CAPTIVATED: FOURTEEN

2.6K 112 1
                                    


Aaron's POV

Bahagya akong napangiti habang tinititigan ang wallpaper ng phone ko.
Shit! I'm so f*cking crazy.

"So okay na to?" tanong sa akin ni Lorraine habang pinapakita sakin yung isang piece na tinatype niya sa laptop.

Tumango lang ako. I already did my part kaya siya naman ngayon ang nagtatype. Instead na umalis kami, hindi nalang natuloy dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya dito nalang kami gumawa ng written report tungkol sa case study which is Business yung topic na ipapasa namin for tomorrow.

"Asan nga pala yung papers na binigay ko sayo kahapon?" Tanong ko kay Lj dahil bigla ko yun naalala at kasama yun sa compilation ng ipapasa for tomorrow.

"Ahhh...wait! Halika tulungan mo nga akong hanapin yun." She replied then tumayo at hinawakan ako sa kamay.
Basta niya nalang ako hinala papasok ng kwarto. It was a little bit awkward but fine walang malisya.

Alexandra's POV


Kahit mamaya pa pasok ko bihis na bihis na ako and I make sure na maganda at mabango ako dahil syempre nandito yung Prince charming ko nuh!

Hmm...anong oras naba? Napatingin ako sa relo ko. 11 palang pero mamayang 2 pa yung pasok ko. Hindi naman kaya mahagard ako nito? Bahala na nga!

Lumabas na ako ng kwarto ko and pumunta ng sala. But wala akong nakitang Aaron at Lj. The only thing here is Laptop. San naman kaya sila pumunta?

Napasilip ako ng kusina but nothing.
Sumilip ako sa kwarto ni Mj. Si Mj lang naman andun. Hindi ko na siya dinisturbo pa at nagrereview siya.

Pagkahawak ko palang sa doorknob ng kwarto ni Lj ay bigla nalang ako nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kong bakit.

As open the door...

O.O

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Pakiramdam ko para akong isang baso na biglang nabitawan at nabasag.

I saw my Prince Charming lying on Lj's bed habang nasa ibabaw nito si Lj na tila ba magsisimula palang sila.

Agad namang itinulak ni Aaron si Lj nang makita niya ako.

Gusto ko magwala sa nakita ko at sugurin si Lj at sabunutan pero wala akong nagawa and I was speechless.

Saktong pagtalikod ko ay biglang tumulo sa pisngi ko ang mainit kong mga luha.

"Alexa...nagkakamali ka." tinapik ako sa balikat ni Aaron pero parang wala na akong marinig dahil nagtuloy tuloy na talaga sa pagdaluy ang luha ko.

*Dingdong...*


Kahit mejo blurry na yung paningin kong nakita kong binuksan ni Mj ang pinto and naaninag ko ang mukha ni Ralph mula sa pintuan. Hindi ko alam kong anong naudyok sa akin at bigla akong tumakbo tsaka niyakap si Ralph at sa dibdib niya ako tuluyang umiyak ng todo.

Ramdam kong nabitawan ni Ralph yung dala niyang bulaklak at niyakap ako pabalik. Naririnig kong tinatanong niya ako kung anong nangyari pati na ang mga tao doon. Pero parang nawalan na ako ng pake sa paligid ko basta gusto ko lang umiyak at ilabas yung sakit.

Mejo OA nga ata siguro ako pero masakit talaga eh. Mahal ko siya eh. Akala ko pa naman mahal niya na din ako, pero mukhang nagkamali ako...

Aaron's POV

Pagpasok palang namin ng kwarto ay bigla siya humarap sa akin at tila ba inaakit niya ako.

"What are you doing?" Kunot noo kong tanong sa kanya. But instead na sagutin niya ang tanong ko bigla niya akong tinulak dahilan para mapahiga ako sa kama at tsaka siya pumaibabaw sa akin.
Dahan dahan niyang nilapit sa akin ang pagmumukha niya pero umiwas ako kaya hindi niya ako nahalikan ng biglang bumukas ang pinto and I saw Alexa standing there. Her eyes are wide habang nakatitig sa direction namin.

Agad ko namang tinulak palayo sa akin si Lj tsaka ako lumapit kay Alexa na nakatalakod na sa amin ngunit napahinto siya ng tapikin ko siya sa balikat.

"Alexa...nagkakamali ka." I was about to explain everything pero natigilan din ako ng maramdamang kong she was in tears.

F*ck! Anong ginawa ko? Nasaktan ko nanaman siya.

*Dingdong*

Binuksan ni Mj ang pinto. And from my peripheral vision I saw my brother, Ralph. Out of nowhere wala na sa harapan ko si Alexa and the next thing is nakita ko nalang siyang nakayakap kay Ralph habang umiiyak pa din.

"What happened?" Tanong niya kay Alexa but she didn't answer it.

Nagkatinginan kami ni Ralph. His look was like he was asking me what was happened.

Parang nagdilim ang paningin ko at nagngitngit sa galit.

Binalikan ko ng tingin si Lj na nakatayo sa likuran ko.

"I'm sorry." She said. I took a deep breath para kumalma ako.

Damn! I pounded on the door with my both fist with anger. F*ck! Nakita kong duguan na ang mga kamao ko dahil sa lakas ng suntok ko. But it doesn't matter at all.

Ralph's POV

Pagbukas na pagbukas ng pinto, una kong nakita kay si Alexa. Masaya sana but damn! Bakit umiiyak siya?

Bigla siyang tumakbo papunta sa direction ko tsaka ako niyakap at napasubsob sa dibdib ko. Kung sa ordinaryong pangyayari lang ay siguro natuwa pa ako but she's in tears! Who did this? Nabitawan ko ang bouquet ng bulaklak na dapat ay ibibigay ko sana sa kanya. Hinaplos haplos ko siya sa likod para kahit papano maramdaman niyang nandito ako.

"What happened?" Tanong ko sa kanya na nakasubsob parin ang mukha niya sa dibdib ko. She didn't answer. Nagtama naman ang tingin namin ni Aaron. Pero wala din siyang masabi sa akin at tila ba nagngingitngit siya sa galit.

Pandaliang katahimikan ang bumalot sa amin. Ako, si Mj habang nakatulala lang at nakatitig sa amin, si Lj na parang walang pake, si Aaron na nagdidilim ang paningin at si Alexa na tuloy parin ang pagdaluy ng mga luha sa mata niya.

Isang malakas na kalabog ang bumasag sa katahimikan. It was Aaron. Sinuntok niya ang pintuan ng kwarto at tsaka naglakad palapit sa amin. Akmang hahawakan niya sana si Alexa ngunit parang natigilan siya bigla at tila ba nanghina as Alexandra began to sobs.

He took a deep breath tsaka tuluyan ng lumabas.

I didn't know what happened but I know may masamang nangyari dito. I have to found out.




A/N: Thanks sa pagbabasa. Kindly comment kayo guys. I wanna know some feedbacks.

CAPTIVATED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon