Alexandra's POV
*Gulp*
Habang papalapit siya sa amin parang pakiramdam ko pinagpawisan yung mga palad ko ng wala sa oras. Yung lalamunan ko tuyong tuyo na ata sa kakalunok ko ng laway ko.
Eto naba yung oras? Sasabihin ko naba? Hindi ko naman maikakaila sa kanya yun at namana ng mga bata ang wangis niya. Shit! Hindi ako makapag isip.
"Your kids?" Ani nito na siyang gumulat naman sa akin. Shocks! Nasa harapan ko na pala siya.
"Yeah..." pinilit kong ikubli ang kaba na naramdaman ko at pilit na ngumiti.
"Mommy do you know each other?" Tanong naman sa akin ni Kled.
"Uhm yeah baby." Tugon ko naman.
"Is he our Daddy?" Tanong naman ni Taliyah na lalong nagpanginig naman sa buong katawan ko. Jusme! parang gusto kong mangisay voluntarily sa gitna.
"Uhm---" sasagot na sana ako ng biglang may nagsalita mula sa likuran ko.
"Hey kids. Let's go. Magsisimula na yung games." It was Nik. Phew~
"Alright Daddy Nik." Sagot naman nung dalawa. "Bye Daddy A." Pahabol pa nila tsaka kami tuluyang tumalikod.
Ano daw? Daddy A? Napailing nalang ako pabalik sa pwesto namin.
Aaron's POV
"Layuan mo ang mag ina ko pre." sabi nung lalaking tinatawag na 'Daddy Nik' ng mga bata tsaka niya ako tinapik sa balikat at tumalikod na din.
Mag ina?
Parang alam ko na ngayon ang sagot.
It happens just a while ago at paulit ulit kong naririnig yun sa isipan ko.
Mga salitang nagbura ng maraming tanong. Confirmed! Hindi ko sila anak. Pero bakit ganito? Parang nadisappoint pa ako dahil hindi ako yung tatay.
Enough with this shit Aaron! Hindi mo sila anak at may asawa na siya.
"Hi babe. What took you so long?" Bungad sakin ni Eunice tsaka ako hinalikan.
"May nakasalubong lang akong kakilala." Sagot ko naman.
"Hi kuya Aaron." Kaway sakin ni Ashley.
"Hello Ashley." Ganti ko naman.
Alexandra's POV
Halos mabunutan na ako ng tinik sa lalamunan ng makabalik kami sa pwestong kinauupuan ko kanina. Damn! Muntik na yun kung hindi dumating si Nik. Bakit nga ba ako natatakot? Hay naku Alexandra parang hindi kana nawalan ng problema sa buhay ah.
Balang araw masasabi ko din yung totoo. Wag na muna siguro ngayon. Hindi pa ako handa.
Teka asan naba si Nik?
So ayun bago nagsimula ang laro ay may muna sinuot kaming name tag. Masyadong mahaba ang Mommy Alexandra kaya Mommy A nalang nilagay ko. Kailangan daw kasi mommy chuchu or daddy chuchu yung nakalagay dun.
Unang laro ay ang tinatawag na 'bring me'.
"Okay kids, bring me...your mom and dad! Go!" Kaagad namang tumakbo sa direction namin yung kambal ko tsaka kami hinila ni Nik papunta sa gitna.
As usual mga bata, kaya mejo magulo ang atmosphere pero masaya.
Nasa gitna na kami ni Nik kasama yung kambal at yung iba pang parets with their kids as well.
Sa sobrang likot ng mga bata kaya napapaatras ako dahilan para may maapakan akong paa.
"Ouch!" Hiyaw nito.
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED (COMPLETED)
JugendliteraturCrush is paghanga, iyon ang sabi nila. Oo, nagsisimula ang lahat sa paghanga hanggang sa lumalalim. Paano kapag malalim na? Crush pa rin ba ang tawag doon? There's a girl who have a huge crush with her schoolmate. Well, it's normal. I mean-90% of a...