ba yung narinig ko?
"I mean... uhm--I hate them. That's it." Pag ulit nito. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang yung narinig ko or ewan.
"Bakit kaba galit sa kanila? What they have done to you?" It sounds like na parang pinagtatanggol ko sila pero hindi. Hindi naman kasi ganito si Eunice sa ibang tao. Hindi kasi ganito yung Eunice na nakilala ko.
"Galit ako sa babaeng yun dahil malandi siya! And--and dahil ex mo siya!" She replied.
I'm not surprised kung alam niya na. Pero naiinis talaga ako sa pinagsasabi nito.
"Bumaba kana." Sabi ko dito.
"What?" She blurted.
"Nandito na tayo." I said tsaka siya napasilip sa labas ng bintana.
Inirapan niya lang ako tsaka bumaba ng kotse. Tulog na Ashley kaya binuhat ko nalang at pinasok sa kwarto nito. Lumabas na din ako pagkatapos.
Alexandra's POV
Napangiti ako habang nakatitig sa picture na kuha namin kanina sa school. Binigyan kasi kami ng hard copy ng teacher nina Kled at Taliyah.
Picture kung saan buo kami. Kung saan kasama namin ang Daddy nila. Ang tunay nilang Daddy.
"Uyy si mommy kinikilig kay Daddy A." Biglang asar ni Kled sa akin.
"Pilyong bata." Sabi ko naman tsaka ginulo ang buhok nito.
"Sana siya na nga ang Daddy namin Mommy." Ani naman ni Taliyah habang naghihikab at tila inaantok na.
"Opps. Wag kana muna matuloy baby ha. Maliligo pa kayo at ang dungis niyo na." Sabi ko naman sa dalawa.
"Yes mommy." Tugon nila.
"Good." Sabi ko naman tsaka isinilid narin sa bag ko yung picture.
Teka nga pala...
Mukhang kanina pa tahimik si Nik ah. Siya kasi nagdadrive ngayon at nasa likod kami.
"Kita nalang tayo bukas sa office." Cold nitong sabi sa akin tsaka tumalikod na pagkahatid sa amin.
"O-okay." Nasabi ko nalang kahit nakatalikod na siya at naglalakad na palabas ng gate.
"Bath time na!" Sabi ko sa dalawa. At tuwang tuwa naman ang mga 'to kahit at tila ba hindi parin nauubusan ng energy kahit pa halos buong araw na ang laro nila. Malamang bagsak tong dalawang 'to mamaya.
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED (COMPLETED)
Teen FictionCrush is paghanga, iyon ang sabi nila. Oo, nagsisimula ang lahat sa paghanga hanggang sa lumalalim. Paano kapag malalim na? Crush pa rin ba ang tawag doon? There's a girl who have a huge crush with her schoolmate. Well, it's normal. I mean-90% of a...