Alexandra's POV
Lumalalim na ang gabi yet I can't even take a nap or kung pwede lang pigilan ang pag-blink kanina ko pa ginawa. Pano ako makakatulog sa ganitong situation? Nasa labas parin siya ng bahay namin and wala man lang akong magawa. Argh! Kanina pa ako nakadungaw dito sa bintana habang tinititigan nalang namin ang sarili namin from afar. Pakiramdam ko tuloy ako si Rapunzel at nasa ibabaw ako ng torre nakakulong at nasa baba ang prince charming ko. Masyado ng madami ang bantay sa labas kaya kahit siguro hibla ng buhok ko ay hindi makakalabas sa bahay na'to unless may permission ni Daddy. Hays, kung andito lang sana si Mommy baka pinagtanggol niya na ako.
Sa kalagitnaan ng nakakalungkot na gabi sa buong buhay ko ay biglang dumagundong ang langit tsaka naglabas ng kidlat at bumuhos ang napakalakas na ulan. First time kong hindi makaramdam ng takot sa kulog dahil sa lungkot na dinadala ko. Nakita kong pumasok na siya sa kotse. Sana okay lang siya. Hanggang kelan pa kaya kami magkakaganito? Sana matapos na...
"Alexandra... matulog kana at maaga ang flight natin bukas." Narinig kong sabi ni Dad mula sa likuran ko pero hindi na ako sumagot pa at nanatili lang akong nakadungaw sa bintana kung saan tanaw ko si Aaron.
"Matapang siya para ipaglaban ka niya... but it doesn't change the fact na anak siya ng isang traydor. Mga bata pa kayo, makakalimutan niyo rin 'to." Sabi niya na tila ba sinabi niya narin na tanggapin ko nalang lahat ng 'to.
"Do what you want Dad, if it makes you happy then so be it." I coldly replied.
"This is all for you Anak."
"No Dad. This is all for the sake of your company image." Sobrang bigat na talaga ng loob ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ngayon palang din kami nagkasamaan ng loob ni Dad ng ganito ka tindi. Bahala na. Kung kami talaga para sa isa't-isa ni Aaron, God will make a way. I remember the sign na hiningi ko sa kanya. I was mistaken, I thought I found him at my 18th turn pero saktong 17th turn pala talaga. Pero bakit ganito? It seems like hindi sumasang-ayon sa amin ang tadhana.
Aaron's POV
Messy hair, dirty clothes, lack of sleep, what else? But I don't even care! I just wanna be with her. Naiinis talaga ako sa sarili ako at hindi ko siya magawang ipagtanggol sa Daddy niya. Sino ba naman ako kumpara sa Daddy niya diba? I'm just a freakin' 18-year old boy who tried to ask the hand of his beloved daughter.
Kakatawag ko lang sa bahay at pinaalam ko kung nasaan ako. Until now, I still can't f*cking understand kung bakit nilalayo ng Daddy niya sakin si Alexandra. May mali ba sa akin?
Karma ko ba lahat 'to dahil binaliwala ko lang siya noon? Bakit kung kelan mahal ko na siya ay tsaka pa nangyari to? Sa totoo lang gustong gusto ko na magwala pero hindi naman yun makakatulong sa problema ko.
Napansin kong bumukas ang pinto ng bahay nila at nakita kong lumabas yung Daddy niya kasama si Alexandra. Lumabas na agad ako ng kotse. Bakit madami silang dalang bagahe? Are they leaving now?
"Alexandra!" Tawag ko dito at akmang lalapit na ako ay pinigilan agad ako ng dalawang guard.
"Aaron!" Tawag niya rin sa akin na bakas sa mukha niya ang pagkalungot at mugto rin ang mata nito.
"Teka! Sir, saglit! Please wag niyong gawin to!" Hindi ko na alam pa kung ano ang ginawa ko basta namalayan ko nalang na nasa lupa na ang mga tuhod ko habang dumadaloy ang luha ko sa pisngi.
"I'm begging you sir, wala na akong pakealam pa, wala na akong pakealam sa pride at kung ano pa man. Basta the only thing I care about is gusto kong makasama yung anak niyo. I wanna marry her, I wanna be with her for the rest of my life because I really love your daughter." those words came out habang patuloy sa pagpatak ang mga luha ko.
Alexandra's POV
Bahagyang natigilan si Daddy ng biglang lumuhod sa harapan niya si Aaron at lumabas sa kanyang bibig ang mga salitang lalong kumurot sa puso ko. He looks so miserable because of me. Isang dating mapride at walang pakealam sa akin ay eto nakaluhod ngayon sa harapan ng Ama ko just for me to stay. Begging and crying...
Ang sakit sakit makita siyang ganito. Mas gusto ko pang sungitan niya ako magdamag, utusan maglinis, at kung ano pa man. Basta wag lang ganito.
"Daddy...please." basag nanaman ang boses ko dahil sa mga luha ko. Kagabi pa ako umiiyak and now eto nanaman ako.
Alam kung deep inside naaawa na sa amin si Daddy pero pinaninindigan niya ang decision niya."I'm sorry hijo." Mariing sabi ni Dad tsaka hinila na ako papasok ng kotse na siyang lalong nagpalakas ng iyak ko. Akala ko sa tv drama lang nangyayari tong mga ganito pero sa akin pa talaga nagkakatotoo. Pakiramdam ko bumugal ang oras habang unti unti kung nararamdaman ang distansya sa aming dalawa. The door was closed at umandar narin ang kotse. Napatingin ako sa likod ng kotse, tumatakbo siya at tila ba sinusubukan niya paring pigilan ang pag-alis ko habang tinatawag ang pangalan ko.
Sobrang sakit. At kahit gaano pa man kasakit ay wala akong magawa. Sana panaginip nalang ang lahat ng ito at magising na ako.
Pagod na pagod na ako...
Baka hanggang dito nalang talaga ang kwento namin. Baka hindi tulad ng karamihang napapanood ko sa tv na may happy ending. Baka pinagtagpo lang talaga kami ngunit hindi kami itinadhana para sa isa't isa. Ang sakit sakit pala talaga. Mas masakita pa kumpara sa nireject niya ako noon.
Siguro kung kayo ay nasaktan na noon ay siguro maiintindihan niyo ako ngayon. Sadyang nagmahal lang ako sa tamang tao, ngunit sa maling oras. Maybe the right time will come...maybe not now but soon or someday.
A/N: Nasaktan kana ba? If yes, siguro alam niyo ang pakiramdam ngayon ni Alexandra. Hit the star below guys. Kapit lang kayo readers. :)
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED (COMPLETED)
Teen FictionCrush is paghanga, iyon ang sabi nila. Oo, nagsisimula ang lahat sa paghanga hanggang sa lumalalim. Paano kapag malalim na? Crush pa rin ba ang tawag doon? There's a girl who have a huge crush with her schoolmate. Well, it's normal. I mean-90% of a...