CHAPTER 20: THE BAD NEWS

3 1 0
                                    

Ilang araw nang wala si Coder sa bahay namin. HIndi ako sanay na wala sya sa bahay at hindi nakikita. Sabi nya ay dalawang linggo pa daw ang seminar nila sa probinsya, sa camarines sur. Namimiss ko sya ng sobra talaga kaya kay Yumi at Coder williams ko na lang nilalaan ang oras ko kahit na nangungulila ako sa kanya. Tumatawag naman sya sa umaga at gabi. Kinukumusta din naman nya ang mga kasama namin sa bahay at ang mga anak namin at pati rin ako. 

Namimiss din nya kami. Kapag nalulungkot nga sya ay tinitignan lang daw nya ang larawan naming apat na magkakasama. Kahit dalawang araw pa lang sya dun ay miss na miss na nya kami ng sobra. Ang sabi nya sa akin ay ok naman ang seminar pero medyo nakakapagod din ang makinig ng matagal sa speaker sabi nya sabay tawa. Nakakaramdaman din sya na parang magkakasakit sya o magkakalagnat dahil dun.

Nag alala ako sa sinabi nya at sinabihan ko sya na uminom agad ng gamot para hindi na lumala pa. Maagang natapos yung usapan namin dahil sinabihan ko sya na matulog ng maaga para maging ok naman sya kahit konti.

(Kinagabihan)

''Kamusta na kayo dyan? Si Yumi? Ok ba sya?''

''Oo naman. Nasasanay na rin sya sa akin''

''Buti naman'' 

Nag iba ang tono ng boses nya.

''Iba ang boses mo? Masama pa rin ba pakiramdam mo?''

''Oo? Magpapa check up nga ako bukas sa hospital dito''

''Nag aalala ako sayo? Pa check up ka bukas huh''

"Opo''

"Oh kaya eh umuwi ka na lang kaya? Wag mo na kayag tapusin yung seminar nyo dyan?''

"Hindi pwede Conan. Magiging ayos din ako bukas. Pagod lang siguro ito''

''Sige na. Matulog ka na at baka mapagod ka rin''

''Bye''

"Bye''

Tapos binaba na nya yung telepono. Iba ang pakiramdam ko talaga. Sana hindi masama yung lagay nya? Sana hindi malala yung nararamdaman nya?

Yun na pala yung huling tawag sa akin ni Coder dahil hindi na sya tumatawag. Kapag tinatawagan ko sya ay hindi naman nya sinasagot kaya sobra akong nag aalala sa kanya. Ang akala ko lang ay wala lang yung hindi nya pagtawag sa akin. Ang akala ko ay busy lang sya sa work nila sa probinsya.

Lumipas ang dalawang linggo at nakauwi na ang mga kasama nya pero nang tanungin ko ang professor ko noon na classmate nya nung college. Nagpaiwan daw sya dun at pumunta sa puntod ng mama nya.

2 years ago, namatay ang mama nya dahil sa sakit sa dugo. Hindi naagaban ng mga doktor ang sakit ng mama nya hanggang sa namatay na lang sya. Malungkot si Coder nun dahil hindi man lang namin sya nakasama sa bahay.

Sinabi nya sa akin na iba ang kinikilos nya magmula nung magpa x ray daw sya. Masakit daw kasi ang likod nya at hindi nya alam kung bakit. Matagal na daw yun, Nung mga nakaraang araw pa dahil sa busy sa school kaya nagpa check up sya. Hindi daw nya pinakita yung result nung makuha nya at sinabihan kami na mauna na daw kami . Dadalawin muna daw nya ang mama nya bago umuwi.

''Hindi po talaga maganda ang pakiramdam ko sir?''

"Matagal na ba nya yang nararamdaman?'

"Normal naman po daw sa kanya na masakit ang mga buto nya sa katawan"

"Huwag kang mag alala. Susunduin ko sya kapag hindi pa rin sya umuwi dito bukas''

''Salamat po sir''

Sana ay umuwi na talaga sya. Pagkatapos kong makausap si sir sa telepono ay napaisip ako. Baka may hindi sya sinasabi sa akin?

Lumipas ang isang araw at hindi pa rin umuuwi si Coder kaya pinuntahan na sya ni sir sa Bulacan. Ihahatid na lang daw nya si Coder sa bahay namin ng ligtas.

Hanggang gabi ay inaantay ko pa rin ang pagdating  nya at mga 10:49 pm sila nakarating ni sir. Nang marinig ko ang kotse nilang dalawa ay lumabas na ako para salubungin silang dalawa. 

Pero nang makita ko na sila ay hindi maipinta ang mukha ng dalawa. 

''Pasok muna tayo Conan'' sabi ni sir.

Nang nandun na kami ay umupo sa may sala sila sir and Coder.

''Anung bang problema?''

''May kailangan kang malaman Conan?''

"Ano naman po yun sir?''

"Ikaw nang magsabi '' sabay tingin kay Coder

tahimik syang tumayo at pumunta sa akin at niyakap ako at nagsimulang umiyak. Yung pag iyak nya ay hindi ko inaasahan? Hindi ko maintindihan kung bakit sya ganun? Iba ang mga kinikilos nya?

''Bakit? May problema ba?''

tapos niyakap ako ng mahigpit lalo.Tapos nun ay bumitaw ako at tinignan sya.

''Kasi.........''

"Ano ba yun?''

''May Cancer ako. Cancer sa buto''

Parang gumuho ang mundo ko ng mga sandaling iyon. Paanong nangyari yun sa kanya? HIndi naman sya sakitin di ba? Paanong nangyari yun?

''Paanong nangyari yun?''

''Stage 3 na sya''

Nagsimula na akong umiyak habang sinasabi nya yun sa akin? Bakit? Bakit?

''HIndi ko kayang iwan ko kayo Conan'' habang patuloy ang pag iyak nya.

NIyakap ko sya nun. Habang niyayakap ko sya ay lalo akong umiiyak. Masaya na kami pero bakit nangyari ito? May ginawa ba akong mali noon? Naging mabait naman ako pero bakit ang taong pinakamahalaga sa akin ay kukunin nya? Hindi ko maintindihan talaga.

Nang gabing yun ang simula ng problema namin? Kung paano namin sya masasagip mula sa sakit nya na malala na? HIndi ko kakayanin na mawala sya...... HIndi ko kaya.

Kung kailangang buhay ko na lang ang kunin nya ay gagawin ko at hindi ko pagsisisihan yun kahit kailan.



I WANT TO DIE!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon