Masaya ako....... sobrang masay dahil kaninang umaga, bago kami umalis ni ken ay may nag deliver ng mga paso na may magagandang bulaklak sa bahay. Then naalala ko na sinabi nya na ipapadala nya yung mga yun sa bahay and tinupad nya yun. Mahilig ako sa bulaklak pero ayoko na pinipitas sila dahil may buhay rin sila at gusto ko yung nakikita ko na lumalaki ang mga magagandang bulaklak. Nalaman nya yun mula sa ate ko kaya naisipan nyang yung surpresa na yun sa akin.
Pero nagtaka si ken kung bakit merin nun? Ang sabi ko, bigay ng isa sa mga nagka crush sa akin. Sabi ko rin na nakakahiya na hindi ko tanggapin, nag effort ung tao para ibigay sa akin ito. Tumungo lang sya sa sagot ko.
Hindi ko alam kung paan ko ba sasabihin sa kanya na kami na? Alam kong sobra syang mabibigla sa sasabihin ko pero kailangan kong sabihin yun sa kanya mamayang gabi, after ng dinner.
Nakarating na kami sa school and nakasalubong namin si sam and i hope na nasabi na nya yun nararamdaman nya kay ken.
(Lunch break, sa may cafeteria)
"Hindi ba sasabay si ken sa atin conan?"
"Hindi eh, may meeting daw sya ng mga team mates nya. Importante daw".
"Ah....... ganun ba?"
"Nasabi mo na ba yung feelings mo sa kanya?"
"Hindi eh. Nahihiya ako sabihin yun sa kanya. Alam mo ba? Habang nagmamaneho sya, alam kong ikaw yung iniisip nya. Dun ko naisip na hindi kita kayang pantayan o higitan sa puso nya. Sasabihin ko na lang ito when the right time comes."
"Sige, ikaw ang bahala. Siguro, mas mabuti na yun dahil kakausapin ko in sya mamaya. Ayoko na rin syang mahirapan pa".
After ng class ay sabay sabay kaming umuwi gamit yung kotse ni ken at hinatid namin si sam sa bahay nila dahil hindi sya masusundo ng driver nila dahil ipinaayos yung kotse na nagsusundo sa kanya. Tahimik sa loob ng kotse. Ayoko namang magsalita, inaantay ko na magsalita ang isa sa kanila hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Ginising ako ni ken at nakita ko na nasa bahay na pala kami. Kinagabihan ay naghapunan kami at malalim ang iniisip ko, hindi ko alam kung ano ba ang una kong sasabihin sa kanya mamaya.
"May problema ba?" Tanong nya
"Wala.........wala lang"
Nahalata kong iba ang kilos ni conan kanina pa...... hindi ako mapalagay dahil sa mga kilos nya.
Pagkatapos kumain ay niyaya ko si ken na maglakad lakad sa labas. Pumayag naman sya.
"May sasabihin ka ba? Sabihin mo na para hindi ako nag aalala ng ganito".
"Siguro nga? Tama lang na sabihin ko sayo ito. Alam mo kasi ken.......... kami na..........kami na ni sir thor, sinagot ko sya nung valentines day. "
Tahimik sya nung sabihin ko yun sa kanya. Halata ko sa mukha nya na nabigla sya sa sinabi ko pero wala akong magagawa kundi sabihin yun sa kanya.
"Sa loob ng 4 na taon, hindi ko syang nagawang palitan sa puso mo. Halos ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko. Nag aral akong mabuti, sumali ako sa bsketball team, lagi rin kitang nililigawan kahit nasa school pa at kahit dito sa bahay. Lahat siguro ng pwedeng gawin ko nagawa ko na pero hindi pala sapat. Pero salamat sa pag appreciate sa lahat ng effort ko. Ito na siguro yung huli na kukulitin kita. Sige, mauna na akong umuwi sayo" sabay alis nya.
Naiyak ako...... naiiyak ako dahil umasa sya. Pinaasa ko ba sya? Hindi ko alam. Naguguluhan ako.
Mula nung araw na yun, hindi na kami nagpapansinan kahit sa bahay at sa school. Sinabi ko kay sam na sya muna ang magbantay kay ken. Samahan nya ito dahil malungkot si ken dahil sa sinabi ko sa kanya. Nang sabihin ko yun kay sam, nabigla sya at hindi tumanggi sa pakiusap ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
I WANT TO DIE!!!
Teen FictionA love story that will teach us how love is strong even death comes to you.