After ma- stranded sa Black Pearl highschool ay sa wakas,Tumigil na ang malakas na ulan at nakauwi din ako sa bahay na ligtas naman hahaha!!! Sobrang namiss ako ni Unice at nung pagkagising ko ay niyakap nya ako pero nagtataka ako kung bakit nandito na ako sa bahay? Ang pagkakaalala ko eh nasa school pa ako at mahimbing na natutulog sa sofa.
"Paano ako nakapunta dito?"
"Pinuntahan ka po namin sa school tapos naabutan po namin kayong natutulog sa sofa sa faculty room. Binuhat nga po kayo nung cutr guy papunta sa car" sabi ni Unice sa akin na tila kinikilig pa ata sa cute guy daw?
"Sinong cute guy my princess?"
"Yung kasama nyo po sa faculty room?"
Ah? Naalala ko na. So ibig sabihin ay si Sir Thor Dizon ang nagbuhat sa akin?!!! Medyo mabigat ako. Hindi kaya sya nainis dahil dun?
"Hindi ka kasi magising Nanny dahil tulog na tulog ka kaya binuhat ka na lang nya."
"Ah, Ganun ba. Oh? My princess, ang galing mo nang magtagalog huh."
"Opo " sabay tawa nya.
Buti naman. Mahirap kayang makipag-english kay Unice at kahit simpleng english lang eh hirap na hirap ako hahaha!!! KULANG NA LANG EH DUMUGO NA ILONG KO. But anyway, kailangan kong makapagpasalamat kay Sir Thor dahil dun pero hindi muna ngayon kasi walang pasok sa school at dahil yun sa bagyo lang naman.
Stay muna ako dito sa bahay nila para gawin ang gawaing bahay dito at pati na in ang pag-aalaga ko kay Unice hahahaha pero ang bad news nga lang ay wala kaming kuryente. Brownout kasi dito sa village namin at pati na rin sa ibang lugar kaya eto panay ang tulog namin at kahit ako ay inaantok din.
Ang ganda ng panaginip ko kaninang tanghali kasi may cute guy akong nakita sa panaginip ko at unti-unti na syang lumalapit sa akin ay nag-blush ako dahil.......... si Sir Thor Dizon ang nakita ko! Pilit kong ginising ang sarili ko sa panaginip na yun pero ewan ko ba? Ayaw ng katawan ko na gumising ako mula sa panaginip na yun at tsaka antok na rin kasi ako kaya at the end eh nakatulog pa rin ako.
Mga 5 pm na ako nagising, napahimbing ata ang tulog ko at dahil 5 pm na rin ay bumangon na ako para maghanda ng hapunan pero ang maganda naman nito ay may kuryente na.
Habang nagluluto sa kusina ay may tumabi sa akin at nung tignan ko kng sino ay SYA!!
"ANONG GINAGAWA MO DITO?"
"Na miss kasi kita" then he smiles to me.
ANU BA YAN! STRICT THREE NA YAN tapos pumikit ako saglit tapos nung dumilat na ako ay bigla syang nawala. Hay naku, namamalik- mata na ako tapos nag blush na naman ako.... IBA NA ITO TALAGA.
Tapos nun ay hindi na uun natapos pa kasi sa bawat sulok ng bahay ay nakikita ko sya kahit alam kong wala naman sya sa bahay. NAKAKALOKA KAYA YUN tapos panay pa ang blush ng face ko.
Ang akala ko nga eh matatapos na dahil matutulog na ako pero mukhang ayaw akong tigilan ng imagination kong ito. Nung nasa room na ako ni Unice para matulog ay nakita ko na naman sya at nakatayo.
"Ikaw na naman? TIGILAN MO NA NGA AKO" Mahina kong sabi ( mukha na akong baliw nito!!!)
Hindi sya nagsasalita? Malamang dahil imagination ko lang sya. Tapos humiga na ako tapos kinuha nya yung upuan malapit kay Unice at umupo sa may tabi ko. Parang binabantayan ako at kahit imagination ko lang yun ay feeling ko ay sya yun kahit sa totoo lang eh hindi naman sya ganun sa akin.
Nakatingin lang ako sa kanya habang sya naman ay patuloy lang sa pagtitig. Ewan ko ba? Naramdaman ko na ito dati pero hindi ko alam kung kailan pero ang alam ko lang ay masaya ako.
Mahimbing ang tulog ko???? Mukhang hindi ata hahaha.
( sa room ko,,,)
"Hindi man kayo magkamukha, sa ugali naman ay may pagkakaparehas kayo " sabi ko habang tinitignan ang picture namin ni Pearl nung pareha na kaming graduate nang college.
"Maraming nangyari pero kahit isang taon na ang lumipas, hindi paa rin kita makalimutan at dahil yun sa kanya. Palagi kitang nakikita sa tuwing nakikita ko sya."
Napabuntong hininga na lang ako at natulog na lang ako para maibsan ang sakit dulot ng pangungulila ko sa kanya........ kay Pearl Matthew.

BINABASA MO ANG
I WANT TO DIE!!!
Teen FictionA love story that will teach us how love is strong even death comes to you.