CAPTIVATED: FORTY-FIVE

2.2K 87 6
                                    

Eunice's POV

Hindi na siya dumidilat at hindi ko na rin maramdaman ang pulso niya. Pakiramdam ko gumuho ng tuluyan ang mundo ng makita ko siyang... patay na. Wala na siya, wala na yung taong mahal ko kaya ano pang gagawin ko dito sa mundo ito?

Nanginginig man ang buong katawan ko ay pinilit kong tumayo. Naglakad ako patungo sa kinatatayuan ni Nikko. He killed my man. He killed my everything.

Without even saying anything inagaw ko sa mga kamay niya ang baril na hawak niya at hindi na nagdalawang isip pa na iputok yun sa kanya.

*Bang!*

Napasigaw ang lahat dahil sa ginawa ko. Kadugo ko siya pero dahil sa ginawa niya tila naging bato ang puso ko.

Binaril ko siya ng harapan sa balikat. Hindi ko siya pinatay. Hindi ko pa siya tutuluyan dahil may mas tatapusin ako ngayon.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Alex na umiiyak parin habang nakaluhod sa harap ng nakabulagtang si Aaron.

"Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito!" Tinutok ko sa kanya ang baril. "Ikaw ang totoong pumatay sa kanya Alex! Kung hindi dahil sayo, sana buhay pa siya ngayon, sana kasama ko pa siya, sana kasal na kami. Ikaw ang puno't dulo ng lahat ng ito Alex kaya dapat ikaw nalang ang nawala! Sinira mo ang pangarap ko!!!" I screamed out.

"A-anong balak mong gawin? Ibaba mo yan!" She said na parang nagpapaawa pa sakin.

"Eunice anak, ibaba mo yan please..." pagmamakaawa naman ni mama sa akin.

"Manahimik kayo! Wala kayong alam dito!" Tugon ko naman.

"At ikaw Alex, ikaw ang dapat mawala at hindi siyaaaa!" I yelled tsaka ko pinaputok yung baril sa pangalawang pagkakataon.

Napapikit ako ng mata sa ginawa ko but the moment I open my eyes...

Pakiramdam ko panandaliang tumigil sa pagtibok ang puso ko. Napatakip ako ng bibig tsaka ko nabitawan ang baril na hawak ko.

Napatingin ako sa mga kamay ko, I just shoot an innocent. I-- I am killer. Napaluhod ako sa kulay puting buhangin na tila ngayon nabalutan ng kulay pulang dugo.

Napasabunot ako sa sarili ko kasabay ang paghagulhol ng iyak. I'm sorry...

Alexandra's POV

Napapikit nalang ako at inaantay nalang kung kelan tumama yung bala sa katawan ko.

"Mommy!!!" Napadilat ako ng mata ko ng bigla akong niyapos ni Taliyah.


*Bang!*

Saktong pagputok ng baril ang pagyapos sa akin ni Taliyah.

"Mom--my... I... love...y--" hindi pa man niya natapos ang sasabihin niya may lumabas na dugo sa bibig niya kasabay ng pagluwag ng kapit niya sa akin.

Ilang segundo akong natulala sa nangyari. Lupaypay ang aking mga balikat habang nakikita kong may mga taong lumapit sa amin at inakay si Taliyah at Aaron papasok ng ambulance habang ako ay nanatiling nakaluhod sa buhangin.

"Alexandra..." isang familiar na boses ang narinig ko na siyang tumapik sa akin.

"DADDY!" agad akong napatayo mula sa pagkaluhod tsaka yumakap dito at doon na ako humagulhol ng iyak.

"Daddy si Aaron at yung mga anak...Daddy I can't..." bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay tuluyan na akong nag-pass out.

Aaron's POV

Kulay puti at nakakasilaw na liwanag, yan ang tumambad sa paningin ko ng buksan ko ang aking mga mata.

Ilang segundo muna bago makapag adjust ang mata ko para makita ko kung ano ang nasa likod ng liwanag na iyon.

Nasa isang magandang harden ako ngayon.
Isang harden na puno ng butterflies and flowering trees.

Mula sa kinatatayuan ko ay may naaninag akong isang bata at isa babae na masayang naglalaro. I took a few steps para makalapit sa kanila ngunit natigilan ng makita ko malapitan at malinaw ang itsura nila.

"Mama? Taliyah?" I uttered. Ang weird...

"Aaron anak!" Masigasig na sabi ni mama tsaka ko sinalubong ng yakap nito.

"Mama, I miss you so much." Nasabi ko nalang at ilang taon ko na din siya hindi nakita at naramdaman ang ganitong yakap niya.

"Daddy A!" Bati naman sa akin ni Taliyah tsaka ako niyakap.

"Baby..." binuhat ko siya at hinarap kay mama.

"Nagmana siya sayo anak." Sabi naman ni mama tsaka kami nginitian ng matamis.

"Mama, nasaan ba kami?" I asked.

"Ano sa palagay mo anak?" Pagbalik ni mama sa tanong ko.

Sandali akong nag-isip kung ano ang huling nangyari sa amin at bakit kami napunta dito.

Mabilis na nagflashback sa akin lahat ng nangyari hanggang biglang naglaho ang magandang harden at napunta ako sa lugar kung saan may mga umiiyak at mga doctor.  Nasa hospital ako.

Karga ko parin si Taliyah. Naglakad ako palapit sa babaeng halos binulabog na ang buong hospital sa lakas ng iyak nito at tila gusto na magwala. Namilog ang mata ng makita ko kung sino ang babaeng yun...

Alexandra? Unti-unti ay naintindihan ko na ang lahat. Sinubukan ko siyang hawakan ngunit hindi ko magawa at tila ba isa akong hangin. Napatingin ako doon sa direction kung saan siya nakatingin.

Nakita ko ang sarili ko at si Taliyah na ni-rerevive ng mga doctor.

PATAY NABA KAMI? Parang sa puntong ito, ay naging malinaw na sa akin kung bakit kami nandito.

"Daddy A, we have to go now, inaantay na tayo ng liwanag." Ani ni Taliyah.

"A-anong liwanag?" Nagtataka kong tanong.

Kinuha siya ni mama mula sa akin at naglakad sila papunta sa nakakasilaw na liwanag habang magkahawak kamay.

"Sumama kana sa amin Anak." Ani ni mama tsaka nilahad ang mga kamay niya.

"Mama, ibalik mo sa akin ang anak ko. Hindi po kami pwedeng sumama sa inyo. Hindi kami pwedeng mawala." Sabi ko inaabot ko ang dalawang kamay ko. Hindi para sumama sa kanya kundi para kunin si Taliyah.

"Daddy A, tell them I love them so much. At wag na po kayong sad kasi hindi naman po ako mawawala. Lagi ko kayong babatanyan." She said while smiling at me.

"Baby what do you mean? Come here." I said habang nangingilid na ang mga luha ko hanggang sa unti unting naglaho ang nakakasilaw na liwanag kasabay nila.

"Mama...Taliyah! Come back here!" Napaluhod ako ng tuluyan na silang mawala sa paningin ko.

"I love you Daddy A..." animoy isang hangin ang bumulong sa akin. Napalingon ako ngunit wala naman akong nakita.




"Taliyah...my daughter please come back." I muttered.






A/N: T.T pasensya na kung napaiyak man kayo sa part na'to.

CAPTIVATED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon